Chapter 11 "Wow! Kakaiba ang awra mo ngayon, Lan!" bati sa akin ni Danica na kararating lang. Nilingon niya si Noven na ngayon ay tahimik na kinakalikot ang computer saka ako sinundot sa tagiliran. "Mukhang nagkamabutihan kayo, ah." Ngumiti lang ako at hindi pinahalata ang kilig na nadarama. Minsan ay nagugustuhan natin ang isang tao hindi dahil na-'love-at-first-sight' tayo kundi dahil sa panunukso ng mga kaibigan natin. Nang lingunin ko si Noven ay nahuli kong nakatingin din siya sa akin. Nilabi niya ang salitang 'I miss you' saka umamo ang kanyang mukha. "What? Wala man lang I miss you too diyan?" reklamo niya nang walang matanggap na sagot. "Shh, ang ingay mo," suway ko dahil naririnig na siguro ng katabi ko ang bulungan namin. "Tsk, I miss you. Where's my I miss you too?" B

