Chapter 8 Finally Understand each other

1999 Words
Franklin ( Zyra brother ) * * " Binabati kita Frank sa wakas nagtagumpay kang ilayo dito ang Kapatid mo. Kahit paano mapapanatag kami. Aba nakakatakot biglang ka nalang hinahabol ng kung Ano-ano. Palibhasa kulang sa buwan ng pinanganak." Wika ni Aling Naning " Dininig po ng diyos ang panalangin ko. Sana po magkaroon na siya ng Asawa para naman Hindi ko na siya problemahin pa. " Nakangiti na tugon ko " Pasok po kayo Marami pang Pagkain sa loob. " Nakangiti na wika ko " Seryoso Dude? Nagpaparty ka dahil sa pag-alis ng Kapatid mo?" Hindi makapaniwala na wika ni Manuel " Hahaha! Aba 19 years ko pinagtiisan ang Ugali ng Kapatid ko. Minsan sobrang bait malambing maalaga, Nasa kanya na Ang lahat ng katangian ng isang babae pero madalas din Hindi maintindihan ang ugali. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ako hinababol ng taga. Kahit mismong si Mayor noon nangampanya hinababol niya ng walis ting-ting nakipag suntokan siya sa mga bodyguard ni Mayor dahil sa sinungaling daw. Sabi ipapaayos ang kalsada bakit hanggang ngayon lubak-lubak parin. Aba kinabukasan nagpadala si Mayor ng mag-aayos ng kalsada dito sa baryo natin. Akalain mo yon kahit na kilalang tao ang mayor natin hindi natakot. " Mahabang paliwanag ko " Hahaha! Oo naalala namin yon! Nakakahiya nga daw yon para kay Mayor. Gusto sana sampahan ng kaso kapatid mo pero ang ending sinugod nya sa bahay si Mayor Nag-sisigaw na Sinungaling at babaero. Walang Kwentang tao pinagtatampon pa ang mga larawan ni mayor na may kinalaman sa iba't ibang elligal na gawain ayon. Nanahimik nalang si Mayor." Natatawa na sabat ni Mang Regor " Minsan nakakatuwa naman si Zyra pero madalas nakakatakot. Aba araw-araw nalang may kaaway. " Wika ni Aling Marina " Dahil siguro sa gamot. Diba ng bata pa si Zyra pabalik-balik siya sa doctor dahil sa palaging may sakit. Bukod sa kulang sa buwan ng pinanganak luto pa sa gamot. Nakapaikli ng pasensya, Naaawa tuloy ako sa mapapangasawa niya balang araw. " Mahinahon na wika ni Aling Bebeng " Idagdag pa ang biglang pagpanaw ng kanilang Ina. Maraming mga bagay na hindi maintindihan. Katulad ng kawalan ng Oras ng iyong Ama sainyo magkapatid. Mabuti nalang may tiyuhin kayo na dumadalaw sainyo magkapatid. nagbibigay ng Groceries. " Sabat ni Arnold " Kung alam nyo lang kung sino si Tito Brayden. " Piping sambit ko Dahil sa Apo kami ng Dating Mafia boss kabilang kami sa bloodline ng Mafia heir. Ang nakakainis lang Hindi kami kinilala ng Aming Ama bilang Mga legitimate na anak. Pero ang mafia organization kami ni Zyra ang kinilalang legitimate na Kabilang sa Mafia bloodline at Hindi ang mga anak ni Tatay sa kanyang totoong Asawa. Nakakapagtaka lang kung bakit kami ang kinilalang legitimate Heir. Kahit ako hindi ko maintindihan, Anak lang naman kami sa Labas, Alam ng lahat na kabit si Nanay Hindi namin kinatutuwa na bunga kami ng pagtataksil. * * Zyra * * " Sir nakahanda na po ang pag pagkain nyo." Magalang na tanong ko Sinamaan ako ng tingin ni Sir Leo Nagpipigil ako sa pagtawa pababa sila ng hagdan may kasama siyang modelo galing siya kagabi sa club nag-uwi ng babae. Babaerong bakla " Good morning Zyra! Linisin mo ang Kwarto ko. " Walang Emosyon utos ni Sir Leo " Good morning ma'am. " Nakangiti na bati ko sa Kasama ni Sir na babae " Ipagtempla mo ako ng kape." Mataray na utos ng babae Bumalik ako sa kusina nagtimpla ako ng dalawang tasa ng kape dinila ko sa terrace kung saan nakahanda ang Pagkain na hinanda ko. nakalingkis na parang sawa ang babae " I don't like this. " Inis na wika ng babae tumaas ang kilay ko " Naku Sir! Malas mo kung yan ang pamangasawa mo. Arte-arte pokpok naman." Walang preno na sambit ko " What? How dare you talk like that. " Galit na wika ng babae " Sige na linisin mo maigi ang Kwarto ko. palitan mo lahat ng dapat palitan. " Baliwala na utos ni Sir Leo nakatutok siya sa cellphone pangiti-ngiti pa " Beh! Pangit." Parang bata na sambit ko sa babae ni Sir Leo " Hey! That's enough Laila." Bulyaw ni Sir Leo Tumayo ang babae simampal si Sir Leo " Hahaha Sir Leo Suzette pangalan niya." Natatawa na Sigaw ko Sabay lakad papasok sa bahay Nagsisigaw ang babae napatawa nalang ako. Sa ilang Linggo na pagtratrabaho ko Kay Sir Leo. Sa awa ng diyos magkasundo narin kami. Hindi ko na mabilang kung ilang babae naba ang dinala nya dito. Nagpapalit ako ng bedsheets ng pumasok si Sir Leo napapakamot sa Ulo " Sakit manampal ng babaeng yon! Sumama ka saakin mamaya may pupuntahan tayo. Sabi ni Daddy isama daw kita." Wika ni Sir Leo " Bakit kasi paiba-iba ka ng babae. Bakit Hindi ka nalang mag-asawa. " Wika ko Parang magkaibigan lang kami kung mag-usap " Nakakasawa na nga sila. Walang masarap sakanila, Wala akong pananabik na nararamdaman. May isang babae na gumugulo sa isip ko. kahit sa kama pangalan niya ang lumalabas sa bibig ko." Wika ni Sir Leo " Naku inlove kana Sir. Sa awa ng diyos may bumihag sa puso mo. Kaya habang binata kapa mambabae kana. Dapat pag may Asawa kana sa Asawa mo na dapat nakatuon ang buong atensyon mo." Wika ko habang naglalagay ng punda ng unan " Zyra! May boyfriend kanaba?" Biglang tanong ni Sir Leo " NBSB ako Sir. Sa Ugali ko walang nagtangka manligaw saakin. Sabi ng kaibigan ng Kuya ko nasaakin na daw ang katangian ng isang babae. Marunong sa gawain bahay, Hindi maarte, Madiskarte, Maganda, Sexy, Pero dahil sa madali ako magalit at nanakit ako paggalit. Walang naglakas ng loob na ligawan ako. " Mahabang paliwanag ko Tumingin ako kay Sir Leo ngumiti ako " Kung sa bagay kahit ako hindi ko gugustohin na maging Asawa ka. Mamatay ako ng maaga sayo." Tugon niya Ngumiti ako ng ubod ng Tamis para itago ang kung anong sakit na tumarak sa dibdib ko. Hindi ko talaga alam kung bakit nasaktan ako sa sinabi niya. " Walang pag-asang magkaroon ako ng Boyfriend. Pangit kasi talaga ugali ko. Maikli ang pasensya ko. Sa ngayon pinipilit ko baguhin ang ugali ko. Gusto ko habaan ang pasensya ko. Hindi na ako bata wala na ako sa probinsya. Wala nang manglalait at magmamaliit saakin. Nandito na ako sa manila. Kung magkakaroon ako ng pagkakataon baguhin ang buhay ko. Unang gagawin ko magpapa-therapy ako. Nakaukit sa isip ko ang lahat ng panlalait at pagmamaliit ng mga tao na nakasalamuha ko Simula ng pumanaw si Nanay. Yon ang dahilan kung bakit Mabilis ako magalit, Gusto ko ipagtanggol lagi ang sarili ko. Ayaw ko na umiyak sa isang tabi dahil lang sa wala akong Nanay. at hindi ako mahal ng Tatay ko. Malaking bagay sa isang bata ang magkaroon ng kompletong pamilya. Ang maramdaman ang pagmamahal ng magulang. Pagmamahal na hindi ko naramdaman sa Tatay ko. Pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko." " Bakit natahimik ka?" Tanong ni Sir Leo Napatigil ako sa malalim na pag-iisip " Hindi ko pangarap magkaroon ng Kasintahan, Ayaw ko magkaroon ng Asawa, Hinding-hindi ako papayag na maging Alipin ng pag-ibig. Ang pagtataksil ngayon nagiging normal nalang. Ang kawawa ang mga bata na madadamay sa kasalanan ng mga magulang. Kung ikaw nga binata parang damit kung magpalit ng babae. Kawawa naman ang future Wife mo. Araw-araw masasaktan siya dahil sa pambabae mo. Hindi ko pinagarap magkaroon ng Asawa. Gusto ko tumanda mag-isa." Nakangiti na wika ko " Siguro hindi ko pa naghahanap ang babaeng nakalaan saakin kaya patuloy parin ako sa paghahanap. Pero sa oras na may Asawa na ako hindi na ako titingin sa iba." Seryoso na tugon ni Sir Leo " Naku Sir! Dami nang nagsabi niyan. Sinabi ni Tatay kay Nanay yan. Pero ang ending hanggang sa namatay si Nanay nanatiling kabit. " Pabiro na tugon ko Hindi na siya makasagot may tumawag na sakanya Nagpatuloy ako sa ginagawa ko lumabas ako ng Kwarto ni Sir Leo na Dala-dala ang lahat ng labahan. Bumalik din agad ako para maglinis ng sahig. May Use condom akong nakuha sa sahig. Nandidiri na nilinis ko yon " Zyra! Magbihis ka Aalis tayo. " Utos ni Sir Leo " Sige po." Tugon ko Naglakad ako palabas ng Kwarto dala ko ang plastic na may lamang basura. Pagkalipas ng Ilan sandali nakasakay na ako sa Sasakyan ni Sir Leo napapailing ako sa haba ng sinasabi niya. " Isang pagkakamali mo lang mamatay tayo doon. Huwag kang magsasalita at huwag kang pupunta kung saan-saan. Hindi ko alam kung bakit gusto ni Daddy isama kita. Alam naman niyang delikado ang lugar na yon. Makinig ka saakin Zyra para sa kaligtasan mo ang sinasabi ko. Pag nakita mo si Daddy huwag kang titig sa kanyang mga mata. Yumuko ka lang sa tuwing kinakausap ka. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo pero nakakatakot magalit ang Daddy ko. " Mahabang wika ni Sir Leo " Pangako Hindi ako Aalis sa tabi mo. Hindi naman ako siraulo para ipahiya ka. Pangako hindi ako gagawa ng ikapapahiya at Ikapapahamak mo. " Magalang na tugon ko " Mabuti naman kung ganon, Sa oras na hindi ka tumupad sa usapan natin. Papasurahan kita sa parusang hindi mo makakalimutan . " Mariing tugon ni Sir Leo Tumahimik ako malalim ang iniisip ko. Simula pumasok ako bilang kasambahay wala akong naging problema. Nagpalit din ako ng Sim card para hindi ako makontack ni Tatay. Bahala na si Kuya kay Tatay. Nagbago na ako mahaba na ang pasensya ko. Kahit paano hindi ko na hinahabol ng kung Ano-ano si Sir Leo. " Sir bakit hindi ka kumuha ng maraming kasambahay, Driver, Laki-laki ng bahay mo eh. Hindi ko kayang linisin lahat. " Nakasimangot na tanong ko " Ayaw ko ng maraming tao sa bahay, Madalas lumalayas ang kasambahay ko dahil sa takot saakin. " Tugon ni Sir Leo " Bakit naman kasi nagwawala ka Minsan. Aba nakailang beses mo na ako pinaulanan ng bala. Dapat taasan mo ang sahod ko. Hindi sapat ang sampong libo pati Ugali mo kailangan ko pagtiyagaan." Mahabang daldal ko " Natalo ako sa bedding dahil lang sa nalasing ako. Gustong-gusto ko talaga ang lupain na yon. Kaso natalo ako ng kalaban kung kompanya. Kaya nagwawala ako sa galit. Gustong-gusto ko sana patayuan ng villa ang lupain na yon para sa future Wife ko. Pero dahil sa natalo ako Ayon nagwawala ako sa galit. Bakit nga ba hindi ka nagtatakot saakin?" Mahabang paliwanag ni Sir Leo " Hirap maging mayaman! Daming problema, Nasakanila na ang lahat hindi pa makontento. Bakit Hindi mo nalang Enjoy ang buhay na meron ka. Minsan nakakalimutan natin ang mga bagay na mahalaga. Iniisip natin ang Pera, Kayamanan, Ari-arian. Sempling pangarap lang ang meron ako." Nakangiti na tugon ko " Ano ang pangarap mo?" Tanong ni Sir Leo " Makapag tapos ng pag-aaral highschool graduate lang ako. Pagkatapos magtrabaho ako abroad mag-iipon ng pera, Magpatayo ng Maliit na bahay magbubukas ng café. Mamumuhay ng mag-isa. Sa Ugali na meron ako tanggap ko sa sarili ko Walang siraulo na magkakagusto saakin. Dipolar ako Mahirap ako intendihin. " Nakangiti na tugon ko " Zyra. Kunin mo lahat ng Documents mo sa school pag-aaralin kita. Tapos ipapa therapy din kita. Napansin ko kasi ang pagbabago ng ugali mo dala ng childhood truma mo. " Seryoso na wika ni Sir Leo Napalingon ako kay Sir Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kahit na ilang beses ko na siya hinababol ng kung Ano-ano nagagawa parin niya akong pagtiyagaan. " Talaga Sir? Pag-aaralin mo ako? Pangako magpapakabait na ako Hindi na kita babatukan." Masaya na wika ko " Alam mo para akong bumalik sa pagkabata simula ng makilala kita. Nawala ang pagiging malamig na pakikitungo ko sa iba. Naramdaman ko na pankaraniwang tao ako pag ikaw kasama ko." Nakangiti na tugon ni Sir " Bakit Sir Alien kaba? Hindi kaba normal na tao? O baka Aswang ka, Naku Adik ka." Gulat na tanong ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD