Zyra
*
*
" Oh My Gosh! Ikaw ba ang future daughter in-law ko?" Masaya na tanong ng may Edad na babae
Sa tingin ko 50 plus na siya pero Maganda at mukhang 30plus lang
Blonde na kulot ang buhok niya nagmamadali sa pagpasok sa kwarto ko agad ako niyakap
" Huh? Sandali lang po! Sino po kayo?" Nagtataka na tanong ko
Nagpunas pa ako ng muta sa mata ko. Inalalayan ako ng babae paupo
" Mommy! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Kasambahay ko siya. Pangit naman ng gusto mo para saakin. Tingnan mo nga ang gaspang ng kamay niya. " Initable na Wika ni Sir Leo
" Ikaw po pala ang Ina ni Sir Leo. Mawalang galang na po pwede po ba magtanong?" Kalmado na tanong ko habang nakangiti
" Sige lang iha. Ganda mo naman! Pagkatapos mo ng gawain bahay samahan mo ako sa mall. Ako ang bahala sayo Matatanggal lahat ng hindi kaaya-aya sa katawan mo. " Nakangiti na wika ng Mommy ni Sir Leo
" Pwede ko po bang batukan ang anak nyo? Makalait wagas bakla naman." Nagpipigil sa galit na wika ko
" Hahaha! Sige! Pwede mo siyang saktan hanggat gusto mo huwag mo lang lulumpohin at papatayin." Pabiro na tugon ng Ginang patuloy parin siya sa pagtawa Akala siguro niya nagbibiro lang ako
Nagmamadali ako bumaba sa kama dinampot ko ang hanger sa ibabaw ng side table ng ginaan ko.
" Pangit pala ha. Papakita ko sayo kung gaano kapangit ang ugali ko. Hindi ka marunong Rumespeto sa babae. " Nagpipigil sa galit na wika ko
" Tika! Mommy Help. " Napapaatras na wika ni Sir Leo
Hinampas ko siya pero mabilis siya umilag hinababol ko siya. Sinubukan ko bigyan ng flying kick pero nakakailag siya.
" Tangna! Mommy dalhin mo na to sa bahay mo. Mag hire nalang ako ng ibang kasambahay." Galit na wika ni Sir Leo
" Hahaha! Sweet nyo naman. Iha tama na yan. Mag-almusal kana Aalis tayo." Natatawa na wika ng Mommy ni Sir Leo
" Pasensya na po Ma'am! Huwag po kayo mag-alala gagawin ko ang lahat para tumino ang anak nyo." Hingal na wika ko
" First time ko nakipag laban sa babae kasambahay ko pa. " Galit na wika ni Sir Leo
" Hindi nakakatuwa ang pagsasalita mo ng masama sa ibang tao. Kahit gaano pa kapangit ang kaharap mo matuto kang rumespeto. Ipagpasalamat mo dahil maganda Mommy mo kaya gwapo ka pero huwag mo ipagyabang yan kagwapohan. Walang silbi yang p*********i mo kung lalaki din hanap mo. Bakla sige patira kapa sa pwet para mawarak na yan ng tuloyan." Galit na wika ko
" Hahaha! Hahaha! Hahaha. " tawa ng tawa ang mommy ni Sir Leo nakahawak pa siya sa tiyan niya naluluha sa kakatawa
Nagtataka ako kung bakit tawa ng tawa ang mommy ni Sir. Hindi manlang nagalit saakin
Napanganga naman si Sir Leo sa mga narinig
" Bakla pala! Humanda ka saakin Sisiguradohin ko pagkalipas ng isang taon Isisilang mo ang anak ko. Patutunayan ko sayo na lalaki ako." Nanggagalaiti na wika nito
" Ngayon lang kita nakita Leo na umakto na isip bata. Aakalain mo nakikipag away ka sa kasambahay mo. Bakit nga pala mainit ang dugo mo kay Zyra? May gusto ka sakanya Ano?" Tanong ng isang magandang babae
Napanganga ako wala sa sarili naglakad palapit sa babae. Nakakunot noo naman ito ng haplosin ko ang pisngi nito
" Grabe ang ganda mo naman! Kaso Bakit malungkot ka? Puno ng kalungkutan ang mga mata mo. " Namamangha na wika ko
" Oh My Gosh! Mommy! Gusto ko siya para sa kakambal ko. Para siyang angel. Sabi niya maganda ako. Cleo ang pangalan ko kakambal ako ni Leo. " Masaya na pakilala saakin
Napangiwi ako nandidiri na tumingin kay Sir Leo
Nakaramdam ako ng pagbaliktad ng siikmura ko. Imagine ko ang hubot-buhad na katawan ni Sir Leo Habang nakatuwad ginagamit ng lalaki ang tumbong niya
" Dalhin nyo ang babaeng yan! Mapapatay ko ng wala sa oras ng gagong yan." Galit na bulyaw ni Sir Leo
" Tingnan mo Mommy nandidiri siya saakin, Nasusuka pa ngayon lang ako nakakilala ng babaeng nandidiri saakin. " Hindi makapaniwala na sumbong ni Sir Leo sa mommy niya para siyang bata na nagsusumbong sa Mommy niya
" Iha! Halika ipagluluto kita ng almusal. Maligo ka muna magluluto lang ako. " Magiliw na wika ng Mommy ni Sir Leo
" Mommmmm! I am your Son." Inis na wika ni Sir Leo
Nilabas ko ang dila ko
" Beh! Pangit na bakla." Pang-aasar ko
" Hehe pasensya na po! Nasobrahan na naman ata Ako! Ma'am huwag nyo po ako tanggalin sa trabaho. two years lang po ang kailangan ko." Wika ko
" Two years bakit naman?" Tanong ng ginang
" Isang taon nalang makakapag tapos na ang kuya ko. Kailangan ko suportahan ang pag-aaral ng Kapatid ko. Tapos mag-iipon ako sa loob ng isang taon mag-aaral po ako. Kaya kailangan ko ng dalawang taon na pag-iipon." Mahabang paliwanag ko
" Pag-aaralin kita! Sa Isang kundisyon." Wika ni Sir Leo
Napalingon ako kay Sir Leo
" Kung pag-aaralin niya ako malaking tulong yon saamin. Pero hindi tama na paaralin ako ng ibang tao na walang Kapalit. Ayaw ko magkaroon ng utang na loob sa isang tao. Dahil ayaw ko magkaroon sila ng karapatan na makapasok sa buhay ko." Piping sambit ko
" No thanks." Baliwala na tugon ko
" Aba! Siraulo to ah! Hindi mo ba alam ang kasambahay dapat sumusunod sa Amo? Kung palayasin kita. Sumunod ka saakin sa Opisina ko. " Galit na wika ni Sir Leo
" Mommy! Cleo Lumayas kayo sa pamamahay ko. Siraulo na nga kasambahay ko. Dumagdag pa kayo, At isa pa Hindi ko siya kasintahan, Kung pwede ko lang siya palayasin ginawa ko na. Pero nagtatampo si Yaya saakin pag ginawa ko yon. " Naiinis na wika ni Sir Leo
Kahit na Gustong-gusto ko na sugurin si Sir Leo pinigilan ko ang sarili ko. Wala talaga ako alam Pagdating sa mga kaugalian tungkol sa pagiging kasambahay. Ayaw ko kasi ng inuutusan at sinisigawan. Limang taong gulang lang ako ng mawalan Ina. paminsan-minsan ko lang nakikita si Tatay nakakausap lang namin siya sa cellphone . Simula ng pumanaw si Nanay si Tito Bray ang nagsilbing guro namin. Bukod sa groceries hindi kami tinatanggap ang pera na binibigay niya. Ayaw namin magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. Nagsumikap si Kuya para mabuhay kami sa araw-araw.
" Pasensya na po ma'am! Sir Leo Lumaki kasi ako na Si Kuya lang ang tumayong Ina at Ama ko kaya magaspang ang ugali ko. Sa Lugar namin araw-araw may kaaway ako. Lahat ata ng kaedad ko doon napatawag na ako sa baranggay. Hindi ko alam kung paano ba ang tamang asal sa pagiging kasambahay. " Seryoso na wika ko
Hindi sila nakaimik halatang nagulat sila sa narinig
" Sige po Sir Leo! Aayusin ko lang mga gamit ko Aalis nalang po ako. " Wika ko
Naglakad na ako papasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang lumang bag ko. Inayos ko ang mga lumang gamit ko habang tinutupi ko ang mga gamit ko. Bumabalik sa alaala ko ang mga panlalait ng mga tao sa paligid ko noong bata pa ako.
" Hindi ka Mahal ng Tatay mo. " Sigaw ng isang batang babae
" Mahal ako ng Tatay ko. Nang nakaraan taon binisita niya kami. Isang oras siya nanatili sa bahay. " Naiiyak na tugon ko
" Malandi ang Nanay mo sabi ng Mama ko kabit ang Nanay mo. " Sigaw naman ng isang batang lalaki
Dinampot ko ang bato pinagbabato ko sila nagtakbuhan sila dahilan para mapasugod saakin ang mga magulang nila.
" Hoy! Ikaw na bata ka. Salot ka sa baryo nato. Dapat sainyo magkapatid pinapalayas. Palibhasa wala nagmamahal sayo. Sigurado paglaki mo magiging kabit kadin katulad ng Nanay mong walang silbi." Sigaw ng ina ng nakaaway ko
" Paano nga ba maging mabuting tao? Paano ba ang tamang pagkilos? Bakit lahat na nakilala ko kinaiinisan ako? Sigurado dahil sa masama ang ugali ko. " Malungkot na kausap ko sa sarili ko
" Sampong libo yan! Makakaalis kana." Walang Emosyon wika ni Sir Leo paglabas ko ng Kwarto
" Mommy! Huwag mong subukan makialam sa pasya ko . " Pagbabanta ni Sir Leo kay ma'am
" Naku! Kawawa naman ang batang yan. " Naiiling na wika ni Ma'am
" Kawawa? Kawawa ang taong tatanggap sakanya. Hindi niya alam ang tamang asal. Alam mo ba ilang araw palang na pagsasama namin pero naubos na ng babaeng yan ang pasensya ko. Kaunti nalang ang pasensya ko sakanya pasasabugin ko na Ulo ng Siraulo na yan." Galit na wika ni Sir Leo
" Aalis na kami Leo. Bahala ka sa buhay mo. Good luck siya lang naman ang--- dibali nalang. " Wika ni Cleo
" Tara Mommy! Hindi tayo pwede makialam kay Leo 30 na siya alam na niya ang kanyang ginagawa. " Wika ni Cleo
Nagmamadali na sila sa paglabas ng bahay nakatayo ako sa labas ng pinto ng Kwarto ko
" Talagang hindi ako kami Mahal ni Tatay. Nakatira siya sa mansion kasama ang kanyang pamilya, Pero kami ni Kuya nakatira sa butas-butas na bahay. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong sa kuya ko. Gusto ko lang naman magkaroon ng maayos na buhay. Pero paano nga ba maging mabuting tao para matanggap ako ng ibang tao. Bakit ba kasi maikli ang pasensya ko. Dahil siguro sa lumaki ako na puro panlalait pang-aalipusta ng mga tao sa baryo namin. Kaya natuto akong ipagtanggol ang sarili ko. " Piping sambit ko
Huminga ako ng malalim naglakad ako pababa ng hagdan Huminto ako sa harapan ng pinto kung nasaan nakatayo si Sir Leo
Yumuko ako sa harapan niya bago nagsalita
" Maraming salamat po sa pagtanggap saakin. Maraming salamat po sa pera na bigay nyo. malaking tulong ito sa kuya ko. Pasensya na po hindi ko alam kung paano maging mabuting tao. Lumaki ako sa paglalaliit at mga magsasakit na salita ng mga tao sa baryo namin kaya natuto ako ipagtanggol ang sarili ko dahilan para maging maikli ang pasensya ko. Salamat po ulit." Mahabang wika ko habang nakayuko sa harapan ni Sir Leo
Nakayuko ako na naglakad palabas ng Gate
Nilabas ko ang dikeypad na cellphone ko habang naglalakad ako tinatawagan ko si Kuya
" Kumusta ka Bunso?" Masaya na tanong ni Kuya
" Okay lang ako Kuya. Binigyan ako ng Boss ko ng sampong libo natuwa kasi siya saakin dahil masarap ako magluto. Ipapadala ko sayo ang 7k para may gastos ka. Magpapadala ulit ako pagsahod ko. Bumili ka ng gamit sa school, Mag-aral ka mabuti kuya. Ako na bahala sayo. May extra income ako dito kaya makakapag aral ka ng mabuti." Masigla na wika ko
" Talaga? Basta ang bilin ko sayo mahabaan mo ang pasensya mo. Sya nga pala Bakit sabi ni Tito Bray ililipat daw ako ng school at bahay? Tatanggapin ko ba ang bagong bahay sa kabilang baryo na bigay niya? Mas malapit sa school yon lalakarin ko lang papasok." Wika ni Kuya bakas ang saya sa kanyang boses
" Kasi kuya! Hindi Tayo mahal ni Tatay. Dinala ako kahapon ni Tito Bray sa harapan ng bahay nila Tatay masaya sila ng kanyang pamilya nakatira siya sa mansion. Kuya putulin mo na ang Lahat ng koniksyon mo sakanya. Huwag kang mag-alala magtulongan nalang tayo magiging okay din ang lahat." Malungkot na wika ko
" Sige! Ikaw lang naman ang inaalala ko. Alam ko sabik ka sa pagmamahal ng isang Ama. Kaya kahit na labag sa loob ko tinatanggap ko ang tulong ni Tatay. Sige Mag-iingat ka pupunta na kasi ako sa palayan mag-aani kami ng palay sa kabilang baryo. Text mo nalang mamaya ang reference number ng padala mo." Wika ni Kuya
Nawala na siya sa kabilang linya
" Saan ako pupunta?" Tanong ko sa sarili ko
" Pangako! Pag pinabalik ako ni Sir Leo magiging mabait na ako." Kausap ko sa sarili ko habang naglalakad