Chapter 2
Bumalik ako sa opisina at nalilito na rin kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Dapat ay magdiwang ako sa tuwa dahil sa wakas ay nagawa kong ipamukha kay Noven na hindi ako basta- bastang babae.
"Lanielle! Are you okay? Kanina ka pa walang kibo diyan? Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Danica.
Nasa canteen kami dahil lunch time na ngunit wala akong gana. Tila naubos kasi ang lahat ng lakas ko kanina kay Noven.
"Mmm, ano kasi… basta! Hindi ko rin alam, Danica," sagot ko.
"Hay nako, ikain mo na lang 'yan. Mukhang stress na stress ka na, Lanielle!" aniya saka tumayo at umorder ng pagkain namin sa counter.
Sa buong oras ng trabaho ko ay tila lalong bumagal pa ang takbo ng oras.
Hindi ako makagalaw nang maayos sapagkat ramdam ko pa rin ang paninitig ni Noven sa akin. Naiilang ako while in fact, hindi dapat ako ang mahiya sapagkat ipinaglalaban ko lang naman ang karapatan ko as a dignified woman.
Matapos ang ilang sandali ay sinalansan ko ang ilang kopya ng report sa aking mesa at walang ganang in-off and computer sa aking harap.
"Lan, mauna na ako sa'yo, hah? Nasa baba na raw kasi si Roy. May family dinner daw kasi sila kaya napaaga ang pagsundo niya sa akin," paalam niya at tumango na lamang ako bilang tugon.
Pakiramdam ko ay labis ang pagod na aking nadarama kahit na kakaunti lang ang natapos kong trabaho ngayong araw.
Bawi na lang siguro ako bukas.
Sa tulin ng bawat galaw ko at hindi ko napansing nagsialisan na pala ang iba kong kasama sa aming department kaya bahagya kong binilisan ang galaw.
Nag-ring ang aking cellphone kaya mabilis ko hinanap iyon sa ibabaw ng aking mesa, sa aking bag, at kung saan saan pa.
Nataranta ako nang hindi ko iyon mahagilap ngunit naririnig ko naman ang tunog nito.
Dahan-dahan kong nilapitan ang mesa ni Noven at doon ko napansin ang kaniyang coat at relo.
"Hindi pa pala siya nakaalis?" bulong ko sa sarili.
"Oo," sagot ng lalaki mula sa aking likuran kaya bahagya pa akong napatalon sa gulat.
Napansin ko rin na hawak niya ang aking cellphone kaya mabilis kong inagaw iyon mula sa kanyang kamay dahil kanina pa tumatawag si papa.
"Bakit nasa iyo itong cellphone ko? Akala ko ba umalis ka na? And where did you get my phone?" dudang tanong ko sa kaniya.
"I am not interested with that. I am more interested to the owner," preskong sabi niya ngunit inirapan ko lamang siya.
Iniwas ko ang paningin sapagkat heto na naman siya, binabalandra ang kanyang katawan.
Akala mo ay walang bangayang nangyari sa aming pagitan kanina.
Sandaling namatay ang tawag at muli na namang nag-ring ang aking cellphone kaya mabilis ko itong sinagot.
"Tsk, sinong 'My Man' iyan?" iritableng tanong niya.
"Wala kang pake," sabi ko saka siya tinalikuran.
"Hello, pa?" sagot ko sa tawag ni papa mula sa kabilang linya.
"Anak, hindi kita masusundo ngayon. Biglang nagpatawag ng meeting ang head namin kaya magagabihan ako. Tawagan mo na lang ang iyong pinsan para masundo ka niya. Sige na, ingat ka. Sabay na kami ng mama mo mamaya," tila nagmamadaling sabi niya.
"Nahihiya ako kay Wane, pa. Baka mamaya may ginagawa rin siya," sabi ko ngunit naputol na pala ang linya.
Bumaling ako kay Noven at nakitang madilim na ang kanyang tingin sa akin.
"And who's Wane?" tanong niya habang salubong ang makapal nitong kilay.
"Pake mo?" balik kong tanong sa kanya saka kinuha ang aking bag at iniwan siya sa loob ng opisina.
Ilang sandli pa ay naramdaman kong sumunod siya ngunit hindi ko siya pinansin.
"Wait for me, Lan," mariing sabi niya.
"Kupal. Don't call me that. Hindi tayo close," masungit kong sabi.
Tuloy-tuloy naman ako sa paghakbang hanggang sa makarating ako sa elevator.
Ngunit bago pa man ako makapasok ay naramdaman ko ang paghila niya sa aking braso at tila leon kung makatitig sa akin.
"Why the fvck are you ignoring me?"
Tiningnan ko nang masama ang kamay niya sa aking braso ngunit hindi siya nagpatinag.
I closed my eyes and I tried so hard to bring back all the patience I have with me but I feel like nothing's left.
"Bitiwan mo ako! Kung hindi ay sisigaw ako! Sasabihin ko sa mga pulis na may ginawa kang masama sa akin!" banta ko ngunit tumawa lang ito.
Napaatraas ako nang humakbang siya palapit sa akin ngunit hinawakan niya ang batok ko.
Nais kong sumigaw ngunit hindi ko magawa.
Bumilis ang t***k ng puso ko hanggang sa hindi ko na mapirmi ito.
Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga saka bumulong,
"Go ahead and it's my turn to give justice to your sweet accusations. Besides, your lips are inviting me to savor it. You eyes are bewitching me. Your nose is dámn perfect, my queen. Your long hair looks gorgeous on you, but I will surely like it when it's messy…" he licked his lower lip, "and wild."
Sa sobrang taas ng blood pressure ko sa lalaking nasa harap ko ay tila nais ko na lang maging kriminal.
Ako na mismo ang kumalas mula sa kanyang pagkakahawak saka ko inilabas ang emosyong kanina ko pa pinipigilan.
"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, Noven! You are a play boy and never did I dream of playing with you in bed! Are you not satisfied playing with our boss this morning?" mangiyak-ngiyak kong bulyaw sa kanya.
Yes, I am mad.
Umigting ang kanyang panga ngunit sumunod namang sumilay sa kanyang labi ang isang multong ngiti.
"Yes, Lanielle," ngayon ay seryoso na ang kanyang mga mata. Kaunti na lang, iisipin kong may saltik ito.
"To all the girls I had played with, no one has ever satisfied me yet. And remember this, I will never get tired of chasing you until your knees tremble… until you always crave for my sweet tongue," patuloy niya.
"Sorry to destroy your wild imagination, mister, but I would like you to know that I am not into play boys like you. Mas mai- in love pa ako sa lalaking magalang kahit hindi ka-gwapuhan," at nakita kong sumama ang kanyang itsura sa aking sinabi.
"Excuse me, I have to go," sabi ko saka siya iniwan.
Sumakay na ako sa elevator at muli akong nagsalita habang hinihintay ang pagsara ng pinto. "Bye, Angelo!" paalam ko.
"Oh, fvck! Never call me that nasty name!" sigaw niya pabalik ngunit sumara na ang pinto ng elevator.
Humalakhak ako dahil minsan ko na ring narinig na ayaw niyang tinatawag siya sa kanyang second name.
Angelo… mabantot ang dating no'n sa tulad niyang manloloko at babaero.
Palibhasa, masyadong pasaway kaya ayaw sa Angelo na pangalan.
Nang makababa ako ay mabilis akong pumara ng jeep. Sanay naman akong magcommute, only that, nahihilo lang ako sa tuwing sumasakay ako sa jeep o 'di kaya ay sa bus.
Kaya sinabi ni papa na magpasundo na lang ako sa pinsan kong si Wane. Nahihiya na ako dahil laging siya kasi ang sumusundo sa akin every time na busy si papa.
Sumakay ako sa jeep at unang tingin ko pa lang sa loob ay nahihilo na ako sa dami ng pasahero. Siksikan na.
Gusto kong bumaba ngunit wala akong choice dahil magtatakip silim na ang paligid.
Maayos naman akong umupo sa aking pwesto ngunit nahihilo ako sa baho ng usok.
"Para. Sasakay ako," rinig kong sabi ng pamilyar na boses. Baritono. Kaya napadilat ako at nanlaki ang mga mata nang makita si Noven.
What the hell? Nariyan na ang sasakyang laging sumusundo sa kanya. Ano na naman kaya ang trip niya sa buhay?
Hindi siya bagay rito. Napaka gara kasi ng itsura niya kahit tanging puting long sleeves, slacks, at leather shoes siya.
Mariin ko siyang tiningnan ngunit seryoso ang kanyang mga mata at kumunot ang noo niya nang bumaling ito sa lalaking katabi ko sa kaliwang bahagi.
Pansin ko rin ang pasimpleng sulyap ng ilang babae na kasabay namin sa loob ng jeep.
"Urong ka naman diyan, babe," sabi niya kaya nanlaking muli ang mga mata ko.
"Ang kapa-" pinigilan niya ako gamit ang kanyang kamay at ngayon ay ngiting ngiting umupo sa aking tabi, dahilan para umorong ang binatang katabi ko kanina.
"Darling naman, huwag ka na ngang magsungit diyan," kunwari ay malambing na sabi niya at sinadya pa yata niyang lakasan iyon. Pasikat. Nakakainis.
Matalim ko siyang tinitigan. Napaka walang hiya niya kasi talaga. Pati ba naman dito ay sinusundan at ginugulo niya ako.
Hindi ko napansin na nakatingin na ang ibang pasahero sa amin at gusto ko mang supalpalin si Noven, hindi naman ako gano'n kasuplada para ipahiya siya sa harap ng iba.
"Bwisit ka. Presko mo," mariing bulong ko sa kanya saka siya nginitian. Iyong ngiting naiinis.
Ilang sandali pa ay muli akong nakaramdam ng pagkahilo dahil sa usok ng mga sasakyang nag-uunahan pa hanggang sa tila naduduwal na ako.
Tinakpan ko ang aking labi gamit ang aking panyo upang pigilin ang sarili ngunit hilong-hilo na ako at hindi ko na kaya.
Naramdaman ko ang pag-ikot ng aking paningin hanggang sa bumagsak ako sa mga kamay ni Noven.
Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang sunod-sunod niyang mura at tila hindi malaman kung anong gagawin.
"Lanielle! Hey! Fvck! You're pregnant!"
End of chapter 2.