Chapter 4

1371 Words
                                                                                Chapter Four Day 1 "For your first challenge, Virgins and devirginizers. Kikilalanin ninyo ang isa't-isa. Likes and dislikes, in short, talambuhay ng bawat isa. Ikukulong kayo sa loob ng V Room sa loob ng limang oras. Virgins, magpigil. Devirginizers, 'wag magpigil. Good luck!" Pumasok sa V1 si Leslie at Piolo. Sa V2 ay sila Yugi at Vian, sa V3 naman ay sina Jasmin at Jackson. Sa V4 sila Charlyn at Benjie sa V5 ay sila Bianca at Harry. Sabay-sabay silang pumasok at sabay-sabay ring sumarado ang pinto pagpasok nila. Narinig nilang lahat ang tunog ng lock at ang pag-uumpisa ng timer tanda na mag-uumpisa na ang first challenge. Sa V1 ay makakarinig ka ng tunog ng kuliglig at tunog ng uwak na dumaan sa pagitan nila Leslie at Piolo. Hindi ganoon kalaki ang kwarto pero hindi rin ganoon kaliit, may mesa sa gilid at dalawang upuan, may maliit na bar sa harap, may sofang mahaba sa gilid. Ang dingding ay nababalutan ng pulang wallpaper. Magkahiwalay ang upo nila sa mahabang couch at naghihintay ng unang magsasalita. "So… ilang taon ka na?" panimula ni Piolo ng hindi na siya nakatiis sa katahimikan. "Twenty six." tipid na sagot ni Leslie na bahagya lang sinulyapan si Piolo at muling ibinalik ang atensyon sa mga kamay. "Magkaedad pala tayo. Taga-saan ka? Ako sa Novaliches." "Sa Sampaloc pa ako." "Ano'ng trabaho mo? Ako isang waiter sa fast food." "Ahm, writer." "Oh, wow. Cool. Ano naman ang isinusulat mo?" "Romance, goth, thriller o kaya Mystery." unti-unti nang nagkasigla sa pagsagot si Leslie. "Eh… e*****a?" Pinamulahan bigla ng pisngi si Leslie at napatawa naman ng mahina si Piolo. Hindi na kailangang sumagot ng dalaga dahil ang pamumula pa lang niya ay tanda na guilty siya. "Don't be shy. Nakakahanga nga kayong mga nagsusulat ng Erotic pero virgin pa rin. Biruin niyo alam niyo 'yung pleasure, parang nararamdaman niyo na ito sa pamamagitan ng pagsusulat pero nagawa niyong magpigil. But you know what? Feeling it is even more better." panunukso ni Piolo sa namumulang si Leslie. "Hindi mo ako mapapasuko kaagad." Piolo chuckled but scooted a little closer to Leslie. "Bakit hindi mo i-kwento kung paano ka naging isang writer? Ano ang nagtulak sa'yo para maging ganiyan? Ano ang inspirasyon mo?" Nagliwanag ang mukha ni Leslie at bahagyang umisog at bumaling kay Piolo. "High school pa lang ako ay pangarap ko na maging isang manunulat. Gusto ko kasi 'yung feeling na naibabahagi mo sa ibang tao 'yung storya mo, napapatawa mo sila at napapaiyak. Masarap sa feeling alam mo 'yun?" nakangiti niyang kwento kay Piolo at ngumiti rin ang huli at tumango. "Ang pinaka-inspirasyon ko ay si Bob Ong. Sobrang idol ko siya at gusto ko lahat ng gawa niya. Para sa akin ay siya ang nag-iisang magaling na manunulat ng Pilipinas." "Ano naman ang hindi mo makakalimutang experience bilang isang writer?" itinukod ni Piolo ang isang braso sa sofa habang nakaharap kay Leslie. Kumurap-kurap si Leslie habang nag-iisip at maya-maya pa ay nagningning ang mga mata niya. "Nangyari ito no'ng college ako, kasi may crush akong officer sa ROTC, no'ng una ang sungit niya, lagi niya akong pinag-t-tripan, pinahirapan niya ako noon sa pagkuha ng pirma niya. Hanggang sa nasundan nang nasundan, minsan papahirapan sa pagpasok sa quarters, napansin ko nga noon na ako lang ang ginaganun niya. Hanggang sa isang araw, nagparusa siya at kasama ako doon, tapos pinaalis niya kaming maliliit para tawagin ang iba kaya sumundo kami. Pagbalik namin nagulat ako kasi inumpisahan na niya ang parusa ng wala kami. Nasundan pa 'yon ng malilit na gestures niya, bibigyan niya ako ng kubyertos, aalukin ng tinapay, hindi pinaglinis ng birthday ko. Kinilig ako noon ng bongga." ngumiti siya kay Piolo bago biglang napalitan ng lungkot ang ekspresyon niya. "Hanggang sa isang araw, nagkaroon kami ng pasyente sa clinic at doon ko nalaman na girlfriend niya ito. Parang tanga ako nun na bigla na lang umiyak. Nakita niya 'yun at sinabi ko na lang na masakit ang ulo ko." Hindi nag-atubiling lumapit si Piolo sa kaniya at niyakap siya. Pinatahan niya si Leslie sa pamamagitan ng paghagod sa likod nito. "Sige lang ilabas mo lang, alam kong ito ang unang beses na nailabas mo itong lahat." Dahil sa sinabi ni Piolo ay lalong naiyak si Leslie dahil tama ito. Mula noon hanggang ngayon ay dinibdib niya ang lahat at ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong mailabas ito. Sa katabing kwarto naman ay tahimik rin ang magkaparehang sina Vian at Yugi. Si Vian ay nakaupo sa sofa habang si Yugi naman ay nakatayo pa rin sa may pinto. "Tingin mo ba ay may bibigay kaagad ngayong first day?" Nagkibit-balikay si Vian at niyakap ang isang unan. "Hindi siguro. Pwedeng magtanong?" "Sure." "Ano naman ang dahilan mo kung bakit ka pumayag maging diverginizer? Kasi masarap makuha ang first time ng isang babae o dahil dagdag pogi points?" "Actually, hindi kami allowed sagutin ang anumang tanong tungkol sa amin bilang isang diverginizer pero dahil nasaktan ang ego ko, sasagutin kita." umalis siya mula sa pagkakatayo at kinuha ang isang silya. Itinigil niya ito sa tapat ni Vian at naupo ng paharap. "Technically, hindi ako sumali dito. I was chosen and I'm not gonna tell you why. Pumayag ako kasi… naghahanap ako ng mapaglilibangan." tapat na sabi ni Yugi. Tango lang ang naisagot ni Vian, ang inaasahan niya ay magsisinungaling ito at gagamit ng mga matatamis na salita para mabola siya. "Ikaw? Bakit ka napapayag na sumali dito?" balik na tanong ni Yugi. "Pamilya." tipid na sagot ni Vian. "Pera." dagdag niya. "Family." Yugi said na para bang hindi niya alam ang salita. "Must be nice." mapait niyang dagdag. "Bakit? Wala ka bang pamilya?" takang tanong ni Vian sa lalaking kaharap. Ipinatong ni Yugi ang baba sa sandalan ng upuan bago sumagot. "Ayaw sa akin ng tatay kong hapon at ang Nanay ko ay pinamigay na lang akong parang pusa." Bahagya namang nakaramdam ng guilt si Vian dahil mabigat pala ang dalahin ng lalaki at hinusgahan niya ito kaagad. May problema man sila sa pera ay kumpleto naman sila ng pamilya niya. "Ilang taon ka na?" "Twenty seven." sagot ni Vian. "Twenty five pa lang ako. Ate na pala kita." biro ni Yugi at tumawa. Napairap lang si Vian sa lalaki. "I'm a painter. Ikaw?" "Bartender pero natanggal na ako." "Bakit?" "Kasi nanapak ako ng customer na nambastos ng babae." Yugi threw his head back at tumawa ng malakas. "May nakakatawa ba?" offended na tanong ni Vian. "Wala. Wala. Sana binugbog mo ng todo, tsk. Astig mo pala, just like my type." binigyan lang siya ng blangkong mukha ni Vian. "Bakit parang galit na galit ka sa mga kabaro ko?" puno ng pagtatakang tanong ni Yugi. "Wala ka na ro'n." "Curious lang ako, come on you can tell me. Ang haba pa ng oras natin oh. Gusto mo bang mapanis ang laway mo?" hindi sumagot si Vian kaya nagpatuloy si Yugi. "Sige, ako ang magsisimula. See this scar sa gilid ng leeg ko? Gawa 'to ng Nanay ko no'ng bata pa ako, nung panahong sumuko na siya at pinagtangkaan niya akong patayin pero nakawala ako kaya hindi natuloy pero sa tuwing titignan ko ang sugat na ito ay hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Naging pulubi ako sa edad na lima, nagpalaboy-laboy hanggang sa nakuha ng isang sindikato. Ginawa akong tagatinda at tagalimos. Akala ko doon na natatapos ang kalbaryo ko." Tumayo si Yugi at itinaas ang damit. Itinuro niya ang isang peklat sa kanang baywang. "Biktima ako ng mga masasamang loob na nangunguha ng lamang-loob ng bata. Pero maswerte pa rin talaga ako kasi nong kukuhanin na nila ang kidney ko ay dumating ang mga pulis." Hindi makapagsalita si Vian at nakanganga lang at nanlalaki ang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Akala niya ay nakakatakot na ang karanasan niya pero walang-wala ito sa naranasan ni Yugi noong bata pa siya. Gusto niyang umiyak at yakapin ang lalaki. "P-paano mo nalagpasan lahat ng 'yun?" garalgal ang boses niyang tanong. "Nagtiwala ako sa panginoon na hindi niya ako pababayaan. Gano'n naman talaga ang buhay 'di ba? Either mabubuhay ka pa o mamamatay ka na." ngumiti si Yugi bago muling naupo. "Hindi kita pipiliting sabihin ang storya mo. Mahaba pa naman ang oras. Take your time." Napapikit si Vian, mula noon ay wala na siyang pinagsabihan ng nangyari bukod sa pamilya niya dahil ayaw na niya iyong maalala. "Noong 18 years old ako ay muntik na akong ma-rape." pikit matang hayag ni Vian at tumitig sa mga mata ni Yugi. Wala siyang nakitang panghuhusga sa mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD