Chapter 3

1605 Words
                                                                                    Chapter Three "Kung merong may ayaw sa inyo ay nakabukas ang pintuan. Maaari na kayong umatras o magpatuloy at sumugal para sa isang milyon." pagpapatuloy ni Madam V. Nagkatinginan ang lima waring nag-uusap kung sino sa kanila ang aatras o susugal. Biglang tumayo si Charlyn at nagtaas ng kamay. "Susuko ka na agad?" nakataas ang kilay na tanong ni Madam V. "Hindi ho. Pwede po bang maki-C.R? Haba kasi ng biyahe kaya naiihi na ako." Napa-facepalm si Madam V bago itinuro ang isang mahabang pasilyo. "Sa dulo niyan ay makikita mo agad ang C.R." "Excuse me." hinging paumanhin ni Charlyn bago mabibilis ang hakbang na tinungo ang tinuro ni Madam V. Nang makabalik siya ay muling inumpisahan ni Madam V ang pagsasalita. "Kung walang aatras sa inyo ay sasabihin ko na ang mechanics ng experiment na ito." "Ah, eh, sa totoo niyan ay nagda-dalawang isip ho ako, oo nga at isang milyon 'yan pero kailangan bang ang virginity ang nakasalalay? Para sa akin kasi ay inportante ito." nangingiming sabi ni Charlyn. "At paano niyo rin nasigurong virgin kaming lahat?" dagdag ni Bianca. "I have my ways, ladies. At kapag pumayag na kayong lahat ay magkakaroon ng test para masigurong birhen pa nga kayong lima." bumaling siya kay Charlyn. "Para sagutin naman ang tanong mo, like I said this is an experiment, nasa sainyo na iyan kung papayag kayo, hindi ko kayo pipilitin. Don't worry dahil hindi kayo pipiliting isuko ito, sisiguruhin kong hindi kayo pwe-pwersahin. Win or lose lang, resist the temptation, stay a virgin and you will win." "Paano naman kung lahat kami ay manalo?" tanong ni Vian. "Imposible 'yan, my dear. Pero kung ganoon man ang mangyari ay handa akong bayaran ng tigi-isang milyon ang ilan mang mananalo." ipinalakpak niya ang mga kamay. "Why don't we introduce ourselves and talk about why you accepted the offer? Magsimula tayo sa'yo." turo niya kay Vian. "Ako si Vian, twenty seven years old, isa akong bartender sa isang bar pero tinanggal ako dahil sa pagtatanggol ko sa isang babaeng binabastos. Iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag na sumali, anim kasi ang kapatid ko." Sunod naman ang katabi niyang si Jasmin. "Jasmin nga pala, twenty five years old. Marami akong trabaho, isa lang ang kapatid ko na nabuntis sa batang-edad, Nanay ko ay labandera at driver naman ang Tatay. Sumali ako dahil tiwala akong ako ang mananalo." Napatingin sa kaniya ang lahat pero agad na pinagsalita ni Madam V si Leslie.  "Uhm, ako nga pala si Leslie, twenty six naman ako. Isa akong Ghost Writer, iba't-ibang genre ang sinusulat ko. Nag-iisa lang akong anak at wala na akong Tatay. Si Nanay ay isang clerk sa isang ekswelahan. Sumali ako kasi gusto kong maranasan ang ganitong klaseng.. contest." "Hello sa lahat ako naman si Bianca. Beinte kuwatro. Ang mga magulang ko ay nasa probinsya at pumunta ako dito para makipagsapalaran, dalawa naman ang kapatid ko pero wala na sila. Kagagaling ko lang sa breakup at gusto kong makalimot at maging masaya kaya ako sumali dito. Nice to meet you all." yumukod bahagya si Bianca sa lahat. Tumayo naman si Charlyn at kumaway. "Good morning, everyone. I'm Charlyn at isa akong thirty years old na assistant. Ako pala ang pinakamatanda sa lahat, pwede niyo akong tawaging Ate. 'Yung mga kapatid ko kasi ay may kaniya-kaniya ng pamilya. Wala na rin akong mga magulang. Sumali ako dahil gusto kong magtanggal ng stress sa trabaho. Thank you." muli siyang naupo. "Great! Ngayong magkakakilala na ang lahat. Hayaan niyong sabihin ko naman ang mechanics, meron tayong five stages of temptations na kailangan niyong malagpasan. Sabay-sabay kayong papasok sa V Room na ipapakita ko sa inyo mamaya. May tutunog na alarm hudyat na may isa nang bumigay sa inyo. Ang sino mang matatalo ay malilipat sa Non-virgin wing at ang mga matitira ay mananatili sa Virgin wing ng Mansion. Malaki itong mansion at maraming kwarto. Dito kayo mananatili ng limang araw. Isang araw, isang challenge. Kaya ngayon pa lang ay magpaalam na muna kayo sa mga pamilya ninyo. Hindi niyo na kailangang umuwi pa dahil maraming gamit dito, mamimili na lang kayo." Limang maids na may hilang mga maleta ang lumapit sa kanila at ibinigay ang mga ito sa kanila.  "May tanong pa ba kayo?" Nagtaas ng kamay si Jasmin. "Pwede bang pauwiin mo na lang sila?" "At bakit naman?" "Sigurado naman na ako ang mananalo. Itong si Leslie, isang loner na writer, malawak ang imahinasyon nyang kaya bibigay 'yan, itong si Bianca, brokenhearted kaya madaling mabobola, si Charlyn, kating-kati na 'yang madiligan, si Vian naman ay base sa kilos niya ay madali siyang bolahin, pakialamera nga iyan eh. Kaya please lang, 'wag na tayong mag-aksaya ng effort." Awang ang mga bibig na nakatingin lang sa kaniya ang apat, hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. "We'll see about that, Dear. Sa ngayon ay ako lang ang may karapatang mag-desisyon. Now, I think it's time you meet the guys." Pumalakpak siya ng malakas at muling bumukas ang malaking pintuan. "Virgins, meet the devirginizers." Pumasok ang limang nagkikisigan at nag-g'gwapuhang lalaki. Lahat sila ay naka-topless kaya naman naka-display ang mga abs. Iba't-ibang reaksyon ang nakuha nila mula sa limang babae. Si Jasmin ay nainis nang muling makita ang aroganteng lalaki, si Leslie ay biglang nakaisip ng plot para sa story, si Bianca ay napakagat labi habang tinitignan ang lima. Si Vian ay palihim nang hinuhusgahan ang mga ito at si Charlyn naman ay agad na napatakip sa mga mata pero may awang sa pagitan ng mga daliri niya. "Meet Leslie, Charlyn, Bianca, Jasmin and Vian, devirginizers. Meet Jackson, Harry, Benjie, Yugi and Piolo, Virgins." Si Benjie ay nakangiti at mukhang laging masayahin, maputi ito at siya ring pinakamaliit sa lahat pero hindi rin masasabing punggok. Si Harry ay ang pangalawa sa matangkad, siya ang definition ng tall, dark and handsome. Si Yugi naman ay halata mong may lahing hapon, mahaba ang buhok nitong nakatali ng pa-bun at may mumunting balbas pero nakadagdag naman ito sa appeal niya. Si Piolo ay mukhang ang bait-bait, maamo ang mukha nito at ito ang may pinakamagandang katawan at ang nakabungguan ni Jasmin na si Jackson ang may pinakamalaking katawan sa lahat at ito rin ang pinakamatangkad. May pagka-dominante ang hitsura nito at may blankong ekspresyon sa mukha. Masama ang tinginan ni Jackson at Jasmin sa isa't-isa. Hinding-hindi mo ako mapapasuko. sabi ni Jasmin sa isip. Susuko ka rin. sabi naman ni Jackson sa isip. "Ang role nila ay kuhanin ang virtue niyo, may kaniya-kaniya silang paraan kung paano kayo mapapasuko kaya be careful, ladies." "Now, let's pick who will be your partner. I will be the one to choose." Gusto sanang tumutol ng mga babae pero hindi nila magawa dahil ito lang ang may karapatang mag-desisyon. "Ang unang pares, si Leslie at… si Piolo. Piolo please stand behind Leslie." ginawa naman ito ni Piolo at nang makalapit ay nagkamay ang dalawa. "Ikalawang pares, si Bianca at si… Harry. Harry please do the same." nagkamayan rin ang dalawa nang magkalapit. "Ikatlo, si Benjie at si… Charlyn." sinenyasan niya si Benjie at tumalima naman ang huli. Nahihiyang tinanggap ni Charlyn ang kamay ni Benjie at mabilis na napasadahan ng tingin ang abs nito. "Pang-apat na pares, Yugi please stand behind… Vian." Nang makalapit si Yugi kay Vian ay naakit siya sa ganda ng dalaga pero masungit ito at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Last but not the least, Jasmin and Jackson. Please stay together." Nang magkalapit ay lalong naningkit ang tingin nila sa isa't-isa. Pinigilan ni Jasmin ang sariling ma-intimidate sa higanteng kaharap. "Ngayong may ka-partner na kayo, let's start the game. Ladies, please get your luggage, ipapakita ko sa inyo ang mga kwarto ninyo sa Virgin Wing. Boys, stay here. Babalikan namin kayo mamaya." Sabay-sabay na tumayo ang mga babae at hila-hila ang mga maleta ay sinundan nila si Madam V. Umakyat ito ng mahabang hagdan at tumigil sa isang pasilyo na may limang kwarto. "May pangalan na kayo sa bawat pinto. Maaari niyong silipin ang kwarto habang nilalagay niyo ang mga gamit ninyo. Feel free to contact your loved ones. Babalik ako after thirty minutes." tumango ito sa kanila sabay talikod. Nagkaniya-kaniya namang hanap ng kwarto sila Leslie, nang makita ang mga ito ay nagsipasok sila sa loob at ginawa ang mga kailangang gawin. May nagpaalam sa pamilya, mayroong pumasok sa banyo, merong nag-retouch at meron namang nahiga lang habang nag-iisip. Sigurado na ba sila sa desisyon nilang ito? Malaking pagsubok ito at malaki rin ang mawawala sa kanila. Pero iniisip pa lang nila ang maaari nilang gawin sa isang milyon ay nawawala na ang pag-aalinlangan nila. Ang kailangan lang nilang gawin ay manatiling birhen sa huli. Kailangan lang nilang magtiwala sa mga sarili nilang katawan. Matapos ang kalahating oras ay pinababa sila ng isang maid at dinala sa isang waiting area kung saan naghihintay na si Madam V. "Wala pa ring nagbabago ang isip? Good. Ngayon ay narito tayo sa labas ng VKBT kung saan iche-check ang virtue niyo kung talaga bang intact pa ito." "Ano ho 'yung VKBT?" "Virgin ka ba talaga. Sino ang gustong mauna?" Confident na nagtaas ng kamay si Jasmin at pumasok na sa loob. Limang minuto lang ay lumabas na siya at sumunod na ang iba. Nang matapos silang lahat ay bumulong ang Doctor kay Madam V at bumalik na ito sa loob. "Everyone is clear. Now, ipapakita ko naman sa inyo ang mga kwarto kung saan magaganap ang challenges; ang V Room." Sumunod silang lahat kay Madam V, sumakay sila ng isang elevator at nang huminto ito ay bumungad sa kanila ang isang mahabang pasilyo na may lima ring pinto. Bawat isang pinto ay may pulang alarm sa taas ito na siguro ang sinasabing tutunog kapag may natalo. "Sa ngayon ay hindi niyo pa masisilip ang loob dahil nakahanda na ito para sa First challenge. Now, virgins, pwede na kayong magpahinga, you have a long day tomorrow dahil bukas rin ay mag-uumpisa na ang first challenge."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD