Chapter 1

1590 Words
                                                                                Chapter One Sampaloc, Manila Kagaya ng nakasanayan ay nagkukulong lamang si Leslie sa loob ng kaniyang kwarto habang nakasuot ng headset at nakikinig ng music. Musika kasi ang inspirasyon niya sa pagsusulat kaya naman kapag walang musika, wala rin siyang ideyang naiisip. Madalas siyang sabihang loner, kj o kaya naman emo ng sarili niyang pamilya at mga kaibigan pero hindi na lamang niya ito binibigyang pansin. Para saan pa? People will only look at you like how they want to kahit ano pang paliwanag mo so sayang lang ang laway. Naka-focus lang ang atensyon niya sa ginagawa, kasalukuyan siyang nagsusulat ng isang exciting ng scene, ang totoo niyan ay isa siyang ghost writer o 'yung mga writer na nagsusulat para sa iba. Maliit lang ang kinikita niya kung tutuusin pero mahal niya ang trabaho niya kaya ayos lang. Natigil siya sa ginagawa ng may biglang dumating na email. Pinindot niya ito at sinimulang basahin. "Hi! Congratulations! Isa ka sa ilang napiling babae na maaaring manalo ng isang milyong piso para sa isang challenge! More details will be discussed in person. Hindi ito peke, hindi ka niloloko lamang. Totoong-totoo ito kaya ano pang hinihintay mo? Sali na!" May nakalagay na address at telephone number sa baba. "Sus. Scam lang 'to, sino ba namang magbibigay ng isang milyon sa panahong ito?" Pero natagpuan niya ang sariling nagda-dalawang-isip. Tondo, Manila "Tarantadong lalaking 'yun. Huwag na huwag kong malalamang nilalapitan ka n'on, Anne ha! At huwag kong malaman-laman na nagmamakaawa kang balikan ka niya dahil ine-nail cutter ko iyang singit mo." banta ni Jasmin sa kapatid na sa edad na disi-siyete ay nabuntis na. "Anne, nag-aaral ka pa lang, hindi ka pa nga tapos ng high school tapos mag-aanak ka? Labandera lang ang Nanay at ako naman ay paextra-extra lang. Anong magiging buhay mo? Hindi mo ba naisip 'yun bago ka bumukaka?" litanya niya sa kapatid na nakayuko lang at tahimik na nakikinig. "Tangina ano? Mag-isa mong palalakihin iyang bata tapos hindi ka na magpapatuloy sa pag-aaral? Dapat kasi lalandi ka na lang din ay binalutan niyo muna!" gigil niyang sigaw at unti-unti nang naiyak si Anne sa narinig. "Jasmin, ano ba naman 'yan? Nariyan na eh. Wala na tayong magagawa kung hindi intindihin at gabayan ang kapatid mo. Bata pa siya at tayo dapat ang umalalay sa kaniya." "Iyon na nga, Inay! Ang bata-bata pa niya tapos ganiyan ang nangyari! Aba nagkandakuba-kuba na nga kayo sa pagpapa-aral sa kaniya tapos iyan ang isusukli niya? Letseng buhay 'to!" inis niyang tinalikuran ang Ina at ang kapatid at lumabas ng bahay para magpalamig. Habang nagsisigarilyo ay nakatanggap siya ng text. "Kailangan ng pera? Well, congratulations! Isa ka sa ilang napiling babae na maaaring manalo ng isang milyong piso para sa isang challenge! Mag-e-enjoy ka na, mananalo ka pa! More details will be discussed in person. Hindi ito peke, hindi ka niloloko lamang. Totoong-totoo ito kaya ano pang hinihintay mo? Sali na!" Para sa isang taong nangangailangan ng pera, sino siya para tumanggi? Malolos, Bulacan May sleep over ang magkaibang si Tekla at Charlyn at napatakip sa mata si Charlyn nang biglang maghalikan si Anastasia at Christian Grey. "Grabe naman 'yan, bakla!" "Gagang 'to. Ilang taon ka na ba at pa-virgin ka pa? Ay oo nga pala. V na V ka pa nga pala!" Tumawa ng malakas si Tekla na lalong ikinahiya ni Charlyn. Sa edad kasing treinta ay isa pa rin siyang birhen at sabi nga ng iba ay 'prude' at 'naive'. Walang kaalam-alam sa s*x at makarinig lang ng mga bulgar na salita ay namumula na. "Eh, sino ba naman kasing papatol pa sa kagaya ko?" Panandaliang inalis ni Tekla ang tingin sa abs ni Christian Grey bago tinignan ang kaibigan. "Ate naman kasi hindi na uso ang mga pabebe ngayon! Ako nga nawaley na ang virginity ko no'ng fifteen years old pa lang ako!" "Magkaiba naman 'yun, bakla." "Anong magkaiba? Parehong butas lang 'yan!" biro nito na ikinatawa ni Charlyn. "Gaga ka talaga." Lumapit si Tekla kay Charlyn at pilit na ibinuka ang mga mata niya para manuod ng TV. Halos lumuwa na ang mga mata niya habang pinapanuod kung paano hagupin ni Christian si Anastasia. "Bakla bakit parang basa ang buhok ko?" takang tanong ni Charlyn kay Tekla. "Ay sorry bakla, naglalaway ako sa pubic hair ni Christian, eh." "Yuck, bakla! Kadiri ka!" pilit niyang pinupunas ang ulo sa damit ni Tekla nang tumunog ang buzzer sa condo niya. "Wait lang." tumayo si Charlyn para sagutin ang pinto. Nang makalagpas sa pader ay muli siyang sumilip. "Pause mo muna!" Pagbukas ng pinto ay wala siyang nakitang tao kung hindi isang sobreng puti sa lapag. Walang nakalagay kung kanino ito galing at kung saan pero binuksan na rin niya. "Hi! Congratulations! Isa ka sa ilang napiling babae na maaaring manalo ng isang milyong piso para sa isang challenge! Mag-e-enjoy ka na, mananalo ka pa! More details will be discussed in person. Hindi ito peke, hindi ka niloloko lamang. Totoong-totoo ito kaya ano pang hinihintay mo? Sali na!" basa niya. "P.s, ay taray may pa-p.s si Mayor. May gusto ka bang maranasan? Kami na ang bahala diyan!" dagdag niya. "Anong TV show naman ito?" taka niyang tanong bago pumasok sa loob ng condo. Angeles, Pampanga "Sabi nga ni Anne Curtis, bakit lahat ng gwapo may boyfriend?" ngawa ni  Bianca habang nakasubsob sa kama. Buong araw ay wala na yatang ginawa si Bianca kung hindi umiyak nang umiyak. Kung hindi naman siya umiiyak ay tulala siya. Ubos na ubos na ang luha niya at parang sasabog na ang ulo niya sa sakit pero tuwing maaalala kasi niya ang paghihiwalay nila ng nobyo niyang si Jeric ay hindi niya maiwasang umiyak. Sino ba namang hindi maiiyak na pinagpalit ka ng boyfriend mo sa isang transgender? Mas pinili nit ang artificial kaysa sa kaniyang totoo. Naalala pa niya kung paano niyang nasaksihan na nagsisiping ang mga ito sa ibabaw pa ng kama nila sa apartment nila! Ang hindi niya matanggap ay ang boyfriend niya ang pinapatungan! Kaya pala hindi nangangahas na kalabitin siya dahil gusto siya ang kinakalabit! Muling naiyak si Bianca dahil sa masaklap na kinauwian ng lovelife niya. Malas nga siguro talaga siya. Ang una niyang boyfriend ay pumasok sa simbahan, ang pangalawa ay isang pulis na na-destino sa malayo, ang pangatlo ay naging adik at na-tokhang at ang pang-apat nga ay si Jeric. Palagi na lamang siyang naiiwang brokenhearted kaya naman sawang-sawa na siya. Gusto niyang sumaya for once, gusto niyang magpaka-rebelde. Gusto niyang makalimot kahit ilang araw lang. "Lord, nagsisimba naman ako ng madalas. Wala naman akong sinasaktang tao at mabait naman akong anak pero bakit ang lupit-lupit sa akin ng tadhana? Bakit hindi niya ako hayaang maging tuluyang masaya?" tanong niya habang nakatingin sa kisame. "Pagod na pagod na akong magmahal at masaktan." Pumailanlang sa loob ng kwarto niya ang tunog ng cell phone niya. Kinuha niya ito sa ilalim ng unan at tinignan para makitang may nag-iwan ng voice mail sa kaniya. May pagdadalawang-isip niya itong pinindot. "Brokenhearted? Pinagpalit ng nyowa?" sinamaan niya ng tingin ang cell phone. "Nananadya ba 'to?" "Congratulations! Isa ka sa ilang napiling babae na maaaring manalo ng isang milyong piso para sa isang challenge! Mag-e-enjoy ka na, mananalo ka pa! More details will be discussed in person. Hindi ito peke, hindi ka niloloko lamang. Totoong-totoo ito kaya ano pang hinihintay mo? Sali na!" "Mag-e-enjoy. Isang challenge? Baka ito na 'yung sign na hinihingi ko!" Quezon City Kadalasan ay hindi pinapansin ni Vian ang mga kaguluhan na nangyayari sa counter, lagi kasing sinasabi sa kanila ng boss nila na huwag silang mangialam. Pero ang harap-harapang bastusin ng isang manyak na lalaki ang isang kabaro niya at ang tumayo lang siya at manuod gayung may magagawa naman siya ay hindi niya pwedeng gawin. "Boss, ayaw ni Miss oh, baka naman pwedeng 'wag mo na lang pilitin." kalmadong awat niya sa lalaking manyak. "Sino ka bang pakialamera ka? Bumalik ka na lang sa trabaho mo, Miss kung ayaw mong masaktan." inis na sabi nito bago muling hinawakan sa likuran ang babae. Hindi na nakapagpigil si Vian at agad na kinuha ang kamay ng lalaki, pinalipit niya ang braso nito at pinaluhod ito sa sahig. "Sa susunod, kapag sinabing babaeng ayaw niya, matuto kang sumunod dahil kapag sinasabi niyo namang mga lalaki na ayaw niyo sa aming mga babae ay pinagbibigyan namin kayo." bulong niya sa manyak bago ito pinakawalan. "Pakialamera ka masiyado! Kita mo ba 'yang suot niya? Sinong gaga ang magsusuot ng maiksi kung ayaw nilang mabastos? Edi sana ay nag-saya na lang siya! Ginusto naman niya iyan!" "Alam mo, ito ang dahilan kung bakit kinamumuhian ko kayong mga lalaki. Karamihan sa inyo ay ganiyan mag-isip. Hindi ba kami pwedeng magsuot ng gusto namin na hindi nababastos? 'Yung mga bata at matatandang hindi nakasuot ng maiiksi na nagahasa, ginusto ba nila iyon? 'Wag mong hanapan ng dahilan 'yang pagiging manyak mo!" "May araw ka rin sa aking babae ka!" sigaw ng lalaki bago ito umalis. Binigyan niya ito ng middle finger bago ito tuluyang umalis. "Okay ka lang, Ate?" baling niya sa babae. "Oo, salamat." Tango lang ang ginawa ni Vian at muling bumalik sa trabaho. Sa kasamaang palad, tinanggal siya ng boss niya dahil sa ginawa niya. Isa palang mayamang customer ang lalaking iyon. Lulugo-lugo siyang umuwi. Minsan mas maganda na lang talagang huwag nakikialam. 'Yung pagkakamali ko nakita niya pero 'yung kamalian ng customer hindi niya nakita. Naiiling na sabi niya sa isip. Nang malapit na sa bahay ay nakita niya ang isang lalaking naglagay ng sulat sa mailbox nila. Nang makalapit sa gate ay kinuha niya ito at binasa. "Kailangan ng pagkakakitaan? Congratulations! Isa ka sa ilang napiling babae na maaaring manalo ng isang milyong piso para sa isang challenge! More details will be discussed in person. Hindi ito peke, hindi ka niloloko lamang. Totoong-totoo ito kaya ano pang hinihintay mo? Sali na!" Tadhana ba ito o isang masamang biro?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD