"May tinatago ka ba sa akin? May dapat ba akong malaman?" Agad akong napahinto mula sa aking paglalakad at litong nilingon si Nero na ngayon ay nakakunot na ang noo. Halos magdikit na rin ang kilay nito at hindi na maipinta ang pagmumukha. Unti-unti na rin akong nasanay na araw-araw kong nakikita ang sarili kong pagmumukha sa lalaki. Kung noong una ay naninibago ako, ngayon ay hindi na ako masyadong na-we-weirduhan sa sarili kong mukha. Kasalukuyan ay naglalakbay kami. Pagkatapos naming maihatid si Lucia sa kaharian ay hindi na kami nagtagal pa. Agad kaming namaalam kay Lucia na agad din namang tinutulan ng dalaga. Nais sana nitong maghanda ng isang salo-salo para sa amin. Agad din naman akong tumanggi bilang nasa katauhan ni Nero. Hindi na ako dapat magsayang pa ng oras. Kailangan kong

