Chapter 5

1646 Words
Chapter 5 "Ano ba!" singhal ko habang masamang nakatingin sa pinto ng hotel. Kanina pa kasi kumakatok si Noven. Tumigil lang ng isang minuto at heto ay kinakatok na naman ako. Sinasabi ko na nga ba. Bukod sa pagiging bad boy, isa rin siyang dakilang babaero. Kaninang umaga lang ay halos sumabog ang puso ko dahil sa mga pinakita niya sa akin na pagkagusto ngunit ngayon, nabura lahat ng iyon dahil isa sa mga naging babae niya ang bigla na lamang nagpakita at ang nakakainis ay narito pa ngayon sa hotel. "Bwisit!" naiinis na saad ko saka padabog na nilapitan ang pinto at binuksan. "Ano na nama—" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil si Danica pala ang bumungad sa akin. Nakasuot na siya ngayon ang kanyang puting bathrobe at sa tingin ko ay handa na siyang maligo. "Bakit nakabusangot ka diyan?" nalilitong tanong niya. "Ayaw mong maligo?" dagdag niya. Umiling ako. "Gusto naman..." saad ko saka dinungaw ang tapat na kwarto. Nakasara iyon at bahagya na naman akong nainis sa ideyang nasa kwarto ang dalawa. Bago pa ako magsalita ay hinila niya ako sa loob at kinumbinsing magbihis na. Nagpalit ako gamit ang pulang swim suit ko. Pinili kong magtali ng manipis na tela sa aking baywang para hindi masyadong ma-expose ang ibabang parte ng katawan ko. Sinuot ko rin ang kulay rosas na bathrobe saka lumabas. "Patingin ng suot mo sa loob!" excited na sabi ni Danica. "Bathrobe pa lang yan pero ang hot na ng dating mo, Lanielle!" dagdag niya pa saka ako hinawakan. Tinali ko ang buhok saka inaya na siya sa baba nang makapag-swimming na kami at mabawasan ang pagkariritang nadarama kay Noven. Nang makalapit kami sa pool ay mabilis din na lumapit si Roy kay Danica. "Lan, swimming na kami," aniya saka magiliw na hinubad ang roba. Simple ang suot niya at hindi naman ito malaswang tingnan. Natawa ako nang matanaw mula sa kinatatayuan ko na tila nagbabangayan na naman sila ni Roy dahil sa kanyang suot. Hindi naman gaanong exposed ang katawan ni Danica. Paano pa kaya ang suot ko? Ang pinagkaiba lang namin ay wala akong boyfriend kaya walang maninita sa akin. Napailing na lamang ako at bahagyang nanghinayang sa suot na panloob. Talo pa rin ako. Luging-lugi. Nilibot ko ang paningin sa paligid at napansing kakaunti lamang ang tao. May mga kano ring napapadaan at sakto namang humangin kaya natangay ang ilang hibla ng buhok ko mula sa pagkakatali saka naglugay na lang. "Lan! Come here!" sigaw ni Danica at napailing ako nang makitang hinila siya ni Roy sa ilalim na banda. 'When kaya?' "Hey, Elle, wanna swim?" saad ni Steve kaya bigla akong napalingon sa likod at hinarap siya. "Yeah. Pero mamaya pa. Nag-eenjoy pa yung lovebirds," natatawang sagot ko. "At may nagseselos din habang pinapanood ka," mahinang sabi niya saka tumawa. "Hah? Nagseselos? Wala naman akong boyfriend," nalilitong saad ko. "I know. Kaya mukhang sasabog na sa selos 'yong isa," nakangiting aniya at iniwan akong nalilito. Paglingon ko sa kaliwang banda ay biglang nagtama ang paningin namin ni Noven na siyang nakatiim-bagang at madilim na nakatitig sa akin ngayon. 'Ah, so ikaw pala... May babae ka lang kanina tapos mag-aasta kang nagseselos ngayon diyan. Tingnan natin yang galing mo, Noven.' Tinanggal ko ang suot kong roba at mabilis kong nakuha ang atensiyon ng ibang kalalakihan. Bigla akong nahiya dahil hindi naman ako sanay sa ganito ngunit wala na akong magagawa kundi panindigan ito. Mabuti at may nakataling manipis at transparent na tela sa baywang ko kaya kahit papaano ay confident pa rin ako. Lumingon ako kung saan nakatambay ang grupo ni Noven saka ngumiti at kumaway. "Steve! Come, let's swim!" ani ko sa kaibigan ni Noven. Kung kanina ay tila may bagyo base sa reaksiyon ni Noven, ngayon ay tila gusto nang makipagsuntukan. Tinapik ni Steve ang balikat ni Noven at ngumisi nang nakakaloko saka ako nilapitan. "Good job, Elle. Someone's gonna kill me after this," natatawang sabi niya. "Ang kapal naman ng mukha niya. Siya na nga itong may babae," maktol ko. Dumiretso na kami sa pool at nauna na siyang nagswimming. Umupo muna ako sa gilid habang nilalaro ang tubig gamit ang aking mga paa. Natanaw ko ang paglapit ni Noven sa isang lalaking nakahawak ng kamera saka ito sinuntok sa mukha. Diretso niyang inagaw ang kamera saka iyon binasag at may kinuhang kung ano sa loob nito. Nagulat din ang ibang tao sa paligid at lumapit na sa kanila. "Dàmn you, àsshole!" nanggigigil na singhal niya sa lalaki. Napalunok ako nang makita ang napakadilim na mga mata niya at igting ang panga humakbang palapit sa akin. Mabilis akong tumayo at nakahanda ng tumakbo ngunit tila nanghihina ang mga tuhod ko para gawin iyon. Wala naman akong ginawa ngunit bakit parang napakalaki ng kasalanan ko? Nang makalapit siya sa akin ay marahas niyang hinablot ang kaliwang kamay ko saka ako dinala sa isang sulok. Binitawan niya ang kamay ko at napasinghap ako nang bigla niya akong isinandal sa malamig na pader at kinulong sa matitigas niyang braso. "Dàmn! What are you fvcking doing, Lanielle Faith Castañeda?" marahas na saad niya at tila frustrated na sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Kinabahan ako sa kanyang inasta. "See that guy? I should have killed him! He secretly took photos of you!" Tahimik pa rin ako kaya tinitigan niya ako nang masama. "Are you just gonna shut your mouth like you did nothing?" "I did nothing!" matapang na sagot ko ngunit ang totoo ay tila sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Dumilim lalo ang paningin niya sa akin saka pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Ngayon ay umaapoy na ito. Tila magkahalong galit at pagnanasa ang nakikita ko sa mga mata niya. "Sure you did nothing..." bulong niya saka unti-unting inilapit ang mga mukha sa akin. "But your dàmn àss is attracting all men's eyes out there, making me mad...making me want to kìll them all," bulong niya sa tainga ko at biglang nagsitayuan ang balahibo ko dahil tila nakikiliti ang kabuuan ko sa mainit niyang hininga. "K-kasalanan ko pa ba 'yon?" kinakabang saad ko. "Malaking kasalanan iyon, Lanielle Faith," baritonong saad niya. Isang dangkal lamang ang layo niya sa aking mukha kaya napalunok ako nang titigan niya ako gamit ang madilim niyang mga mata. "How could anyone else turn their gaze against your hot àss," mahinang sabi niya at tila matutunaw na ako sa aking kinatatayuan dahil pakiramdam ko ay gusto ko na ring magpadala sa mga mata at labi niya. "Your dàmn small waist..." patuloy nito. "And your dàmn lips..." Bahagyang nagtama ang mga labi namin at tinitigan niya ako nang malalim. "H-hindi—" "Stop reasoning out. I punish hard," babala niya. "Hindi ko naman sinasady—" Naputol na naman ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan nang marahas. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking batok kaya naman ay hindi na ako makawala pa. Kusang pumikit ang traydor kong mga mata at hindi pumiglas sa marahas niyang atake sa aking labi. Ang isang kamay niya ay naglakbay pababa sa aking likod hanggang sa marating nito ang aking baywang saka lalo niyang pinagdikit ang aming katawan. Napadaing ako nang kagatin niya ang labi ko at sa tingin ko ay dumugo iyon. Tumigil siya saka marahan akong tinitigan. "Serves you right. Don't do it again," babala niya saka hinubad ang suot niyang t-shirt at inabot iyon sa akin. "Wear this." Alangan kong kinuha ang shirt niya. "What? Gusto mo bang ako ang magbihis sa'yo?" Gusto ko siyang sungitan dahil sa biglang paghalik niya sa akin ngunit seryoso pa rin siya. "N-no!" sabi ko saka mabilis na sinuot ang t-shirt niya. Ngayon ay bahagyang natatakpan na rin ang mga hita ko. Nagmukha kasing bestida sa akin ang damit niya. "I'll be watching you again, Lanielle Faith." Dahil sa nangyari ay hindi na ako bumalik sa pool. Dumeretso na lamang ako sa cottage saka kinuha ang bathrobe ko. Padabog akong umupo dahil sa inis. May lumapit sa aking waiter saka inalok ang isang lemon juice. "Do you have Whiskey?" "Mayroon po ma'am," sagot niya sa akin. "Iyon na lang po please," saad ko saka humalukipkip habang naghihintay. Nang makabalik ang waiter ay nagsalubong ang kilay ko dahil iyong lemon juice pa rin naman ang dala niya. "Wala na po pala, ma'am," aniya saka sinulyapan ang isang pamilyar na bodyguard sa gilid. Kinuha ko na lamang iyon at nagpasyang mamayang gabi na lang iinom. Doon mismo sa bar. Pagsapit nga ng gabi ay nagkayayaan sa bar kaya pinili ko ang isa sa mga hapit na dress na dala ko. Kulay pula iyon kaya lalong bumagay sa complexion ko saka inilugay ang mahaba kong buhok. "You're freaking hot, Lan!" si Danica. "Ang ganda mo rin, Danica," komento ko saka nilibot ng paningin ang simple ngunit elegante niyang niyang damit. Pumasok na kami sa bar at bumungad sa amin ang maingay na kanta at patay-sinding ilaw. This is the vibe. Mula sa couch kung saan kami nakaupo ay natanaw ko ang grupo ni Noven. Napansin ko ang simpleng suot niyang v-neck t-shirt at jeans ngunit napakalakas pa rin ng kanyang dating. Napansin ko rin ang babaeng nakita ko kanina sa kanyang kwarto na ngayon ay nakahawak sa kanyang braso, animo'y isang bata na matatangay ng agos kapag bumitiw. Bigla kong iniwas ang paningin nang sandaling magtama ang aming mata ni Noven. Pakiramdam ko ay sasabog ako mula sa nakitang eksena kaya tumayo ako at nagpaalam. "Danica, Roy, sa rest room lang ako," paalam ko saka mabilis na umalis. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. "Ano ba, Lanielle, hindi pwede yan!" bulong ko sa sarili. Akmang aalis na sana ako nang biglang namatay ang ilaw sa loob at narinig ang pag-lock ng pinto. Rinig ko rin nag papalapit na yabag. Kinabahan ako saka hindi gumalaw sa kinatatayuan. "S-sinong nariyan?" "Lanielle..." End of chapter 5.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD