Chapter 4
Labis akong kinabahan dahil hindi lamang si Danica at Roy ang sumundo sa akin sa bahay, bagkus, kasama rin si Noven.
Sumakay si Danica sa hindi kalumaang sasakyan ng kanyang kasintahan at akmang papasok na ako rito ay bigla naman akong pinigilan ni Noven.
Ngayon ko lang napansin ang suot niyang summer shorts at pink na T-shirt. Gusto kong matawa ngunit ngayon ko lang na-appreciate ang kulay rosas na suot ng lalaki. Kinda sexy. Lalo pa kasing na-emphasize and biceps niya at dark features nito. Kung kagaya siguro ako ng ibang babae diyan ay siguradong manginginig din ang tuhod ko sa kilig.
Pero hindi ako katulad nila. Hindi ko hahayaang madala sa mga mata at labi ng badboy na ito.
"Where do you think you're riding?" kunot-noong tanong niya. I fixed my composure para maipakitang strong independent woman ako.
"Sa sasakyan ni Roy, malamang. Saan pa nga ba?" sarcastic na sagot ko.
"Tsk, do you really wanna be their third wheel? Imagine ruining their supposed sweet-moment-together..."
"I am not. This isn't the first anyway," masungit kong sabi.
"Oh, 'di sawang-sawa na ang mga 'yan na kasama ka. Just come with me, Lan. Hindi naman kita aanuhin."
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Anong aanuhin? Kita mo? Iyan! Mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang intensiyon mo, Noven. Mukha ka pa namang miyembro ng masasamang loob kaya ayoko. Ayoko," mariin kong saad.
Natawa siya sa aking reaksiyon kaya lalo akong nainis. Malagkit niya akong tinitigan at ngayon ay kitang- kita ko na naman ang pilyo niyang ngiti na nakapapangilabot.
"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mong anuhin kita. In time, probably."
"Kilabutan ka nga! Lumayo ka sa akin!" tila naiiritang saad ko ngunit ang totoo ay pilit kong tinatago ang kabang nadarama.
How could he be so dark, hot, and sexy at the same time with just one smirk? Ayoko na talaga.
Nang lalapitan ko na sana ang sasakyan ni Roy ay saka naman ito umandar at tumakbo kaya sa huli ay wala na akong iba pang pagpipilian kundi sumama sa lalaking nakangiting-aso na ngayon.
"Seriously? Dati ka bang Chihuahua?" naiiritang sabi ko saka pumasok sa kotse niya.
Narinig ko siyang nagsalita. "Yes. Beware, hindi lang ako nangangagat, naninipsip din."
"Yuck," saad ko saka siya inirapan.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng kanyang kotse. Magara at mukhang pangmayaman.
Mabango rin ito at tila sinasakop ang buong pagkatao ko. Ganitong-ganito rin kasi ang amoy ni Noven. Lalaking-lalaki at ang macho pa ng dating.
"Anyway, kanino mo na naman to ninakaw?" pabalang na saad ko habang inaayos ang aking maiksing skirt na lalong umiksi pa dahil sa aking pagkakaupo.
"What? I'm not a thief, Lanielle." masungit na sagot niya saka ako tinitigan.
"Are you always like that? Asking something while seducing?"
Bumaling ang paningin niya sa aking hita. He licked his lips and eventually stared at me.
"Lanielle..." saad nito gamit ang baritonong boses. "Stop it or else, I can't be stopped." May pagbabanta na ngayon ang kanyang boses.
Iniwas ko ang paningin at napalunok sa kanyang sinabi.
"S-sorry..." kinakabang saad ko at inayos ang aking bag sa pagkakapatong sa aking hita.
"Tsk, it's not enough. Dàmn, how could I drive if you're distracting me," tila frustrated na saad niya saka tinanggal ang suot niyang shirt.
Nagulat ako kaya pinag-ekis ko ang aking mga kamay sa aking dibdib bilang depensa. "Wh-what are you doing? Noven, huwag na huwag mong tatangkain..."
"What if..." Lumapit pa siya lalo sa akin.
"N-no..."
"What if..." Nilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga saka bumulong, "what if gamitin mo itong shirt ko para takpan yang hita mo. Stop being silly, Lanielle. Baka seryosohin ko."
Dahil sa mainit niyang hininga ay tumayo ang balahibo ko.
Nang matauhan ako sa sinabi niya ay kitang-kita ko sa salamin ang pamumula ng aking mukha.
Pinaandar niya ang makina ng saksakyan at bigla niya itong pinatakbo nang mabilis.
Tumahip-tahip ang puso ko dahil pakiramdam ko ay mahihiwalay ang kaluluwa ko at mapapaaga ang pagkikita namin ni San Pedro.
"Kung gusto mo ng mamatay, huwag mo akong idamay!" bulyaw ko habang mangiyak-ngiyak sa nakikitang mga sasakyan na nilalampasan namin.
Imbes na bagalan ay tila kampante pang in-on nito ang stereo ng kanyang sasakyan.
Binaba niya ang bintana ng saksakyan at tinatangay na ng hangin ang magulo niyang buhok. Ngayon ay mukha na siyang miyembro ng isang boyband group na tinitilian ng marami.
Sinabayan niya ang kanta kaya sa sandaling iyon ay natigil ako sa pagrereklamo.
Tinitipa rin niya ang manibela habang sinasabayan ang beat ng pamilyar na kanta. Iyon ay ang Every Breath You Take na kinanta ng The Police.
"Every breath you take..." kanta niya sa intro. Malalim at malamig ang kanyang boses.
"And every move you make...
Every bond you break...
Every step you take...
I'll be watching you."
Tila nalasing ako sa kanyang boses at ramdam ko ang pagtagos ng lyrics ng kanta sa aking puso.
Hindi ko alintana pa ang mabilis na pagmaneho niya sapagkat natangay na ng hangin ang takot na nadarama ko kanina.
Bigla niya akong nilingon saka sinambit ang mga salita sa kanta.
"Oh, can't you see...
You belong to me?
How my poor heart aches...
With every step you take?"
Bigla kong iniwas ang paningin at pinaalalahanan ang sarili.
Napakabilis ng t***k ng aking puso.
"Stop acting cool," saad ko sa mahinang boses, tila nanghihina pa rin.
Bigla niyang hininto ang takbo ng sasakyan saka niya ako tinitigan nang malalim.
"H-hindi ako komportable, Noven..." saad ko at tinitigan din siya pabalik. I need to prove that I am not affected.
"Bakit hindi? Gusto mo na rin ba ako, Lanielle, hmm?" aniya gamit ang nakaaakit na baritonong boses.
Napalunok ako at hindi mawari kung ano ang isasagot. Napakabilis ng pagtahip ng aking dibdib at bumilis pa iyon lalo nang unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin at kusang pumikit naman ang aking mga mata.
'Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang special moment?'
Natauhan ako nang marinig ang bulong niya. "I badly want to kiss you but I may not stop myself until I get to lick every inch of you."
Bakit ko ba naisip na magpahalik sa kanya.
Huminga ako nang malalim. Itong mga pagkakataon na ito ay nanaisin ko na lamang na tuluyang maglaho. Muli niyang pinaandar ang sasakyan at inabala ko na lamang ang sarili sa pagc-cellphone kahit na wala naman akong ka-chat.
Ramdam ko ang paminsan-minsang pagsulyap niya sa akin kaya naman ay natulog na lamang ako sa biyahe.
Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras at nagising na lamang sa mahinang pagyugyog ni Novem sa aking balikat.
"Hey, wake up, sleepy-head. We're here," aniya.
Pagmulat ko ay halos aatakihin na naman ang puso ko dahil napakalapit ng kanyang mukha sa akin at para akong ma-s-suffocate.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at bumaba na sa kanyang sasakyan. Baka mabaliw ako kung iisipin ko na naman ang nakahihiyang eksena kanina. Paglabas ko ay bumungad sa ang napakagandang tanawin ng CN's Hotel and Resort.
Napansin kong pamilyar ang disenyo ng hotel. May pagkakapareho ito sa isa sa mga resort na napuntahan ko nga ngunit hindi ko matukoy kung alin doon.
"Let's go," ani Noven. Sinuot niya ang kanyang sunglasses at mukhang uminit pa lalo ang paligid dahil sa kanya. Wala rin siyang dalang bag kaya naisip ko na lang na marahil ay naiwan sa loob ng kotse niya.
Nakasabit din sa kaliwang balikat niya ang backpack ko at natampal ko ang aking noo nang ma-realize na wala pala siyang suot na shirt dahil binigay niya sa akin kanina.
"Wait! Wala kang shirt!" lakad-takbong saad ko habang hawak ang kanyang damit na mabango.
"I don't need that. Use it to hide your dàmn thighs whenever you sit," saad niya at tila walang pakialam sa atensiyon na nakukuha niya mula sa mga babaeng nasa paligid.
May lumapit na dalawang lalaki sa kanya saka bahagyang yumuko. Pormal ang suot ng mga ito saka niya binigay ang susi ng sasakyan sa isa. Nagprisinta ang isa na kunin ang bag kong nakasabit sa balikat ni Noven ngunit umiling ito saka naman umalis ang lalaki.
Pagkarating namin sa lobby ay nadatnan naming nakaupo doon sina Danica, Roy, at napansin ko ang dalawang kaibigan ni Noven na sina Steve at Walter na ngayon ay tila ba nang-aasar ang ngiti sa amin ni Noven.
"The lovebirds are here," bungad ni Walter saka ako binati. "Good morning, miss beautiful."
Ngumiti ako pabalik. Sasagot pa sana ako ngunit sumingit na naman si Noven saka ako tiningnan at nagsalita. "Let's get your things in your room."
Maotoridad ang kanyang boses at tila gustong maghasik ng dilim ang kanyang paningin sa kaibigang nakangising-aso.
"I'll be with Danica," saad ko dahil ganoon naman palagi ang set up noong kaming tatlo lang ang may outing. Sa kabilang room naman si Roy.
"Lanielle kasi..." may pag-aalangang sabi ni Danica at tila hindi alam ang sasabihin. Nakita kong nilingon niya si Noven saka bumalik sa akin ang kanyang paningin.
"Lanielle Faith, let's go," ani Noven saka sinuklay ang buhok gamit ang daliri at tila nauubusan na ito ng pasensiya.
"You have your own room. Stop being a third wheel," walang prenong bulalas niya kaya naman ay namula ang mukha ko sa kanyang sinabi dahil sa hiya.
Nahihiya akong nagpaalam sa mga kasama namin ngunit bago pa kami makaalis ay tinawag ako ni Steve. "Lanielle, it's nice to see you here," nakangiting sabi niya. Iyong friendly na ngiti. He's really the nicest among them kaya I am more comfortable kung siya 'yong kausap ko.
"It's the same feeling, Steve. See around," saad ko saka matamis din siyang nginitian.
"Tama na yan," singit ni Noven saka niya sinamaan ng tingin ang dalawa niyang kaibigan. "Why are you here, anyway? I didn't remember inviting you over."
Tumawa si Steve. "We're here because we're friends, dude. We miss you too!" pang-aasar sa kanya ni Walter.
Naglakad na kami patungo sa elevator at naririnig ko pa ang halakhak ng dalawa niyang kaibigan.
"Let's name him, Noven Angelo, the badboy na seloso," pang-aasar ni Steve.
"Mga gàgo," bulong ni Noven.
Magkahiwalay ang palapag ng room ko sa room nina Danica at Roy kaya nagpaalam na rin kami sa isa't isa.
Pumasok kami sa elevator ni Noven at nang bumukas iyon ay nauna siyang naglakad saka tinuro ang room ko. Room number 305 iyon.
Kinuha ko ang susi na inabot sa akin kanina ni Danica saka binuksan ang pinto. Kukunin ko na sana ang bag ko ngunit pumasok na siya sa loob at pinatong iyon sa sofa.
"If you need something, just knock on my door. Magkatapat lang naman tayo," aniya.
"No thanks. Tatawag na lang ako sa front desk kung sakali."
"Just call me," maotoridad na saad niya kaya hindi na ako nagprotesta pa.
Lumabas na siya sa aking kwarto at nang papasok na sana ito sa kanyang room ay natigilan ako dahil bigla itong bumukas at iniluwa ang isang babaeng matangkad, pula ang labi, at nakasuot ng hapit na pulang damit.
"Why are you here?" tiim-bagang na tanong ni Noven.
"I missed you!" magiliw na saad ng babae saka niya tinapon ang sarili kay Noven at niyakap ito.
Napatingin ang babae sa akin saka ako tinapunan ng mapang-asar na ngiti.
"Come inside, I have a surprise for you," dagdag ng babae.
Bumaling sa akin si Noven gamit ang madilim niyang paningin ngunit bago ko pa marinig ang sasabihin niya ay sinara ko na ang pinto.
"Dàmn! Open this Lanielle!"
End of chapter 4.