Zyra
*
*
" Hahaha! Anong Alien At Aswang kakanood mo yan ng horror movies Siraulo." Natatawa na tugon ni Sir Leo napakamot ako sa Ulo
" Hindi ko kasi maintindihan ang pinagsasabi mo. " Inis na wika ko
" Parang kaibigan tayo kung kausapin mo ako. Hindi ka natatakot saakin, Alam mo kasi karamihan ng nakakakilala saakin lalo na kung mababa ang antas sa pamumuhay hindi sila makatitig saakin. Isang bulyaw ko lang natatakot na sila. Kaya nga pag makakauwi ako sa bahay na mainit Ulo ko, Pero ikaw parang wala kang takot paggalit ka pinapakita mo na galit ka. Gusto ko ang pagiging totoong tao mo Zyra." Mahabang paliwanag ni Sir Leo
" Tika! Sorry probinsyana kasi ako. Dapat ba pagmayaman kinatatakutan? Para kasi saakin pantay-pantay lahat ng tao. Mayaman at mahirap pareho-pareho lang tao Anak ng diyos. Para saakin kaya nagiging mayabang ibang tao dahil Sinasamba nila ang Pera ang kayamanan. Aanhin mo naman ang Karangyaan kung wala man nagmamahal sayo. Hindi mabibili ng pera ang kaligayahan ng tao. " Mahabang tugon ko
" Pero mabibili ng pera ang kasiyahan ng tao." Tugon ni Sir Leo
" Sir ang kasiyahan ay isang panandaliang pakiramdam. Samantalang ang Kaligayahan ay mas malalim na emosyon. Kadalasan hindi alam ng karamihan ang pinagkaiba ng Kasiyahan at kaligayahan. Kaya Inakala nila na panghabang buhay ang nararamdaman nilang kasiyahan. Halimbawa nag enjoy ka sa pakikipag talik sa iba't ibang babae. Pero Ang pagkatapos parang bula na naglaho ang nararamdaman mo. " Mahabang paliwanag ko
" Hahaha! Pakiramdam ko bumalik ako sa elementarya sa mga paliwanag mo. " Natatawa na wika ni Sir Leo
" Ano ba ang pananaw mo sa pakikipagtalik?" Tanong ni Sir Leo
" Sargadong bagay binibigay lamang sa taong mahal mo at paglalaan ng panghabang buhay na kaligayahan. Kaya Kung magkakaroon ako ng Pag-ibig hindi ko ipagpipilitan sarili ko. Kailangan paghirapan ng lalaki na mapaibig ako. Mapaniwala at mapatunayan na Mahal niya ako. Ang salitang mahal sa panahon ngayon pankaraniwang nalang. Kaya nakakatakot na magtiwala. " Paliwanag ko
" Naku mahihirapan pala ako nito. " Bulalas ni Sir
" Mahihirapan? Bakit ka naman nahihirapan Sir?" Tanong ko bakas ang pagtataka sa mukha ko
" Huh? May sinabi ba ako?" Kunway nagtataka na tanong niya
Tumahimik nalang ako napansin ko ang gusali na pinasok ng sasakyan ni Sir Leo pumasok siya sa parking lot ng malaking gusali
" Bakit parang kinakabahan ako?" Kausap ko sa sarili ko
" Ang sinabi ko sayo tandaan mo. Nasa lugar tayo ng mga mamatay tao. Lahat ng tao dito Kilala at kinakatakutan. Walang awa sila kung pumatay. " Wika ni Sir Leo
Lumabas siya ng sasakyan sumunod naman ako kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan
Hinawakan ni Sir Leo ang kamay ko naka holding hands kami na naglalakad papasok sa elevator.
" Siguro may dahilan kaya nandito tayo ngayon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan kasama ka. Wala ka naman kaugnayan sa Organization Bakit gusto ka nila makakilala. Kinakabahan ako sa pagpunta natin dito. Huwag kang lalayo saakin." Mahabang wika ni Sir Leo
Dumikit ako kay Sir Leo mas lalo akong kinabahan sa mga sinabi niya.
" Sir! Baka gawin nila akong parausan dito. Ganitong ganito ang napapanood ko sa mga palabas sa TV. Sir Siraulo lang ako pero Virgin pa ako." Kinakabahan na wika ko
" Hahaha! Siraulo! Anong gagawin kang parausan! Nandito si Daddy hindi mangyayari ang iniisip mo. Sarap mo batukan. Hayst naku! Iba ang iniisip ko baka gawin ka nilang bihag Kapalit ng pagpayag ko sa kasundoan. Baka ibilanggo ka dito." Tugon ni Sir Leo
" This way Mr Shoun." Magalang na wika ng isang babae paglabas namin sa elevator
Naglakad kami pasunod sa babae, Napaangat ako ng tingin Napangiwi ako Walang Emosyon ang kasama ko para bang handa siya makipag tapayan Ano mang Oras.
Binuksan ng babae ang Glassdoor napakunot noo ako May sampong kalalakihan na nakaupo sa paikot sa Sofa. Para bang Living room ang napasukan namin, May Edad na ang ibang lalaki may Kasing Edad ni Sir Leo pero isang lalaki ang pumukaw sa Pansin ko
Napansin ko ang pagbubulongan ng mga kalalakihan habang nakatingin saakin kakaiba din ang ngisi nila
" Mga Mafia boss ang mga yan. Kabilang sila sa Lihim Organization na pumapatay ng mga tao. Kaya mag-iingat ka. Ang Lalaking naka White Fitted shirt siya ang Daddy ko. He's Name Brayden Shoun. Mag-iingat ka sa Kilos mo Nakakatakot magalit ang Daddy ko. " Pabulong na wika ni Sir Leo
Unti-unting bumalik sa alaala ko ang isang kasundoan na pinirmahan ko Ilan taon na ang nakakaraan
Flashback Few years Ago
" Bukas ng 5 Am dapat nasa tuktok kana ng bundok na yon. Sa oras na maunahan kita sa Malaking puno na nandoon pipirmahan mo ang Marriage contact ipapakasal kita sa Nag-iisang anak ko. Pagsapit mo ng 21 Years old. 4 Am ka aalis dito may isang oras ka lang para makarating sa malaking puno. sa Oras na maunahan kita papakasalan mo ang Anak ko. " Mahabang paliwanag ni Tito Bray
Hingal na naupo ako sa damohan nanginginig ang tuhod ko sa pagod ilang oras kami nagsanay ni Kuya sa pagtakbo kailangan makailag kami sa mga nakasabit na lata kailangan hindi namin masagi ang mga lata. Sa tuwing nasasagi namin babalik kami sa umpisa. Ilan kilometros ang kailangan namin lagpasan na puno ng Nakasabit na lata.
" Tito! Pwede 3 AM ako mag-umpisa? Malayo ang malaking puno na sinasabi mo. Idagdag pa ang mga ligaw na hayop na madadaanan ko. Maraming ahas d'yan sa daan. " Reklamo ko
" Sige! 5 AM dapat nandoon kana. Pauhan tayo kung matalo mo ako ibibigay ko ang lahat ng nanaisin mo. " Wika ni Tito
Kinabukasan 4: 38 palang Nakarating na ako naabutan ko si Tito nakasandal habang nagkakape. Napangisi siya ng nakakaloko inabot saakin ang mga documents kahit na hingal pinirmahan ko yon.
Nakapirma na ako nag mapagtanto ko na nakadaya ako. May nasipat kasi ako na Camping tent ibig sabihin pumunta siya kahapon at doon natulog.
" Simula ngayon bawal kang makipag relasyon kahit kanino. Papatayin ko ang lahat ng magtatangka manligaw sayo. Ikakasal ka sa anak ko. Kaya lagi mong tandaan may Fiance kana." Seryoso na wika ni Tito bray
Sa galit ko dinampot ko ang baril sa tabi niya agad naman tumakbo si Tito hinababol ko siya pinaulanan ko ng bala, Tumatawa siya habang tumatakbo
End of Flashback
Namumula ang buong mukha ko nakatitig ako ng masama kay Tito Bray Gustong-gusto ko siya sugurin napagtanto ko kasi na si Sir Leo ang Anak niya. Ibig sabihin si Leo ang Ipapakasal saakin
" Babaerong bakla ang anak niya. Hinding-hindi nga ako mag-aasawa gusto ko tumandang dalaga. Hinding-hindi ko ibibigay ang Virginity ko sa kahit na sinong lalaki. Mamatay akong birhin. Gagawin ko ang lahat para lang matupad ang pangarap ko. " Piping sambit ko
" Dad siya si Zyra kasambahay ko. Mahiyain siya kaya pasensyahan nyo nalang. Natakot ata sainyo." Wika ni Sir Leo
" Maupo kayong dalawa. " Walang Emosyon na utos ng isang may edad na lalaki
Nagmamadali ako sa paglakad palapit kay Tito Bray
Naupo ako sa tabi ni Tito Bray
" Zyra! Bakit nand'yan ka? Dito ka maupo sa tabi ko." Pabulong na utos ni Sir Leo
" Mamaya ka saakin Tito! Papatayin kita Siraulo ka." Mariing bulong ko dito
" Magbibigay Ako ng bagong kasundoan, Kapalit ng pagpapawalang bisa ng Kasundoan ng Mafia Heir. " Pabulong na tugon ni Tito
Ngumiti ako ng alanganin pasemple ko kinurot ang tagiliran ni Tito Bray
" Uncle Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo?" Nag-aalala na tanong ng gwapong lalaki sa tingin ko mas bata siya kay Sir Leo
" Ouch! Huhu Okay lang ako. " tugon ni Tito Bray
" Ano? Sabi ni Sir Natatae daw siya. Sasamahan ko lang siya sa Restroom." Nakangiti na wika ko
Sapilitan ko pinatayo si Tito Bray
Piningot ko siya sa tainga
" Arayyyy! " Daing ni Tito
" Zyra! Bakit mo pinipingot Daddy ko?" Tanong ni Sir Leo sa galit na boses
" Huh?. Hindi ah. May lamok lang sa tainga niya. Naku Sir Maupo po kayo. Sumasakit paba Tiyan mo?" Mariing tanong ko
" Hahaha! Hindi na. Oo nga maraming lamok dito. Sige na mag-umpisa na tayo. " Natatawa na tugon ni Tito Bray naupo ulit Hinila ako ni Sir Loe Paupo sa tabi niya
" Bakit mo sinaktan Daddy ko?" Pagalit na tanong ni Sir Leo
" Sabi ko na sayo May lamok sa tainga niya." Tugon ko
" Ano ang pasya mo Kuya Leo?" Tanong ng Gwapong lalaki
" Kenzo! Alam mo naman na wala akong plano na mapabilang sa Mafia organization. Magbabayad nalang ako ipadala nyo nalang saakin ang napagkasundaan nyo na halaga. At isa pa ayaw ko makipag laban kaya ayaw tumanggap ng ano mang Pagsubok na magmumula sainyo. Tahimik ang buhay ko." Wika ni Sir Leo sa seryoso na boses
" Kung ganon! Ang Apo ni Mr Levine nalang ang nag-iisang natitirang tagapagmana ng Naiwan na posesyon ni Kailani." Wika ng isang matandang lalaki
" Bakit isa? Diba Apat sila? " Gulat na sabat ko Apat kasi kaming magkakapatid.
" Nakapag kasundoan namin na Ang Nag-iisang Babaeng Apo ni Mr Levine ang tatanggap ng Posesyon bilang Mafia heir. Maghihintay kami ng pasya niya Ano mang oras Pwede siya pumunta dito." Tugon ng isang lalaki
" Levine? Parang narinig ko na ang surname na yon? Tika Bakit mo alam na Apat ang Apo? Bakit nga ba kabilang ka sa pagpupulong na ito? Huwag mong sabihin na kabilang ka sa organization?" Nagugulohan na tanong ni Sir Leo
Binatukan ko si Leo napasinghap naman ang mga kalalakihan na kasama namin
" Siraulo! Ilang beses na akong napalaban sa bahay mo. Narinig ko sa usapan nyo ng kaibigan mo ang tungkol sa Organization. Wala akong kinalaman sa organization wala din akong Alam. Hindi ko nga Alam kung bakit nandito ako." Kunway inis na Paliwanag ko
" Gusto lang namin makakilala ang kasambahay mo. Kuya Leo nabalitaan kasi namin na magaling siya makipag laban. Ngayon ka lang kasi nagkaroon ng babae na nakapagtiyaga sa Ugali mo." Pagbibiro ni Ng tinawag nilang Kenzo.
" Ako na ang magdadala ng kabuohan listahan ng mga kailangan ibayaran ng Anak ko. Pwede na sila makauwi. " Sabat ni Tito Bray
Tumayo na si Tito Bray nagmamadali ako sa paglapit dito. Sakto nakatalikod siya ubod ng lakas ko siya sinipa sa pwet dahilan para masubsob siya. Nakarinig pa ako ng mahinang tawanan
" Sir! Ano po ang nangyayari sainyo? " Tanong ko tinulongan ko siya makabangon
" Arayyyy! " Daing ko nakatanggap ako ng malakas na batok
" Itong batang to! Sinipa mo ako! Wala kang galang sa matanda." Galit na bulyaw nito saakin
" Zyra! Bakit mo sinipa si Daddy?" Tanong ni Sir Leo
" Tahimik! " magkasabay na bulyaw namin ni Tito bray
Nanlilisik ang mga mata ko nakatitig kay Tito Bray
" Iha! Pag-usapan natin to. Magpaliwanag ako." Mahinahon na wika ni Tito Bray
" Magkakilala kayo?" Muling tanong ni Sir Leo
Naiinis na hinubad ko ang sapatos walang pag-aalinlangan na binato ko kay Sir Leo
" Sinabing tumahimik ka! Wala kang karapatan sumabat sa usapan namin ng Tatay mo. " Galit na sigaw ko
" Arayyyy! Tangna! Mananahimik na nga. Pero kailangan ko ng paliwanag sayo. " Inis na wika ni Sir Leo tumalikod siya naglakad pabalik sa upuan tumingin ako kay Tito bray na dahan-dahan nang naglalakad palayo saakin para siyang bata na tumatakas
" Niloko mo ako! Kaya ka biglang pumasok sa buhay namin magkapatid dahil sa Isa lang Mataas na opisyal ng Lihim na organization. " Galit na wika ko
" Zyra! Iha ." Wika ni Tito tumigil siya sa paglalakad Humarap saakin
" Akin na ang Marriage contact na pinirmahan ko? Hinding-hindi ko papakasalan ang Babaerong bakla na anak mo. Siraulo ka! Dinaya mo ako kaya napapirma mo ako. Akin na ang Kontrata Tito.." galit na wika ko
" Ayaw! Gusto kita para sa anak ko." Tugon ni Tito