Chapter 3

1800 Words
Chapter 3 Nalilito kong inilibot ang paningin sa paligid at laking pagtataka ko kung bakit nakahiga ako sa hospital bed. Natampal ko ang sarili nang maalalang nakasakay ako sa jeep bago ako napunta rito. Kumunot ang noo ko nang makita ang seryosong mukha ni Noven habang nakikinig sa doktor. "So, she's not pregnant?" panigurado niya. "Yes, Mr. Corpuz. May allergic siya sa alikabok at idagdag na rin ang usok ng sasakyang nagtrigger dito," paliwanag ng doktor. Nilapitan ako ng doktor at siya na mismo ang nagcheck sa vital signs ko bago niya kinumpirmang maaari na akong umuwi. "Tsk, allergic lang pala sa alikabok. Pangmayaman namang allergic yan," komento niya. Uminit ang tainga ko sa narinig. "Excuse me! Hindi naman pwedeng piliin kung anong allergy ang dadapo sa'kin, 'di ba?" mataman kong sabi saka siya inirapan. "At sa tingin ko, may allergy rin ako sa'yo kaya layuan mo na ako. Nakakabanas ka," dagdag ko pa saka kinuha ang bag kong nakapatong sa side table. "Even if you don't want me, you can't get rid of me. Anyway, you're welcome," saad niya saka supladong inilagay ang kamay sa kanyang bulsa at nauna ng naglakad palabas. Aba! Siya pa ang may ganang magsuplado, eh siya na nga itong sunod nang sunod sa akin. "Hoy!" sigaw ko saka siya hinabol kaya nang maabutan ko ay hinihingal akong nagsalita. "Hindi ako nagpasalamat kaya don't tell me I am welcome!" Tinitigan niya ako saka nagsalubong ang kanyang makapal na kilay. "Kakaiba ka talaga," rinig kong bulong niya saka umiling. Bago pa man niya ako tuluyang talikuran ay nagsalita ako. "Stop. I should go first. Ayaw kong maissue na magkasama tayo." Binilisan ko ang paglalakad at bago pa ako makalayo ay narinig ko siyang nagsalita. "May lahing baliw pala ito," saad niya saka ko siya nilingon at namaywang. "Papa mo blue. Kaya ikaw naman ay may lahing shokoy," pambabara ko saka ako umirap. Kuhang- kuha niya talaga ang inis ko mula ulo hanggang paa. Pumara na ako ng taxi at nagulat ako nang maramdaman ang presensiya ni Noven sa aking likuran. "Bago ka sumakay, you should wear this first," aniya saka inabot ang isang facemask. "Gross. Ipapasuot mo sa akin yang facemask na suot mo kanina? Seryoso ka ba, Noven Angelo Corpuz?" hindi makapaniwalang saad ko. "I see... You hate me but you know my full name, babe. Sweet," preskong sabi niya. "Ay wow nama—" at hindi ko na siya nasagot sapagkat pinutol niya ako sa pagsasalita. "There's nothing wrong if we breathe the same air on the same facemask. Someday, we'll taste each other's tongue. So, why bother?" Nanlaki ang mga mata ko. Napakapresko niya! "Ang kapal mo talagang lalaki ka. Mas mahangin ka pa sa aircon na pang karne sa office natin," naiinis na saad ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "What if may bad breath kang bad boy ka, edi nahimatay na naman ako?" dagdag ko. Natawa siya. "Kiss na lang kita para malaman mo," aniya saka ako nilapitan. "Don't you dare!" banta kong saad at tumigil naman ito. Natatawa pa rin siya sa sinabi ko. "Don't worry, babe. I'm a bad boy, yes, but I do not have a bad breath, for Pete's sake. Bago 'yang facemask. I bought some for you because of your allergy. Now, stop the fuss, wear this and go straight home." Ramdam ko na ngayon ang otoridad sa boses niya sa huli niyang sinabi. Umiling na lamang ako saka kinuha ang facemask na binigay niya para wala ng bangayan. Hindi ko na rin naman iyon kailangan since sa taxi naman ako sasakay. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko sina mama at papa na nanonood sa Discovery Channel. "Bakit ngayon ka lang, Faith? Alas otso na ng gabi, ah," saad ni mama saka itinaas ang suot na salamin. Kitang- kita ko na naman ang istrikto niyang awra. Lumapit ako sa kanila ni papa saka nagmano muna. "Sorry 'ma, nawalan na naman ako ng malay kanina sa jeep because of my allergy," paliwanag ko. "Oh, hindi ba't sinabi kong magpasundo ka na lang kay Wane?" sabat ni papa. "Opo, pa, pero kasi...nahiya ako bigla dahil baka busy rin po siya," sagot ko saka inayos ang suot kong sapatos sa lalagyan. "Kapag sinabi ko kasing magpasundo ka, gawin mo na lang. Paano kung hindi lang 'yan ang nangyari sa'yo, hija? Paano kung tinambangan ka diyan ng mga kawatan?" "Sorry po, papa," saad ko na lamang saka umakyat sa hadgan patungo sa aking kwarto. Same old scene everytime magagabihan ako. Am I not old enough para umuwi whenever I want to? Tiningnan ko ang kalendaryo at naalala kong nag-aya pala si Danica na mag-s-swimming kami bukas ngunit hindi ko pa alam kung saang resort. This is not just about the travel and bond. It's more of making memories and self-discovery through conquering the outside world. It reminds me that nothing is permanent in this world and as time goes by, some trees and mountains may no longer be on their position, probably after decades and/or centuries. It is the reflection of reality. I don't want to live with regrets when I'm already waiting for my doom. Ayaw kong maranasan ang ideyang "sana may dagat pa kapag natuloy kaming mag swimming" o hindi naman kaya ay kapag nasa langit na ako at nakatitig sa planetang Earth habang nagmamaktol at sinasabi sa sariling, "sana may buhay pa ako para i-enjoy ang lahat." Dahil sa ideyang swimming, naalala ko na naman ang insidente kung kailan ako muntik lumisan sa mundo. (Flashback) 3 months ago... Nagbakasyon ako sa Tagaytay sapagkat tila ba hindi ko na kakayanin ang pressure at stress na ibinibigay sa akin ng aking trabaho. Natawa ako sa sarili sapagkat napakatapang kong bumiyahe at nagbook ng hotel sa tagaytay kahit na hindi naman ako sanay na bumyahe at mamasyal mag-isa. Gustong-gusto kong mamasayal sa iba't-ibang lugar ngunit iba pala talaga sa pakiramdam kapag mag-isa na. Nang makarating ako sa hotel ay namangha ako sa nakapagarang disensiyo nito at mula sa pwesto ko ay nakita ko ang napakaganda ring tanawin. May swimming pool malapit sa hotel at may mga kubo rin. Masasabi kong presko doon. Hinawi ko ang kurtina at tila lumuwa ang puso ko nang makita ang Taal volcano at lake. Isa lamang ang masasabi ko, this is majestic! Excited akong nagpalit ng aking two piece suit saka nagsuot ng bathrobe at sumakay sa elevator pababa. Kakaunti naman ang tao kaya naman ay pinanindigan ko na lamang ang suot na two-piece suit. Hindi ako sanay sa ganito ngunit wala ng pakialamanan dito dahil wala namang nakakakilala sa akin. Inilapag ko ang cellphone at ang bathrobe na tinanggal ko mula sa pagkakasuot saka lumapit sa pool. Napansin ko sa hindi kalayuan ang tatlong lalaking nagkakatuwaan. Ang isa ay nagtitipa ng gitara, ang isa ay kumakanta at isa naman ay tila bored na bored. Bigla akong umiwas ng tingin nang mapansin ang lalaking iyon na nakatitig sa akin ngayon. Kahit malayo ako ay alam kong maskulado ito at detalyado ang features ng kanyang mukha. Dumeretso na lamang ako sa pool saka lumusong sa tubig. Ngunit nasabit sa buhok ko ang isa kong hikaw kaya naman ay natanggal ito at lumubog. It is a gift from my mother kaya hindi pwedeng mawala iyon. Dali-dali akong sumisid ngunit napakalalim pala ng bandang ito. Dahil sa paghahanap ay naubusan ako ng hangin kaya naman ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nang magkamalay ako ay isang lalaking maskulado ang bumalandra sa aking paningin at nagulat ako nang makita na magkapatong ang kamay niya sa itaas na bahagi aking dibdib. "How dare you! Get your hands of me, you perv!" galit kong sabi. Napansin kong medyo nagsialisan na ang mga tao sa paligid. Ano bang nangyari? Nalunod ba ako at siya ang sumagip sa akin? "Tsk, ako na ang tumulong, ako pa ang nagmukhang mànyak. You're welcome, miss," seryosong saad niya saka tumayo at naglakad pabalik sa kanilang kubo. Napansin kong wala siyang suot na pang-itaas at kumunot ang noo ko nang makita ang nakatakip na T-shirt sa aking katawan. So, it's his shirt. Tinitigan kong muli ang palayong lalaki. His tan skin is perfect for his dark features. Siguro may lahi ito. Mabilis akong bumalik sa kubo kung saan ko iniwan ang aking bathrobe saka iyon sinuot. Lumapit ko sa kubo kung saan sila nakatambay at nahihiyang inabot ang t-shirt nito sa isa niyang kasama. "Excuse me, damit nga pala ng kasama niyo. Pasabi, "thank you"," sambit ko. Ang isa ay ngiting-ngiti sa akin. "You're welcome, miss beautiful," saad niya saka inabot ang kamay at nagpakilala, "Walter." Nang aabutin ko na sana iyon ay siya namang biglang pag-agaw ng lalaking sumagip sa akin sa damit na hawak ng lalaking nagpakilalang Walter. "Let's get inside," sabi niya at mukhang galit na isinuot ang damit na binalik ko. "Teka... I have to get the name of this gorgeous lady," nakangiting saad pa ng kasama nito na. Hinarap niya si Walter at nagsalita, "Her name? Oh, she's Maria Tililing, the hindi marunong magpasalamat lady." Humagalpak ng tawa ang dalawa niyang kasama saka niya sila tinulak palayo sa akin. Uminit ang tainga ko sa narinig. Bago siya sumunod sa dalawa niyang kasama ay tinitigan niya ako nang mariin. "Next time, wear something decent," tila nagbabantang saad niya. Magsasalita pa sana ako ngunit umalis na ito. Anong something decent? Dapat ba nagpajama na lang ako, ganoon ba ang ibig niyang sabihin? Saan siya nakakita na nakapajama ang mga tao sa resort? Siraulo. Nang pabalik na ako sa room ko ay nakasalubong ko siya sa lobby. Walang ibang tao doon kaya hindi ko alam kung paano ako magpapanggap na hindi siya nakita. "Miss, give me your name," aniya kaya natawa ako at may halong pang -uuyam iyon. Hindi iyon tanong, bagkus tila nagma-mando pa. Pinagkrus ko ang mga kamay ko saka nakipatagisan ng paningin. "Saan mo naman nakuha ang kapal ng mukha mo, Mr. feelingerong-gusto-ng-lahat-ng-babae? If you want my name, well, die for it!" supladang ani ko saka siya iniwan. 'That's the kind of rejection you deserve.' Pagbalik ko sa trabaho ay naibalita sa amin na may bago kaming kasama sa aming department ay siya ang amin head dahil nilipat ang dati naming head sa kabilang department. Laking gulat ko nang makita ang lalaking nakabangayan ko sa resort noong isang araw na siyang magiging head officer namin. "Nice meeting, you guys," saad nito sa mga kasama namin. Biglang binaling niya ang tingin sa akin kaya naman ay iniwas ko ang paningin mula sa kanya. "Nice meeting you, Lanielle Faith Castañeda," dagdag niya gamit ang baritonong boses. "N-nice meeting you too, sir," kinakabahang saad ko. "Drop the "sir", just Noven," seryosong saad niya habang nakatitig sa akin at tila may pagbabanta iyon. (End of flashback.) End of chapter 3.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD