Chapter 27 Alas nuwebe na ng umaga nang magising kaming pareho ni Noven. Bitin kasi ang tulog namin dahil sa aming ginawa kaninang madaling araw. Ngayong araw ang deklarasyon ng bagong tagapagmana ng Corpuz Group of Companies kaya bumangon na rin kaming pareho at kagaya kanina, si Noven muli ang nagluto ng aming almusal. Marunong ako ngunit aminado naman akong hindi ako masarap magluto. Ang mahalaga ay hindi ito nakalalason. Napangiti ako nang makita si Noven na suot ang puting apron habang hubad ang kanyang itaas na katawan. Napakapogi pa rin niyang tingnan. Nakadepina ang mga mata sa kayang braso at napalunok ako nang maalalang walang kahirap-hirap niya akong buhatin, hapitin, at padapain sa mga pagkakataong ginagawa namin ang bagay na iyon. "1 more stare and I'll rip your clothes o

