Chapter 19 Tahimik ako habang pinapakiramdaman si Noven. Ang kaninang malambing na personalidad niya ay biglang napalitan ng madilim na awra. Pinatay ko ang telebisyon dahil baka kung ano pa ang marinig namin na ikasisira ng araw niya. Nilabas niya ang kanyang cellphone at may kinausap. Base sa pag-igting ng kanyang panga at pagkunot ng kanyang noo, alam kong may hindi na naman ito nagustuhan. "I don't want it. Just let her inherit all your wealth or donate your property to charities. Don't meddle with my life and decisions," malamig na saad niya sa kausap mula sa kabilang linya. Bigla niya akong nilingon gamit ang seryoso niyang mga mata bago sumagot sa kausap. "I won't let you," dagdag niya bago binaba ang tawag. Hinilamos niya ang kamay sa kanyang mukha at tila frustrated ito ngayo

