Chapter 28 Habang papalapit kami sa Corpuz Empire ay siya namang pagdagundong ng dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay ni Noven saka iyon marahang pinisil. Nang makarating kami sa venue ay muli akong kinabahan nang makita mula sa bintana ng sasakyan ng mga reporters at camera man na nakaabang sa entrance. "Kinakabahan ako," saad ko kay Noven. Hinalikan niya ang noo ko bago nagsalita, "As long as I am here, you're safe." "Shall we?" tanong niya kaya tumango ako. Pagkababa niya ay biglang nag-unahan ang click ng kamera na nakasisilaw sa mata. Seryoso ang ekpresyon niya habang palapit sa pinto ng passenger's saka ito binuksan. Hinawakan niya ang kamay ko saka inalalayan akong bumaba. Ngayon ay a akin na nakatutok ang kamera. Taas-noo kong pinulupot sa braso ni Noven ang aking kamay at ina

