"Ang sarap nang luto mo ah? In fairness kabog," sabi ni Ada habang nasa sasakyan na kami. Papasok na kasi siya sa hotel at thankful dahil papasok na siya ngayong araw. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Buti nasarapan ka," I said. "Oo naman. Ni-makeover mo ba naman ang mga leftovers namin eh," she said. "Kasi sayang naman ‘yung mga leftovers ninyo kung itatapon na lang,” saad ko. “You should makeover those leftovers especially kapag kagabi or kanina lang natira kasi sayang talaga," I said. "Opo. Pero ayaw kasi ni Daddy ng ganon,” she said. “Pero in fairness talaga sa iyo ah? Nagpapapogi points ka ba? Kasi worth it eh," tawa niyang sambit sa akin. Napatawa naman din niya ako. "Hindi naman. Naisip ko lang ‘yon. Pero sabi nga rin ni Yaya kanina na tinatapon

