Chapter Five
Isang nagbabaga at nakakatakot na tensyon naman ang bumabalot sa V3 kung saan magkasama sina Jackson at Jasmin.
Si Jasmin ay tinitignan isa-isa ang mga kagamitan sa loob ng kwarto. Kumuha rin siya ng apple mula sa ref at sinimulan itong kainin pilit niyang iniignora ang presensya ni Jackson na siya namang ikinakainis ng huli.
Para siyang isang multo kung ituring ng tomboy na ito at naiinsulto siya. Gusto niya itong disiplinahin at paamuhin. Gusto niyang ipakita dito na siya ang boss sa kanilang dalawa.
"Parang tanga naman kasi itong Madam V na ito, nagbigay na nga ako ng advice hindi pa sinunod. Nagsasayang lang tuloy ng oras. Hula ko, lahat sila ay bibigay na agad ngayon." nakangising sabi ni Jasmin habang kumakain. Naupo siya sa upuan at itinaas ang paa sa mesa.
Napailing na lang si Jackson. "Bakit ba sa isang babaeng walang manners pa ako ipinareha." pagpaparinig niya.
Narinig siya ni Jasmin at sinamaan siya ng tingin. "Hoy higante, maupo ka lang diyan at maghintay. Huwag mo akong kakausapin at lalapitan kung hindi sasamain ka sw akin." pagbabanta niya.
"As if namang gusto kitang lapitan." nanunuyang sabi ni Jackson.
"Sus, if I know sa kabila ng malaki mong katawan ay nasa kadulu-duluhan ka pa ng Narnia."
"Ano'ng Narnia?" takang tanong ni Jackson.
"Narnia! 'Yung taguan ng mga takot mag-out!" tumawa ng malakas si Jasmin at iyon na ang naging mitsa para maubos ang pasensya ni Jackson.
"That's it!" tumayo siya sa inuupuan at nilapitan si Jasmin.
"Hoy! Hoy! Ano'ng gagawin mo--"
Hinawakan niya sa ulo si Jasmin at ibiniling sa kaniya. Walang pagda-dalawang isip niyang sinibasib ng halik ang labi nito. Halos higupin na niya ang kaluluwa ni Jasmin sa diin ng ginawa niyang paghalik.
At nang naghiwalay sila ay napangisi siya habang nakatingin sa namumula at namamagang labi nito. "Sinong bakla ngayon?" taas kilay niyang tanong kay Jasmin bago bumalik sa pagkakaupo.
Tulala si Jasmin habang nakatingin sa kawalan. Hindi makapaniwala sa nangyari at nang magbalik ang malay niya ay napahawak siya bigla sa labi niya at biglang tumayo.
"Bastos kang higante ka!" duro niya kay Jackson bago pinunasan ang labi.
Amuse namang nakatingin lang si Jackson hanggang sa mahinuha niya ang nangyayari.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Ooh, don't tell me.. ako ang first kiss mo?" nanunukso niyang tanong at ng mamula ang mukha ni Jasmin ay napatawa siya ng malakas. "Tsk tsk. That's what you get. Sa susunod kasi, iisipin mo muna ang sasabihin mo bago ka magsalita. Hindi ako nagpipigil, nangangagat ako."
"Manyak!" gigil na sigaw ni Jasmin bago naupo ng patalikod kay Jackson.
Kabaligtaran ng tatlong naunang pareha ay agad na nakapagpalagayang loob sina Benjie at Charlyn. Maririnig ang tawanan sa loob ng kwarto nila.
"Tapos ano'ng nangyari?" interesadong tanong ni Charlyn.
"E'di, nadapa siya."
Tumawa ulit si Charlyn habang hinahampas pa sa braso si Benjie. "Grabe. Ang sarap mo palang kausap."
"Ikaw rin naman eh. Mabuti na lang at ikaw ang naging partner ko." masayang sabi ni Benjie.
"Para tayong mga baliw na tawanan nang tawanan. Nag-kwentuhan agad tayo ilang taon ka na ba?"
"Ako? Thirty. Ako ang pinakamatanda sa aming lima."
"Uy parehas tayo! Ako rin ang pinakamatanda sa linya namin."
"Nice. Eh ano palang pinagkakaabalahan mo?"
"Ayun, isang loyal na clerk sa isang University. Ikaw? Hindi na nga tumaas-taas ang posisyon ko, eh."
"Manager sa isang fast food. Ako naman, pagkatapos ng isang taon ng sipag ay naging manager ako from assistant manager."
"Wow ang taray mo ha! Buti ka pa, ako kaya? Kailan makikita ng university ang sipag ko at tiyaga?"
"Darating din 'yan. Darating 'yan sa panahon na hindi mo inaasahan... parang tayo."
Ilang sandali silang nagtitigan bago nagtawanan.
"If you don't mind me asking, bakit sa edad mong iyan ay birhen ka pa? Hindi sa hinuhusgahan kita, ha? Gusto ko lang malaman."
"Ayos lang. Kasi ano, makaluma man pero gusto kong isave ang sarili ko para sa mapapangasawa ko."
"Bakit ka pumayag sa ganitong set up?" takang tanong ni Benjie.
Nagkibit ng balikat si Charlyn at nag-inat ng mga braso paharap. "Wala lang. Parang nadala ako, alam mo 'yun? Tiyaka 'yung kaibigan ko kasing bakla pinipilit ako. At saka hello? Isang milyon din 'yan 'no?"
"Alam mo kasi sa panahon din natin ngayon nagiging norm na lang ang s*x. Para bang nagiging requirement ng ilang couple. Parang ang dali na lang makipag-s*x kahit hindi sa kilala." litanya ni Benjie bago hinawakan sa kamay si Charlyn. "Kaya hanga ako sa mga kagaya mo."
Unti-unting naglapit ang mga mukha nila nang hindi inaalis ang tingin sa isa't-isa. Hanggang sa.… tumunog ang tiyan ni Charlyn at nahihiya siyang napahawak sa tiyan.
"Sorry. Kj 'yung tiyan ko." natatawang hinging paumanhin ni Charlyn.
"Okay lang. Nadala rin ako, may pagkain yata sa ref. Kain tayo tayo tapos tuloy natin ang kwentuhan natin, okay ba sa'yo?"
"Oo naman. I like that."
Sa panghuling kwarto ay agad namang binasag ni Harry ang katahimikan sa pagitan nila ni Bianca.
"Bakit hindi natin simulan ito by shaking our hands?" alok niya sa nahihiyang si Bianca na nakaupo sa gitna ng sofa.
Nahihiya man ay tinanggap ni Bianca ang kamay ni Harry at hindi niya naiwasang mapansin ang laki ng kamay nito kumpara sa kamay niya.
"Again, ako si Harry. I'm twenty five. Ikaw?" nakangiting tanong ni Harry kay Bianca.
"Bianca at Twenty four na ako." sagot ni Bianca kasabay ng isang tipid na ngiti. "Taga-saan ka?"
"Taguig lang. Ikaw?"
"Pampanga pero sa Manila ako nagwo-work."
"Hm, a kapangpangan. Masarap ka sigurong magluto."
"Hindi naman. Sakto lang." napayuko si Bianca dahil sa hiya.
Natawa naman ng mahina si Harry at iniangat ang mukha ni Bianca sa pamamagitan ng paghawak sa baba nito.
"Huwag kang yuyuko. You're pretty so no need to be shy."
Lalong pinamulahan ng pisngi si Bianca. "Nag-uumpisa ka ng mambola." turan niya.
"Mambola? Ano 'yun? Sorry pero wala sa bokabularyo ko iyan. I'm only stating a fact." pinagmasdan ni Harry si Bianca bago itinagilid ang mukha. "Don't tell me wala pang nagsasabi sa'yo niyan?"
"Meron." mapait na sabi ni Bianca. "Pero hindi ako sigurado kung talaga bang naging honest sila."
Naupo si Harry sa dulo ng sofa dahil ayaw niyang maging uncomfortable ang dalaga. "I'm all ears." sabi niya.
Tinignan siya ni Bianca bago nag-iwas ng tingin. "Bakit? Stranger ka. Hindi pa nga natin ganoon kakilala ang isa't-isa."
"You know, sometimes it's better to tell a stranger your story because they will not judge you." sumandal si Harry bago tumingin sa kisame. "Minsan nga mas komportable pang mag-open up sa stranger."
Natigilan naman si Bianca at marahang napatango. Tama naman ito.
"Come on, magiging panyo mo ang balikat ko kung iiyak ka."
Napakagat labi si Bianca bago pinaglaruan ang daliri. Bumuntong-hininga siya bago nagsalaysay. "'Yung ex ko kasi niloko ako. Nahuli ko siyang may ibang ka-sex." tumingin siya kay Harry bago tumawa ng pagak. "Alam mo ang mas masakit? Sa isang transgender niya ako pinagpalit." tumulo na naman ang mga luhang akala niya ay natuyo na.
"Ano ba 'to? Sabi ko hindi na ako iiyak." natatawang sabi ni Bianca habang pinupunasan ang luha. Natigilan siya ng may mga kamay na pumalit sa kamay niya at pinunasan ang mga luha niya.
"Sabi ko nga, handa akong maging human panyo mo." tinapik ni Harry ang balikat niya. "Here. Lean on me and cry a river."
Bahagyang napangiti si Bianca bago humilig sa balikat ni Harry.
"Hindi mo dapat iniiyakan ang mga ganoong lalaki. Kung may Hospital lang ang mga tanga doon siya nararapat. Because if it's me, I will not do the same." sabi ni Harry na nakapagpatigil kay Bianca pero isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
"Ganiyan ka ba talaga? Romantiko masiyado?"
Naramdaman niya ang pagtawa nito. "Oo. Sabi nila hopeless romantic daw ako eh. Gaano na kayo katagal if you don't mind."
"Two years."
"Sa loob ng two years na iyon ay wala kang naamoy na kakaiba?"
"Paanong kakaiba?"
"Na espada rin pala ang hanap ni ex." biro nito na ikinatawa ni Bianca.
"Wala, eh. Sobrang nabulagan nga siguro ako sa pagmamahal ko sa kaniya."
Dahan-dahang umayos ng upo si Harry na ginawa rin ni Bianca. Tinitigan siya ni Harry ng may ngiti sa labi.
"You can be the woman who can't be moved at ako naman ang lalaking magpapagalaw sa'yo."
Ilang sandaling tinitigan ni Bianca si Harry at tinitignan kung pawang kasinungalingan lang ba ang sinabi nito. Posibleng natural lang na matamis ang dila nito.
Pero para sa mga kagaya niyang brokenhearted, napakadali para sa kaniyang pusong umasa at maniwala sa anumang salita ng sinumang maaaring makatulong sa kaniya sa paglimot.