Chapter 10 "Whatever happens, huwag na huwag kang lalabas ng kwarto, understood?" bilin niya sa akin saka sinuot ang kanyang damit. "Bakit? Sino ba ang naroon? Baka babae mo na naman yan!" galit na saad ko at pilit na bumangon kahit na tila napalo ng sampung martilyo ang aking katawan. "Just listen to me, Lan." Seryoso ang kanyang mukha kaya hindi ako nagpatinag. "Then, who is that person? Why do you have to hide me, Noven?" Nilapitan niya ako saka hinalikan ang aking noo. "Lalaki ang nasa labas at isa siya sa mga pinakamasamang nilalang na kilala ko. I need to hide you to protect you from him." Hindi na ako umimik saka tumango na lamang. Hubad pa rin ang aking katawan. Pinulot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig saka pinasuot sa akin. Alangan ko namang tinaas ang mga braso par

