Chapter 2

963 Words
                                                                                Chapter  Two Araw ng lunes ay nasa daan na ang limang contestant, manggagaling sila sa iba't-ibang siyudad at probinsiya. Ang destinasiyon nila ay sa Makati City. Naunang dumating si Leslie na lulan ng tricycle, bumaba siya at bumungad sa kaniya ang nakabukas na mataas na gate. Kita mula sa labas ang isang malaking puting mansion na may magandang hardin. Muntik pa siyang mapatalon ng mabungaran ang isang maliit na tao. Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat at tinanggal ang suot na headset. "Kailangan nanggugulat?" Nag-peace sign ito. "Churri. Churri. Halika na sa loob, ikaw pa lang ang unang dumating kaya hintayin natin ang iba." Habang naglalakad sa kahabaan ng garden si Leslie kasama ang maliit ng escort ay dumating naman lulan ng isang kotseng kuba si Charlyn. "Salamat sa paghatid, bakla." pasasalamat niya sa matalik na kaibigan. "Oy, gaga ka, mag-ingat ka ha? Huwag kang magpapaturok ng kung ano-ano! Kapag may nangyari sa'yo.." "Oo na, salamat sa pag-aalala." "Ako na ang bahala sa mga ari-arian mo." tumawa ito ng malakas bago muling nagpaalam. "Adios!" Napailing na lang si Charlyn at natigilan siya ng makita niya ang isang mala-adonis na lalaking naka-topless, parang biglang hinangin ang buhok niya at may mga anghel na kumanta ng 'halleluiah". Ngunit nawala ang ngiti niya ng magsimula itong rumampa palapit sa kaniya na daig pa si Pia Wurtzbach. Noon lang din niya napansin na nakasuot pala ito ng high heels. "Hello, Madam! Ako ang escort mo, ikaw ang ikalawang dumating. Tara na at maghintay sa loob." nauna na itong maglakad papasok at pinanuod ni Charlyn ang bawat pagpilantik ng balakang nito. Pabaling-baling pa ang hitsura nito na para talagang rumarampa. Napapikit-pikit si Charlyn habang nakatingin dito. "Diyos ko sana naman ay hindi ako namali ng pinili."  Habang naglalakad na papasok sa gate si Charlyn ay siyang dating naman ng nakasakay sa kotseng si Bianca. Inihinto niya sa harap ang kotse pero may isang lalaking matanda na ang nagturo sa kaniyang ipasok ang kose sa loob kaya naman iyon ang ginawa niya. Mangha siyang tumitingin sa paligid dahil sa lawak nito at inihinto niya ang kotse sa tabi ng iba pang mamahaling kotse. Kinuha niya ang bag niya at bumaba na. Sinalubong siya ng isang matandang babae. "Ikaw ang pangatlong dumating. Nasa loob na ang iba at hihintayin pa ang natitirang dalawa. Halina sa loob at maghintay." yaya nito sa kaniya. "Sige ho." magalang niyang sabi sa matanda at pinauna na siya nito. Nang may maalalang itanong ay lumingon siya pero hindi na niya nakita ang matanda kaya naman tumayo ang mga balahibo niya sa katawan at mabilis na naglakad papasok sa takot na multo ito. Hiniling niyang sana ay tama ang sign na ibinigay sa kaniya at sana ay makalimot siya. Saktong dating naman ng naka-motor na si Jasmin, inihilera niya ang bulok na motor sa mga magagarang kotse at bahagyang sinipat ang mga ito bago napasipol habang iniikot-ikot ang susi sa daliri. "Siguro nga ay hindi ito panloloko lang." Nang hahakbang na sana papasok sa loob ay may nabangga siyang isang matigas na bagay at dahil sa hindi niya iyon inasahan ay nawalan siya ng balanse at masasalpak na sana siya pero may mga brasong pumulupot sa baywang niya para hindi siya tuluyang matumba. Nang tignan niya ito ay isang gwapong mukha ng lalaki ang nakita niya. Biglang kumabog ang puso niya na ikinataka niya. Kung titignan sila ay para silang nasa isang teledrama. "Sa susunod, titingin ka sa daraanan mo." masungit na sabi ng estranghero bago siya binitawan at naglakad at sumakay sa isang kotse. Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Jasmin at napasimangot. "Sungit naman n'on. Bangasan kita riyan makita mo." asik niya bago pumasok sa loob. Huli namang dumating si Vian na sakay rin ng tricycle. Nagbayad siya at bumaba, katulad ng mga nauna ay namangha siya sa ganda ng paligid. Mula sa labas ay tanaw rin niya ang isang magandang Mansion. "Hay, sarap sigurong maging mayaman. May mansion ka, maraming kotse at hindi namo-mroblema ng gastusin." usal niya habang nakamasid sa paligid. Isang batang cute ang lumapit naman sa kaniya. "Ang cute mo naman!" gigil niyang pinisil ang pisngi ng batang malusog. "Salamat po, Ate. Kayo na lang po ang hinihintay para mag-umpisa na. Tara po." hinawakan siya sa kamay ng cute na bata at sabay silang pumasok sa loob. Totoo sa sinabi ng bata ay may apat na nakaupong babae sa magarang sofa ng ng sala ng Mansion. Ngumiti siya sa bata bago siya naupo sa tabi ng isang tomboy. Palihim na tinignan at in-obserbahan nila ang isa'-isa at iba't-iba ang pumasok sa isipan nila. Lahat ay nagkamayan pwera kay Jasmin na nanatiling nakahalukipkip kaya naman hindi na siya tinangkang kausapin ng lahat. Maya-maya ay bumukas ang isang malaking puting pinto at lumabas ang isang babaeng naka-gown ng mahaba na para bang may party. Nakatingin ang limang babae sa kaniya at lahat sila ay nawi-wirduhan sa get up nito. Huminto ang babae sa gitna nilang lahat at namaywang. "Welcome ladies. Ako si Madam V and welcome to my mansion!" "Babae ba siya o bakla?" pabulong na tanong ni Bianca sa katabing si Charlyn. "Uhm, both?" naguguluhan ring sagot ni Charlyn. "Narinig ko 'yon and to answer your question, isa akong tunay na babae na mukha lang bakla." sagot ni Madam V. "Ahh." napatango naman ang lahat sa sagot niya. "Salamat sa pagtanggap ninyo sa aking imbitasiyon. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Narito kayo bilang isang contestant ng isang experiment na tawagin nating 'The MGK Experiment'." "Taray naman. Ano ho ang ibig sabihin ng MGK?" tanong ni Charlyn. "Magpigil ka." tipid na sagot ni Madam V. "Simple lang ang goal niyo, stay a virgin at lagpasan ang mga temptasyon. Stay a virgin until the fifth and final stage is over. Ang mananatiling virgin ay ang siyang mananalo at iuuwi ang isang milyon piso, in cash and without tax." tumingin si Madam V sa bawat isa sa kanila. Inisa-isa ni Madam V ang tingin sa kanila. "And be The Last Virgin Standing."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD