*Ang Simula Sa Pagtuklas Sa Nakaraan* Panay lang ako sa pagtingin sa lahat ng naririto sa palasyo. Mula sa mga kawal hanggang sa mga palamuti na siyang nakikita ko ay halos hindi ko na maalis ang paningin ko roon. Punong-puno ng pagkamangha ang mga mata ko at hindi ko maikakaila na para bang bumalik ako sa pagkabata. Nasa gilid ko si Nero na mabagal na naglalakad. Ewan ko rin kung bakit bigla na lamang bumagal ang paglalakad namin simula nang tumapak kami sa palasyo. Napakaraming guwardiya ang siyang sumalubong sa amin at parang nalula ako sa dami nila. Hindi mahulugang karayom din ang daan dahil sa dami ng taong sumalubong kay Lucia. Ganito ba nila tratuhin ang isang tulad niya? Ramdam na ramdam ko ang malaking agwat sa pagitan ng babae. Nasa kan'ya na ang lahat. Kagandahan na hinahangad

