Chapter 7
"Wh-what are you doing?"
Tila nawala ang impluwensiya ng alak sa katawan ko dahil sa biglaan niyang pagtanggal ng t-shirt sa aking harap.
"I will punish you," aniya at nagulat ako nang bigla siyang sumampa sa aking ibabaw at hinawakan ang dalawa kong kamay kaya hindi ako makapiglas.
Marahas niya akong hinalikan at biglang tumigil saka bumulong.
"Dàmn, your drunk." Tinitigan niya ako nang malalim at ngayon ay tila nasasabik akong muling dumampi sa labi ko ang kanyang labi dahil na rin siguro sa impluwensiya ng alak.
Hindi na ako pumiglas pa nang halikan niya akong muli. Bumaba iyon sa aking leeg at napapikit ako sa sensasyong dulot nito sa aking katawan.
Napadaing ako nang bigla niya akong hinila at paupong isinandal sa malamig pader. Ang isang kamay niya ay naglakbay sa aking hita kaya pakiramdam ko ay lalong uminit ang aking katawan.
Pinulupot ko ang mga braso sa kanyang batok at tumugon sa kanyang halik.
Sa kalagitnaan ng pagtugon ko sa mainit niyang halik ay bigla siyang tumigil at humiwalay sa akin.
"Wh-why?"
Madilim niya akong tinitigan at nagsalita, "That's the punishment you deserve."
Bigla akong nahiya sa sarili. Nakabuka ang aking hita at ang ilang hibla ng buhok ko ay nasa aking mukha.
"Sa susunod na gumawa ka ng ikagagalit ko, hindi na ako magpipigil."
"Bakit ka magpipigil kung marami namang iba diyan, 'di ba?" mataman kong sabi.
"Don't talk nonsense. You are the one who fúcking danced with other man knowing that I am watching you sway your body and give him your name."
"Why do you care? Pinakialaman ba kita noong dumikit dikit sa'yo yong babae mo? Hindi naman 'di ba?"
"Dàmn! She's not my—"
"I don't care who she is. Hindi ako interesadong marinig kung sino man siya. Anyway, sa susunod ay huwag kang susulpot na lang basta basta lalo na kung may iba akong kausap."
"How could I not? He might have taken advantage of you, Lanielle! You're drunk and who knows?" galit na sabi niya.
Mariin ko siyang tinitigan. "Bakit? Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa akin sa banyo kanina at dito sa kwarto mo? Hindi ba't ikaw naman ang nagtake advantage sa akin?"
Sumeryoso ang kanyang mukha. Lumayo siya sa akin saka pumunta sa terrace. Nasa tapat lang iyon ng kanyang kwarto kaya kahit na madilim ay nakikita ko pa rin ang kanyang hubad na katawan sa itaas.
Pinilit ko namang tumayo kahit na may epekto pa ang alak sa katawan. Akmang aalis na ako nang marinig ko siyang magsalita.
"Akala ko gusto mo..." mababaang saad niya habang nakatalikod pa rin sa akin.
"Tila nagsusumamo ang mga mata mo kanina at tumugon ka pa sa mga halik ko. Bakit ka tumugon kung ayaw mo?" tila mapait na saad nito.
Hindi ako nakapagsalita sa narinig.
Lumapit siya sa akin. "Ihahatid na kita." Malamig na sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinapit ako sa baywang nang hindi ako matumba sa paglalakad.
Tahimik niya akong hinatid sa kwartong tapat ng kanyang room.
Napaka-awkward ng sitwasyon sapagkat kahit tila galit siya, hinatid pa rin ako nito.
"What's your passcode?"
Sandali akong napaisip dahil hindi ko maalala kung ano ang passcode. "I think it's 123456."
Pinindot niya ito ngunit tumunog hudyat na mali ang input.
"Hindi ko na maalala," inaantok na sabi ko.
"Where's your key?" tanong pa niya kaya binuksan ko ang bag saka hinanap ang susi ngunit hindi ko na naman iyon mahanap.
"Wala rin," kinakabahang saad ko saka kinalkal muli ang laman ng aking bag. Ibig sabihin ay hindi ako makakapasok sa aking room.
"Just sleep in my room," ma-otoridad na sabi niya saka muli akong inakay pabalik.
Sasabihin ko sanang makikitulog na lang ako sa room nina Danica at Roy ngunit huli na dahil nasa loob na kami at nilock na rin niya ang pinto.
"I'll sleep here," tukoy niya sà couch, "and you may sleep in my bedroom."
Hindi na ako nagprotesta dahil wala na rin akong ibang pagpipilian.
Dumiretso ako sa kanyang kwarto at umupo. Napakalamig ng kwarto niya. Siguro ay nakasagad pababa ang temperatura. Ngunit kahit na malamig ay hindi pa rin ako komportable dahil hindi ako sanay na walang ligo bago matulog.
Napansin yata mi Noven ang pagkairita ko sa suot kong dress kaya napatanong ito. "May problema ba?"
"Mainit tong suot ko. Kailangan kong maligo."
"Just go. May damit ako diyan. Pumili ka na lang sa damitan ko."
"Pero ano kasi... Wala akong...wala akong undergarment na susuotin," nahihiyang sabi ko saka yumuko.
"Then, don't wear one," saad niya gamit ang baritong boses. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil sa narinig.
"Don't worry, hindi ako gumagapang kapag ayaw sa akin ng tao," malaming na sabi niya saka kinuha ang isang unan.
Gusto kong matawa sa ginamit niyang salita ngunit tila galit na dragon ang itsura niya ngayon kaya hindi na lamang ako nagsalita.
"Mauna ka ng maligo. Sunod na lang ako," dagdag niya saka nagtungo sa sala.
Alangan naman akong tumayo at lumapit sa kanyang kabinet. Napaisip ako dahil noong pumunta kami rito ay wala naman siyang dalang gamit ngunit ngayon ay tila may presidential suit pa siya at costumized rin ang disenyo nito.
Hindi ko alam ang pagkatao niya at ayaw ko ng alamin pa. Napakamisteryoso kasi nito.
Binuksan ko ang kabinet at sumalubong sa akin ang panlalaking pabango nga. Amoy pa lang, pang makisig na.
Pinikit ko ang mga mata ko saka dinama ang kanyang pabango.
"What are you doing?"
Nagulat ako nang marining ang boses ni Noven mula sa aking likod habang kunot-noong nakatingin sa akin.
"W-wala. Naghahanap lang ako ng pwedeng isuot," depensa ko saka hinila ang nakatuping puting t-shirt.
"Tsk."
"Magsho-shower na ako," saad ko saka mabilis na pumasok sa bathroom dala ang tshirt.
Mang maisara ko ang pinto ay saka ko naman tinampal ang sarili dahil muntik na akong mahuli. Baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya.
Naligo na rin ako ako at pagkatapos no'n ay iritable kong sinuot ang aking cycling shorts at nilabhan ang aking undergarment.
Hindi ko alam kung saan iyon isasampay dahil siguradong makikita iyon ni Noven kung sakaling maliligo siya.
"Bakit itong barbie pa ang sinuot mo Lanielle. Nakakahiya," bulong ko sa sarili dahil ngayon pa lang ay nahihiya na ako.
Barbie kasi ang disenyo nito at hindi ko naman lubos akalain na hindi ako matutulog sa kwarto ko. Kung alam ko lang ay sana iyong Victoria Secret na brand ang sinuot ko.
Naghanap ako ng hanger saka iyon sinabit sa gilid at tinakpan ng kurtina.
Siguro naman ay hindi naman iyon makikita ni Noven. Sana lang. Sana talaga.
Inabot ko ang tuwalya saka pinunasan ang pang itaas kong katawan ngunit sa kasamaang palad ay nahulog ang undergarment kong pang-itaas at bahagya itong nabasa.
Sinuot ko na lamang ang t-shirt niya at nagmukhang bestida iyon sa akin dahil sa laki at haba. Binalot ko ang aking basang buhok ng tuwalya saka lumabas.
Paglabas ko ay sakto namang pumasok siya sa kwarto. Nagsalubong ang aming paningin at mariin niyang tinitigan ang aking katawan. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple at nang bumalik ang paningin niya sa aking mga mata ay lumalagablab na ito ng pagnanasa.
Bumaba rin sa kanyang hubad na pang-itaas ang aking paningin at nakaramdam ng init.
Dahan-dahang nilapitan ang isa't isa at hindi ko na rin napigilan pa ang sarili. Ang mga mata'y nagsusumamo.
Hinalikan niya ako nang marahan at pinulupot ko naman ang mga kamay sa kanyang batok.
"I can't help it. I badly want you now," aniya gamit ang baritonong boses na dumagdag sa sensasyong nararamdaman.
"Ako rin..." sagot ko at hindi mawari kung saan iyon nanggaling.
Sandali siyang napatigil sa narinig.
"f**k!" aniya at biglang naging marahas ang kanyang labi.
Binuhat niya ako habang hinahalikan nang mapusok saka ako mabilis na nilapag sa kama nang hindi pinuputol ang halik.
Naglakbay ang kanyang kamay sa mga lugar kung saan wala pang ibang lalaking nakarating kaya sunod sunod ang aking daing.
"This will be rough," aniya saka hinubad nang tuluyan ang aking kasuotan maging ang kanyang pantalon.
End of chapter 7.