Chapter 7 Two crazy people together

1994 Words
Leo * * " Napapailing ako nakatanaw ako sa siraulong kasambahay ko panay ang buntong hininga habang naglalakad palabas ng gate nakasunod ako sakanya sakay ako ng sasakyan ko. " Hindi manlang siya nakiusap na huwag palayasin. " Inis na kausap ko sa sarili ko Hindi ko Alam kung bakit naiinis ako kay Zyra. Pero hinahanap ko naman siya sa tuwing hindi ko nakikita. Naiinis ako sakanya dahil sumundo kasi sakanya kahapon hindi ko kilala kung sino dahil Hindi lumabas ng sasakyan. Napanood ko lang sa CCTV footage. Nakasunod parin ako gusto ko sana turuan siya ng leksyon para mabawasan ang pagiging basag Ulo nya. Balak ko kasi sana dalhin siya kahit saan ako magpunta. Pero dahil sa bigla nalang nagwawala sa galit mapapahiya lang ako sa mga tao na nakakakilala saakin. Hindi ko naman siya pwede pabayaan. Nakiusap si Yaya Aurora na tulongan ko ang anak ng kaibigan niya na makapag tapos ng pag-aaral dahil sayang naman daw kong hahayaan lang sa palayan sa kakatrabaho Kapalit ng kakarampot na Pera. Sa totoo lang hindi naman talaga kasambahay ang dapat papasukan Ni Zyra ayaw lang ipaalam ni Yaya Aurora na tutulongan na pag-aralin ang dalaga dahil tatanggi daw ito. Hindi daw tumatanggap ng ano mang tulong ang magkapatid kahit na madalas daw walang makain. " Bakit kasi pumayag ako sa pakiusap ni Yaya? " Tanong ko Nakasunod lang ako huminto siya sa Remittance money transfer. Umabot ng 15 ni sa loob may kausap pa siya sa Cellphone huminto siya sa tabi ng kotse ko may kausap sa cellphone. Binaba ko ng kaunti ang salamin ng sasakyan para marinig ko ang sinasabi niya sa kausap " Kunin mo nalang Kuya mamayang lunchtime. Kuya mag-aral ka mabuti sa susunod na sahod ko ipapadala ko lahat para may allowance ka. Scholar ka naman kaya allowance lang ang Kailangan mo. Kuya isang taon nalang makakapag tapos ka narin. Tapos ako naman ang mag-aaral. Kuya huwag kana tatanggap ng tulong kay Tatay. Ako na bahala sa panggastos mo basta mag-aral ka mabuti. Huwag kang mag-alala hindi ko pababayaan ang sarili ko. Mabait ang Boss ko nakilala ko narin parents niya. Paalam kuya basta mag-iingat ka lagi." Mahabang wika nito nagpupunas pa siya ng luha " Kaya ko to! Patutunayan ko kay Tatay na hindi namin sila kailangan. Balang araw makakapag tapos din ako. Walang sino man ang manglalait saamin. Hinding-hindi ako papayag na muling maapi. Lalabanan ko kahit sino. Okay lang ako Nanay. " Umiiyak na sambit nito Nakayuko siya na naglalakad sa tabing kalsada walang pakialam sa mga nakakasalubong. patuloy lang siya sa pag-iyak. " Sakabila ng tapang na pinapakita niya may malungkot pala siyang pinagdadaanan. Bakit nga ba mabilis siya magalit? Lagi siyang nakahanda makipag p*****n. Hindi ko napansin na may problema pala siyang dinadala." Napahinto ako ng wala sa oras napansin ko na dinampot niya ang bato sa daan Humarap siya nanlilisik ang mga mata agad ko inaatras ang sasakyan pero napahinto ako dahil may motor pala sa likuran ng sasakyan ko Binaba ko ang salamin ng sasakyan napamura ako walang pag-aalinlangan na binato niya ang hawak niyang bato. Tumama yon sa salamin sa harapan ng sasakyan ko. May narinig pa akong sigawan. " Hey! Hey sandali! Kakausapin lang sana kita." Taranta na sigaw ko Natigil ang pagbabato niya sa sasakyan ko " Sir! Hindi mo pag-aari ang kalsada kaya huwag mo ako sundan. " Galit na wika nito Napapakamot ako sa batok sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng mas matigas pa ang Ulo kaysa mommy ko. " Sakay na! Uuwi na tayo Dagdagan ko sahod mo." Wika ko " Talaga? " Masaya na tugon nito nakahinga ako ng malalim para akong nabunotan ng tinik " Sigurado ako hindi siya basta-bastang probinsyana lang. Gusto ko siya gawin personal bodyguard ko. Nakita ko ng isang araw kung paano niya harapin ang mga armadong kalalakihan sa harapan ng bahay. Kung matatagumpay ako paamohin siya siguro makakaligtas ako sa lahat ng pagsubok ng Mafia Organization. Magpapadala sila ng mga taong papatay saakin. Ayaw ko tanggapin ang mafia hair. Ganda ng buhay ko tapos bigla nila akong ipapatawag manigas sila. " Piping sambit ko " Pasok na mag-usap tayo sa Bahay. " Mahinahon na wika ko Pumasok siya naupo sa tabi ko inayos niya ang seatbelt " Pambihira! Para akong may Alagang Bata. " Piping sambit ko Pagdating sa bahay inilapag ko sa center table ang kontrata niya sa Loob ng apat na taon. Kalakip ang pag-papaaral ko sakanya. " Baguhin moto! Dalawang taon ang ilagay mo. Dalawang taon lang ang Kailangan ko. Sa loob ng Dalawang taon maninilbihan ako sayo bilang kasambahay. Day off ko tuwing sabado balik ko linggo. " Seryoso na Wika niya " Isa lang ang gusto kong gawin mo. Bawasan mo yang pagiging isip bata mo. Lalo na kung sa harapan tayo ng maraming tao. Isa akong business man. Respitado ako at ang angkan namin. Kaya huwag mo ako ipapahiya Zyra." Mariing wika ko " Alam din ba ng angkan mo na Bakla ka at nagpapatira sa tumbong?" Nakangisi na Tanong nito " Whattttt?" Gulat na Tanong ko Napaisip ako inakala niya na may namagitan saamin ng mga kaibigan ko. pambihira ang babaeng to dumi ng isip Huminga ako ng malalim bago nagsalita hindi ko alam kung bakit kailangan ko magpaliwanag sa kasambahay ko. Hindi kasi kasambahay ang trato ko kay Zyra Hindi rin Boss ang trato niya saakin Para saakin para lang kaming magkaibigan na away bati " May tumambang saakin kagabi. Natamaan ako sa pisngi ng pwet ko. Hindi ako pwede pumunta sa hospital nakakahiya. Kaya pinatanggal ako sa dalawa kung kaibigan, Problema ko nga kung paano lilinisin ang sugat." Kalmado na Paliwanag ko Napatakip ako ng tainga Bigla kasing tumawa si Zyra namumula siya sa kakatawa nakahawak pa sa tiyan niya " Isa! Zyra hindi nakakatuwa ang pagtawa mo. Mabuti pa kumain kana tapos linisin mo sugat ko. " Galit na utos ko " Hahaha! Sa dinami-dami ng tatamaan sa pwet pa. Hahaha! Seryoso ka ipapakita mo saakin ang pwet mo. Pwede pasilip din ang ugat diyan sa harapan mo?" Namumula sa kakatawa na wika niya " Zyra! Alalahanin mo Boss mo ako. " Naiinis na wika ko " Pasensya na Boss! Sige na tumuwad kana titirahin na kita." Pagbibiro niya Dinampot ko ang throw pillow hinampas ko sa siraulong kasambahay ko. " Arayyyy! Hahaha. Boss tuwad na pasilip din ng ugat mo. Hindi pa ako nakakakita niyan. " Pagbibiro ni Zyra Naiinis na tumayo ako mas lalong lumakas ang tawa ni Zyra ng maglakad ako ng Paika-ika bukod kasi sa sugat sa pwet ko masakit din ang balakang ko. Mahigit Sampong katao ang mano-mano kong kasuntukan kagabi. Nang mapagtanto nila na hindi nila ako kaya ng mano-mano pinagbabaril nila ako. Napatakbo ako ng wala sa Oras. " Makakaganti din ako sainyong lahat. " Inis na wika ko Pagdating sa kwarto ko dumapa ako. Napapangiti ako sa sarili ko. Bakit nga ba nagiging isip bata ako sa tuwing si Zyra ang kaharap ko. Siya lang kasi ang nag-iisang tao na kaya ako batukan. Kaya ako habulin ng hanger, Samantala pag ibang tao kaharap ko titig ko palang nanginig na sila sa takot. Inabot ko ang phone ko tunog ng tunog " Mr Shoun. Naghihintay na sila sa conference room. " Bungad na wika ng personal assistant ko " Mr Haya! Ikaw na ang bahala sakanila. Mawawala ako ng Isang buwan. Sige na." Tugon ko Sabay patay ng tawag Kailangan ko pumunta sa Opisina ng mafia organization. Ano ba ang napagkasundaan ng mga siraulo na yon? Isa si Daddy sa Gumagawa at nagpapatupad ng batas ng mafia organization. Hindi ko alam kung ano kalokohan na naisip nila ngayon. Alam naman nilang hindi ko tatanggapin ang magiging Mafia boss. Gustong-gusto ko talaga sakalin si Kailani nakakainis ang babaeng yon. Dapat tinanggap nalang niya ang pagiging Lady boss total marami naman siyang Tauhan. " Sir! Ibaba mo na ang short mo isama mo na ang Brief mo. Hehe pasilip din. " Excited na wika ni Zyra " What the heck? Dalaga kaba talaga? Hindi kaba nahihiya?" Inis na tanong ko " Asus! 21st century na ngayon, Nakakahiya kung pokpok ako. Aba makikisilip lang naman. " Tugon ni Zyra Nakakaloko na ngisi ang lumabas sa labi ko Tumihaya ako sakanya akmang ibaba ko ang short ko nagtitili ang dalaga sabay takbo palabas " Oh my gosh! Oh My Gosh! Siraulo talaga siya? Ipapasilip talaga niya? " Patili na sambit nito Tumawa ako ngayon ko lang napagtanto na isip bata talaga ang kasambahay ko. may Bipolar disorder ata siya. Kanina lang tapang-tapang ngayon naman Pilya at nagbibiro. " Pag ito napangasawa ko mababaliw ako. Akalain mo magkakaroon ka ng problema habang buhay. Na kay Zyra na ata ang ugali ng isang babae. Hindi mo maintindihan ang ugali. Pambihira ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kalaking problema. " Naiiling na sambit ko " Doc! Puntahan mo ako. Ipapalinis ko lang ang sugat ko. " Bungad na utos ko sa private doctor ko Hindi ko na hinintay na sumagot ang kausap ko pinatayan ko na ng cellphone Dumapa ulit ako pinikit ko ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng antok pinili ko ang matulog. * * Zyra * * " Po? Bakit? Naku Tito nakapag pasya na ako. Hindi na ako makikialam sa organization na sinasabi mo. Two years ako magtrabaho tapos babalik ako sa probinsya. Mag-aaral ako at pagkatapos magtratrabaho ako abroad. Mag-iipon ako ng pera tapos maghahanap ako ng Afam na Asawa. Tapos maninirahan kami sa probinsya. Sempling buhay lang ang Gusto ko." Mahabang paliwanag ko sa kausap ko Cellphone " Nakalimutan mo ata na may fiance kana Zyra. May pinirmahan kang marriage contract. Ikakasal ka sa anak ko pagkalipas ng Dalawang taon. " Pagalit na tugon ni Tito Bray sa kabilang linya " Aba! Lakas ng tama mo tito! Nakadrugs kaba? Anong Marriage contact pinagsasabi mo? Wala akong maalala. May anak kaba? Akala ko ba Lalaki din hanap mo? Mahirap talaga pag matanda na ulianin na. Huwag po kayo mag-alala Tito aalagaan ko kayo pagtanda nyo. Naintindihan ko po kung nababaliw kana dala lang yan ng pagtanda. Sige Tito lilinisin ko pa pwet ng Boss ko. Pinatuwad kasi kagabi ng dalawang lalaki Ayan tuloy namamaga tumbok nya. Kawawang bakla." Mahabang wika ko " Zyra Ma----- Pinatayan ko na ng tawag si Tito nakakaloko na ngisi ang namutawi sa labi ko. Masilip nga kung maputi din ba Pwet si Sir. Maglakad ako paakyat sa hagdan Pagdating sa tapat ng pinto dahan-dahan ko pinihit ang doorknob dahan-dahan ko binuksan Dahan-dahan ako sa paglalakad palapit. Napatakip ako ng bibig humihilik siya. Huminga ako ng malalim binuksan ko ang Medical kids. Dahan-dahan ko ginupit ang Short at Brief ni Sir Leo. Napangiwi ako dumudugo ang sugat sa kaliwang pisngi ng pwet nya dahan-dahan ko Tinanggal ang Gasa sa sugat. " Kamalas mo naman. Sayang ang pwet mo kinis kinis pa naman. Sayang nakadapa ka pwet lang ang nakikita ko. Hindi ko rin masilip kung Malaki Alaga mo. Pambihira ka naman kasi Tanga mo naman sa pwet ka pa tinamaan. Naku tumuwad ka siguro. Hayst Tanga naman ng Crush ko. " Kausap ko dito habang dahan-dahan nililinis ang sugat. " WAAAAAAH! Ouch ouch ouch. It's hurts." Sigaw nito akmang tatayo pero nakaupo ako sa likod niya kaya hindi makabangon " Arte mo naman! Matulog kana ulit. Alcohol lang binuhos ko makasigaw ka akala mo naman! Hayst sayang ka talaga crush pa naman kita kaso hindi na ngayon bukod sa isip bata ka Siraulo kapa. Hindi lang yon tanga ka pa. Alam mong binabaril kana tutuwad kapa ayan tuloy nakatamaan ka ng Bala sa pwet." Paninirmon ko Kay Sir Leo " Tangna! Bakit mo binuhusan ng alcohol ang sugat ko. Sakitttt! Mapapatay talaga kitang Siraulo ka. Kung pwede lang talaga kita patayin ginawa ko na. Kaso magtatampo saakin ang Yaya Aurora ko." Galit na Sigaw ni Sir Leo " Hayst! Manahimik ka nga. " Inis na bulyaw ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD