Chapter 30 "Why are you crying?" rinig kong saad ng baritono at pamilyar na boses mula sa likod ko at nagulat ako nang makita ang taong iniiyakan ko lang kanina. Nakita ko ang multong ngiti sa labi ni Steve saka umatras para makalapit si Noven. Binalewala ko na lamang ang hiya sa sarili mula sa paghagulgol sa taong hindi ko kilala. Ang mahalaga ay buhay si Noven. Pinalis ko ang luha sa aking pisngi saka kumurap-kurap ng ilang beses bago mag-sink in sa akin na buhay si Noven. Tumakbo ako palapit sa kanya at walang sabi-sabing niyakap siya nang mahigpit. "Akala ko wala ka na," bulong ko at naluluhang pinisil- pisil ang kanyang mukha dahil sa takot na ilusyon lang ang lahat. Sandali kong nakita ang malambot niyang ekspresyon ngunit mabilis ding bumalik ito sa pagiging blanko. Tinanggal

