Chapter 6
"N-Noven?"
"Yes, it's me, babe..."
Napasinghap ako nang maramdaman ang mga bisig niyang pumulupot sa aking baywang.
"I miss you..." dagdag niya saka ako niyakap. Sa sandaling iyon ay nawala ang takot ko ngunit ang kapalit nito ay kaba dahil sa kanyang presensiya.
"A-anong I miss you ka diyan? For your information, hindi naman kita boyfriend ah!"
"Silly. You're now my sweet possession."
Naramdaman ko ang marahang paghalik niya sa aking batok kaya naman nagsitayuan ang balahibo ko.
"B-bakit mo pinatay ang ilaw? Baka isipin ng iba na may ginagawa tayo rito," saad ko habang pilit na kinakalas ang mga kamay niya sa baywang ko ngunit hindi talaga matanggal iyon.
"Ano ba ang ginagawa sa dilim," baritong saad niya at ngayon ay naramdaman ko ang unti-unting pagkabuhay ng isang bagay mula sa aking likuran kaya naman ay napalunok ako sa kaba.
Ang kanyang hininga ay tumatama na ngayon sa aking pisngi.
"You want me to kiss you..." Hindi iyon tanong. Pilit kong nilalabanan ang temptasyong ito ngunit traydor ang katawan ko. Hindi magawang pumiglas bagkus ay unti-unti ng nagpapaubaya.
Ilang sandali pa ay nahanap ko na lamang ang sariling tumutugon sa marahas niyang atake sa aking labi.
Madilim ang paligid kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Binuhat niya ako saka pinaupo sa sink kaya naman ay malaya ang bawat galaw ng kanyang labi.
Napadaing ako nang kagatin niya ang aking ibabang labi at napapikit muli sa sensasyong dumaloy sa katawan nang bumaba sa aking leeg ang kanyang bibig.
Naging malikot ang kamay niya sa aking katawan kaya naman ay buong lakas kong pinigilan iyon mula sa pagtahak ng lugar na hindi dapat suutin.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang magulong buhok ni Noven na nasa gitna ng aking hita.
"Sorry po, sir Noven. Maglilinis lang po sana ako pero may tao pala, sorry po, sorry po," nakayukong saad ng janitor.
Tila hindi apektado si Noven at hindi man lang binalingan ang janitor. Samantalang ako ay gugustuhin ko na lamang i-flash ang sarili ko sa sink at tuluyan ng maglaho dahil sa hiyang nadarama.
"I-isara ko na lang po ulit. Pasensiya na po," tila kinakabahang dagdag ng janitor bago lumabas at sinara ang pinto.
Nakalalasing na paningin ang binaling sa akin ni Noven at tila balak pa nitong ipagpatuloy ang ginawa namin kanina.
"You taste good," mahinang sabi niya habang nakatitig sa aking labi pababa sa aking leeg.
Namula ako sa kanyang sinabi at bahagyang nahiya sa sarili.
Nakarinig kami ng katok saka bumukas ang pinto. "Ma'am, sir, may mga paparating po dito sa cr."
Nakuha ko kaagad ang nais niyang sabihin kaya nakatakas ako mula sa mga mga kamay ni Noven.
Mabuti na lamang at nakabantay pala ang janitor sa labas at nagsilbing look- out. Kung hindi ay baka ma-caught-on-act na naman kami.
Mabilis kong binaba ang manggas ng aking dress at mabilis na lumabas. Hindi ko na nilingon si Noven at dumeretso na lamang ako pabalik sa couch kung nasaan sina Roy at Danica.
"Bakit pawis na pawis ka diyan, Lan? Saan ka ba galing?" usisa niya sa akin.
Pinunasan ko naman ang aking pawis gamit ang panyo ko.
"Mainit kasi talaga," sagot ko na lamang.
"Hala! Ano yan Lanielle?" ani Danica saka tinuro ang leeg ko. "'Yong totoo, saan ka galing?" curious na tanong niya saka pinanliitan ako ng mata.
"Hah?"
"'Yan oh!" Ngayon ay tinuro niya mismo kung saan banda sa leeg ko ang anumang nakita niya at nagulat din ako nang makita doon ang namuong dugo gamit ang salaming dala.
Mabilis kong tinakpan ang leeg gamit ang ilang hibla ng buhok ko at namula nang maalala ang nangyari kanina.
Hindi ako nagsalita at sa tingin ko ay mukhang alam na nila kung sino ang may gawa no'n.
Napalingon ako sa pwesto nila Noven at nakita kong may kanya-kanyang katabing babae ang dalawa niyang kaibigan.
Napansin ko ang babaeng nakita ko sa hotel room ni Noven. Napaiwas ako ng tingin nang makitang pinulupot nito ang kamay sa braso ni Noven saka inabutan ng wine.
Matapos ang ginawa niya sa akin kanina ay heto na naman siya, bumalik sa babae niya. Akala ko ay espesyal ako ngunit hindi pala.
Dahil sa naramdman ay mabilis kong tinunga ang alak na nasa baso at muling nagsalin hanggang sa hindi ko na mabilang kung nakailang tungga ako.
Medyo umiikot na ang paningin ko nang makabalik sina Roy at Danica sa couch.
"Lan, okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya at napatingin ito sa mga baso at alak na wala ng laman. "Inubos mo na, hala ka!" nag-aalalang saad niya saka ako hinawakan sa braso. "Lan, let's go na. Lagot ako kay tita nito," sabi niya pa ngunit pinigilan ko siya.
"Sayaw... muna ako hah? Don't worry, I am not drunk," saad ko saka kumawala.
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin mula sa likuran ngunit hindi ko na siya pinansin. Mainit ang pakiramdam ko dahil na rin siguro sa alak kaya oras na para umindayog.
Nagtungo ako sa gitna ng dance floor at hindi alintana ang mga tao sa paligid.
Nagpatay-sindi ang ilaw at pinikit ko ang mga mata habang sumasabay sa indayog ng kanta.
Sa paglipat ng ibang kanta sa isang love song ay siyang paglapit naman sa akin ng isang lalaking matangkad at mukhang mestiso.
"May I dance with you, milady?" nakangiting saad niya.
"Sure," saad ko at nginitian siya nang matamis. Tinanggap ko ang kanyang kamay at nagsimula ng sumayaw.
Nakapatong sa magkabilaan kong baywang ang kanyang mga kamay at ang mga kamay ko naman ay nakapatong sa kanyang balikat.
Dumako ang paningin ko sa paligid at kahit medyo umiikot na ang paningin ko ay nasilayan ko pa rin ang nanlilisik na mga mata ni Noven habang pinapanood kami.
Hindi ko siya pinansin. Kanina ay mukhang nawiwili siya sa babaeng kasama at ngayon ay pinapakita niyang nags-selos siya. Hindi ko maintindihan.
"Anong pangalan mo, magandang binibini?" napalingon ako sa kasayaw saka siya nginitian ng mas matamis.
Alam kong nakatingin si Noven ngayon kaya oras na para gantihan siya.
Pinag-isipan ko pa kung ibigay ko ang tunay na pangalan sa kanya.
"Faith. I'm Faith. And you are?"
"I'm Zack. It's good that I get to dance with you first before others could," aniya saka ako inikot.
"May lahi ka?"
"Yep. My dad is a British while yung mom ko ay Pinay."
"I see. You look good," sabi ko at namula ang kanyang tainga.
"Wait... you're blushing?" halakhak ko.
"Well, that happens when I'm being complimented by a lovely woman," banat niya pabalik.
"Anyway, what took you here? Wala kang kasama? You shouldn't be alone in places like this," dagdag niya kaya umiling ako.
"I'm with my friends kaya there's nothing to worry," saad ko.
Nang matapos ang kanta ay iginiya niya ako pabalik sa couch at nang makita ko ang waiter na may hawak ng alak ay kumuha ako ng dalawa.
"Drink?" saad ko saka inabot ang isang baso ng alak at kinuha naman niya ito.
"I should be the one offering a wine because I'm the guy here," natatawang sabi niya saka sumimsim sa baso ng alak.
Dire-diretso ko namang nilagok iyon at ang init nito ay napakasarap sa pakiramdam. Kaya naman ay muli kong inabot ang isang baso sa mesa at nilagok itong muli.
"Oh! Take it easy, Faith."
"I like the aftertaste of this wine. I'm kinda addicted to it," kako at ilang sandali pa ay sinapo ko ang aking ulo dahil sa biglang pagkahilo. Napakagaan ng pakiramdam ko at tila lumulutang ako sa ulap.
"Hey, are you okay? You're drunk. Where are your friends, anyway?" rinig kong sabi niya. Bahagya siyang tumayo at animo'y hinanap sila sa paligid.
Pinilit kong tumayo saka sinabit sa aking balikat ang bag na dala kanina.
"I have to go... Zayne. Thank you for the company."
Natawa siya. "Lasing ka na nga. I'm Zack, not Zayne."
"I'm... I'm not," saad ko at bigla akong nasinok. "I'm not drunk," saad kong muli saka sinandal ang baywang sa sofa dahil lalong umiikot ang paningin ko sa paligid.
Nilapitan niya ako at akmang hahawakan na ako sa braso nang marinig ko ang pagdagundong ng isang pamilyar na boses.
"Stay away from my girlfriend, asshole."
Napalingon ako sa taong iyon at tama nga ako, si Noven.
"Girlfriend? Gagó!" ani ko at tinaasan siya ng isang kilay. Lumingon ako kay Zack at nagsalita, "I am single and very much available," saka siya nginitian.
"Lanie—"
Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya at tila hindi napansin ang presensiya nito.
"Zack, is it okay if you take me back in the hotel?"
"Sure," akmang hahawakan niya akong muli nang bigla na lamang akong sinunggaban ni Noven at walang anu-ano'y binuhat sa kanyang balikat at dinala sa hotel.
"Put me down! Walang hiya kang lalaki ka! Put me down!" sigaw ko habang pinagsusuntok ang kanyang likod.
"No one is allowed to invade my possession," marahas na sabi niya.
Matapos ang ilang sandali ay narinig ko ang pagsara ng pinto.
Marahas niya akong tinapon sa kama at magrereklamo pa sana ako nang bigla niyang hubarin ang suot niyang t-shirt habang madilim na na katitig sa akin.
"Now, I'll punish you real hard."
End of chapter 6.