Baka bumalik na ng office n’ya, sabi ko na lang sa isip ko. Inayos ko naman na ang sarili at mga gamit ko dahil maya-maya lang ay lunch na at kakain kami ni Frolic nang magkasabay. "Okay, Ada, you need to prepare," sambit kong wika sa sarili ko. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa mesa ko ay naupo naman muna ako sa couch habang naghihintay sa sundo ko. "Knock, knock!" katok ng nasa labas. Napatingin tuloy ako sa may pinto ng opisina ko at napangiti. Kilala ko na kasi kung sino ang kumakatok. "Come in," I said. Bumukas ang pinto at... "Hi,” bati nito sa akin. “You are here already," he said. Of course it's him. Lumapit siya sa akin. “Um, actually medyo kanina pa,” tugon ko rito. “Nagulat nga ako kasi wala ka pagbalik ko ng office,” I said. “Um

