Chapter 18 "Gusto ko ng umuwi," malamig na sabi ko saka humalukipkip. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng meryenda sa bandang terrace. Tiningnan niya lang ako gamit ang blanko niyang reaksiyon. "'Yong totoo, Noven Angelo Corpuz, sino ka ba?" mataman kong tanong saka diretsong tumitig sa kanyang mga mata. "Why?" Pinanood ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple nang magsalin ito ng Margarita at dire-diretsong tumungga. Kakaiba rin ang kanyang meryenda. Wine ang sa kanya at ang sa akin naman ay chocolate cake at strawberries. "Gusto kong malaman kung sino ka. Isa kang empleyado katulad ko pero nakapagtataka lang dahil tila may special treatment ka sa lahat ng nakapalibot sa atin at isa pa ito," tukoy ko sa Villa, "Paanong ang isang ordinaryong emplyedo ay bigla bigla na lang papasok

