"Mahal na Prinsesa," bati ko. Agad akong yumuko at iniluhod ang isang tuhod ko para magbigay galang s babaeng nasa harapan ko ngayon. Ganoon din ang ginawa ng mga tauhan na kasama namin ni Nero at siyempre pati na rin si Nero ay sumunod na rin sa pagluhod. Unang kita ko pa lamang kay Prinsesa Lucia ay namangha na ako kung bakit parang may kakaiba sa kan'ya na hindi ko mawari. Hindi naman maipagkakaila ang gandang taglay nito dahil ako na mismo na babae ay napanganga sa natural nitong karisma. Kahit wala itong ginagawa at kahit hindi pa ito nagsasalita ay talagang agaw-pansin ang awra at ganda nito. "Nero!" Agad yumakap si Prinsesa Lucia sa akin. Hindi ko 'yon inaasahan. Ang buong akala ko ay hindi pa sila nagkakakilala pero mukhang mali ata ako. Ang nasa isip ko kasi ay pinagkasundo la

