Chapter 12 Hindi ko pa tapos ayusin ang dokumentong hindi tinanggap ng aming boss kaya naman ay aligaga kong binuksan ang computer kahit na naiilang ako sa mga bulungan sa paligid. Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Noven na pag-amin kaya ngayon ay pakiramdam ko ayaw na sa akin ng lahat maliban kay Danica. "Let me submit the documents," ani Noven kaya umiling ako. "Ako na," maikling sagot ko habang nakatingin sa screen ng computer. "Tsk." Mahihihimigan na nauubos na ang kanyang pasensiya. Kinuha niya ang dokumento at walang sabi-sabing lumabas at pinasa ito sa boss. Wala na akong nagawa pa. Ang nakakakainis lang ay baka kung ano na naman ang ginagawa nila habang nasa loob sila. Nang makabalik si Noven ay inirapan ko lang siya. Siguro ay tinanggap iyon ni Lady Lee dahil si Noven na ang

