Chapter 38 Nagising ako at puting kisame ang sumalubong sa mga mata ko. Inilibot ko ang paningin habang nakahiga pa rin at natanaw ko mula sa bukas na bintana ang naggagandahang mga ilaw na patay sindi habang nakahulma ang rosas dito. 'Nasa langit na kaya ako?' Kinapa ko ang sarili at bahagyang kinurot ang pisngi at nasaktan naman ako nang kaunti kaya buhay pa ako. Malinaw pa sa isipan ko ang sagupaang nangyari kanina. Hindi ko alam kung paano naudlot sa ganito ang sitwasyon. Naalala ko pa ang pagdukot sa akin nina Steve, Walter, at mga body guards at nahanap na lamang namin ang mga sariling nakatali dahil dinukot din kami ng ibang grupo. Nagulat pa ako nang makita si mama sa paanan ng aking paa at tila nakatulog habang hinihintay akong magising. "Mama," ani ko at bahagyang niyugyog

