Kabanata 37

1722 Words

Panay ang sulyap ko sa napakaraming kawal na nagbabantay sa daungan. Bago makapunta sa isla kung nasaan ang tiyahin ni Nero ay kailangan muna naming makasakay ng bangka papunta roon. Hindi ko naman inaasahan na sandamukal na kawal pala ang nagbabantay roon. "Ano na ang gagawin natin?" tanong ko kay Nero. Kahit saan madapo ang paningin ko sa may dalampasigan ay nagkalat ang mga bantay. "Hindi talaga tayo makakadaan diyan," tugon ni Nero. Agad akong napatingin sa lalaki. Ano raw? Hindi kami makakadaan?! Eh, ano pa ang silbi na nandito kami ngayon? Ano 'yon? Unti-unting tumaas ang isang kilay ko dahil sa narinig. Huwag niyang sabihin na nag-aaksaya lang kami ng oras dito? Nakatitig ako lang sa kawalan at hindi agad naka-imik sa tinuran nito. Agad ko namang naramdaman ang paghapdi ng aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD