Prologo

616 Words
Sa isang sikat at mataong club na tinatawag na 'Virgin Island' ay makikita ang iba't-ibang klase ng tao, may mga gusto ng good time, may gustong makalimot, mayroong social climber, may mga gustong mag-bonding at mayroon namang napadaan lang. Sa counter ay may isang babaeng nakaupo at umiinom, siya si Bianca. Isang beinte-kuwatrong Restaurant manager at kasalukuyang… brokenhearted. Nagpunta siya sa club para maglasing at panandaliang makalimot. "Walanghiya siya, ibinigay ko naman sa kaniya ang lahat ng makakaya ko pati na savings ko pero niloko pa rin niya ako!" umiiyak niyang bulong sa sarili. "Ano pa ba ang kulang sa akin at hindi siya nakuntento? Dahil ba wala akong lawit?!" lalo siyang napahagulgol sa naisip. Napailing-iling naman ang bartender habang pinagmamasdan ang customer na naglalasing. Sa limang taon niyang pagiging bartender ay ilang klase na rin ng tao ang napagsilbihan niya. May iba't-ibang storya, pare-pareho ng dahilan ng pagpunta rito; ang maglasing at makalimot. Kailan kaya nila mare-realize na ang alak ay panandalian lang? May hangover na sila, bugbog pa ang atay nila. Naiiling na sabi niya sa isip. Siya naman si Vian, edad beinte siyete at isang man hater. Isinumpa na niya ang lahi ni Adan mula nang muntik siyang magahasa ng mismong Tito niya at ng kapitbahay niya noon. Sa isang madilim na sulok naman ay pilit na itinatago ni Leslie ang sarili sa mga tao. Siya ay beinte singko at isang manunulat. Hindi naman niya gustong pumunta sa ganoong klase ng lugar ngunit mapilit ang kapatid niyang si Tricia na isama siya. Kung siya ang papipiliin ay mas gusto niyang magkulong sa kwarto at magbasa ng libro. Sa kanang side naman ay mag-isang nakaupo ang isang babaeng may makulay na kasuotan. May ibang pinagtatawanan siya at may ibang napapantastikuhan sa kaniya. Siya naman si Charlyn, lagpas na halos sa kalendaryo ang edad niya at kung tutuusin ay wala na sa edad para mag-club pero ano bang pakialam nila? Stress siya sa trabaho at gusto niyang mawala ito. "Hi, there." nagulat pa si Charlyn ng may tumabi sa kaniyang isang gwapong foreigner. Nakaramdam ng hiya si Aisha dahil kung tutuusin ay hindi naman siya kagandahan para lapitan ng isang gwapong lalaki. "H-hello?" imbes na pagbati ay naging patanong ang sagot niya. Is it me you're talking to? "Are you alone?" nang-aakit nitong tanong sabay lapit sa kaniya at nagdikit na ang mga balat nila. Naiilang na umusog si Charlyn at tumawa. Duh? Mukha ba akong may kasama? Alam ko na 'yung mga ganitong galawan, eh. Kunwari makikipagkilala sila tapos makikipagkilala ka naman tapos mauuwi kayo sa motel at ibibigay mo ang lahat sa kaniya tapos iiwanan ka. Umusog siya at dumikit ulit ito, umusog siya nang umusog hanggang sa hindi niya namalayang nasa dulo na siya at nahulog na siya sa sahig. Nagtawanan ang mga tao sa paligid at sa sobrang pagkapahiya ay kinuha ni Charlyn ang bag at lumabas na ng club. Sa paglabas ay nabangga niya ang isang tomboy pero dahil sa pagmamadali ay hindi na niya nagawang humingi ng tawad. "Tss. Sorry, ha?! Mamumunggo hindi naman marunong mag-sorry." inis na bulong ni Jasmin bago pinagpag ang balikat pagkuwa'y tumingin sa paligid. Nang makita ang hinahanap ay pinalobo niya ang bubble gum sa bibig. Nagpunta rito ang twenty six anyos na dalaga sa pakay. Malaki ang pagkakautang ng lalaking iyon sa kaniya dahil niloko nito ang kapatid niya. Lumapit siya sa lalaki at inundayan ito ng sapak sa pisngi. "Dapat lang sa'yo 'yan, manloloko! Kakana-kana ka tapos iiwan mo ang kapatid kong buntis?! Gago!" inapakan niya ang lalaki sa p*********i nito at namilipit ito sa sakit. Dinuran niya ang lalaki bago umalis. Sa isang monitor naman ay nanunuod at nag-o-obserba si Madam V, nakita at naagaw ng pansin niya ang limang kababaihan na may iba't-ibang personalidad. "They are perfect for my plan." tumatawa-tawang sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD