Chapter 20 Alas otso na ng umaga nang bumiyahe kami paalis sa kanilang villa. Habang namamaneho siya ay malambing niyang hinahagod ang kaliwang hita ko saka paminsan minsan ay hinahalikan ang kamay ko. "Come closer." Umusog naman ako palapit sa kanya at ang gusto niya pa ay isandal ko ang ulo sa kanyang balikat. Ginawa ko naman at napakasarap nga pala talagang sumandal sa balikat ng tao kung saan ka sumugal. Mula sa salamin ay napansin ko ang pagseryoso ng kanyang mukha. "Baby... fasten your seatbelt," biglang saad nito habang panay ang tingin sa side mirror ng sasakyan. Kinabahan ako. "B-bakit?" "I have a bad feeling about the car following us behind." Mabilis ko namang sinuot ang seatbelt at tahip tahip ang dibdib ko nang binilisan nito ang pagmamaneho. Ilang sandali pa ay naka

