Chapter 5 Pustahan

1881 Words
Brayden ( Leo father) * * " Are you serious uncle?" Tanong ni Kenzo " Hahaha! Hindi alam ni Zyra na ako Ama ng tinatawag niyang Siraulo na Boss niya. Kawawa daw ang mga magulang ni Leo, May Sira daw sa Ulo ang anak ko Haha! " Natatawa na kwento ko " Hanggang ngayon wala pang alam ang si Mr Levine na may Apo siya sa labas. Wala ba kayong balak na Sabihin?" Tanong ni Jalel " Sa ngayon sinigurado ko na nagkakagulo na sa mansion ng Levine dinala ko kanina si Zyra doon. Nagalit sa kanyang Ama, Tulad ng inaasahan ko hindi tatanggapin ni Kailani ang posesyon sa Mafia boss. 50% lang ang change na tanggapin ni Zyra ang posesyon. Pero pwede natin siya maging Assassin's, Walang kasundoan sa pagitan ng mafia organization at sa future daughter in-law ko. Matapang siya magaling sa pakikipaglaban. Sinanay ko siya simula ng limang taong gulang mas magaling siya kaysa kanyang Kapatid. Isa lang ang problema." Mahabang paliwanag ko " Ano ang problema? Tanong ni Mr Holland " Sobrang ikli ng pasensya niya. Alam nyo bang hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilan beses niya ako hinababol ng itak. Dahil lang sa hindi niya ako mataam ng suntok. Hahaha ang cute talaga niyang bata. " Masaya na kwento ko " Naku! Hindi nga siya bagay maging mafia boss. Kung ganyan kaikli ang pasensya. Dapat matuloy ang kasal ng dalawa Pero kung hindi Kailangan natin maghintay sa susunod na 3rd generation ng bloodline. " Naiiling na wika ni Jalel " Ang Apo ko ang susunod na Mafia boss." Buong pagmamalaki na wika ko Nakarinig ako ng tawanan alam kasi nilang wala pang kasintahan ang kambal ko " Hahaha! Uncle nakalimutan mo ata, Walang kasintahan ang kambal mo. Naunahan na nga namin." Pang-aasar ni Kenzo " Alam ko yon! Maghintay lang kayo gagawin ko ang lahat-lahat para maging daughter in-law ko si Zyra. Maganda ang batang yon, Kaya magiging maganda at gwapo ang Apo ko." Nakangisi na wika ko " Alam na ba ng Daughter in-law mo na ikaw ang Ama ng matagal na niyang Crush?" Tanong ni Mr Holland " Haha! Hindi pa eh. Basta Kilala niya ako bilang Tito bray. " Napapakamot sa ulo na Paliwanag ko " Dalhin mo siya sa Underground para makilala namin siya. Ako na ang bahala kay Kuya Leo. Bibigyan ko siya ng magandang party na dadalohan para makaalis ang kasambahay niya. " Nakangisi na wika ni Kenzo " Sure! " Nakangiti na tugon ko " Sampong million, This Year mababaliw sa babae si Kuya Leo." Nakangisi na wika ni Kenzo " 50 million maghahabol kay Zyra ang Anak ko." Excited na wika ko " Hahaha! Walang dayaan Mr Shoun. Kilala ka namin siraulo ka Ang Tanong. paano maghahabol sa babae ang anak mo? E diba nga wala pang nagiging kasintahan ang anak mo! Hahaha." Natatawa na tanong ni Mr Holland " Maghintay lang kayo, Ako ata ang nagturo sa future daughter in-law ko. Kaya 100% sure ako na magugustohan siya ng Anak ko." Mayabang na wika ko " Kung ganon! Kaya mo tinago kay Mr Levine ang kanyang Apo para maging Asawa ng anak mo?" Tanong ni Kenzo " Galing mo manghula. Kung magkakaisa ang Bloodline ng dalawang angkan mas magiging matatag ang mafia organization. Mapanatili natin ang kaligtasan ng ating bansa sa mga Dayuhan." Seryoso na tugon ko " Yan din ang iniisip ni Daddy. Nagtagumpay tayo kay Jalel at kapatid ko. Kaya dapat maging-iisa din ang Shoun at Levine." Seryoso na ni Kenzo " Oy oy oy! 50 million ko huwag nyo Kalimutan." Nakangisi na wika ko " Ulol! Gusto namin magkaroon ng kopya ng CCTV footage. Haha excited din kami panoorin ang love story ng anak mo. Malapit na matapos ang pagsubok ni Kai. Boring na kami wala na kami pagpupustahan. Kaya anak mo naman." Natatawa na wika ni Mr Alfredo Isang matandang mafia boss na hanggang ngayon naghahanap parin ng magmamana ng kanyang kamayaman. " Ulol! Basta pag may SPG na hindi nyo pwede panoorin. Ako ang lang dapat ang may Access ng footage." Natatawa na wika ko " Sige na! Umpisahan mo na lagyan ng CCTV ang bahay ng anak mo. Panoorin namin ang pinagyayabang mo na Apo ni Mr Levine. " Nakangiti na wika ni Mr Holland " Hahaha! Malas naman ni Mr Levine. Akala niya ligtas na ang kanyang Angkan sa Mafia organization. Pero hindi nila alam na Inalagaan natin ang kanyang Apo. " Natatawa na wika ni Mr Alfredo " Maganda talaga ang Apo ni Mr Levine. Madaldal nga lang laging naghahanap ng kaaway. Hahaha malas talaga ng Anak ko, Sigurado titino ang anak ko pag si Zyra ang napangasawa niya. " Nakangisi na wika ko " Nakakatakot ka maging Ama. " Pagbibiro ni Jalel " May kinakatakot talaga ako. Natatakot ako pag nalaman ni Zyra na ako ang Ama ni Leo. Nangako pa naman siya saakin na papakasalan niya ang anak ko sa Oras na makapag tapos siya ng College na walang pang kasintahan. Sa totoo lang dinaya ko siya kaya ko siya natalo dati. Kaya napapirma ko siya ng kasundoan. Muntikan na niya ako mataga sa Ulo dati. Mas nakakatakot pa siya sa Asawa ko." Napapabuntong hininga na Wika ko Nabalot ng tawanan ang silid na kinaroroonan namin. Nandito ako sa gusali dito nagpapalipas ng Oras ang mga bumubuo ng mafia organization. Hindi ako Mafia boss pero isa ako sa Gumagawa ng batas ng organization. Alam naman ni Zoey ang Obligasyon ko sa organization. Alam din niya na Ako ang guro ng Apo ni Mr Levine. Pero hindi pa niya nakilala ang magkapatid. Napatayo ako naisip ko ang mga larawan ko sa bahay ni Leo " Aalis na ako! May Larawan ako sa bahay ni Leo. Baka makita ni Zyra lagot ako. Alam pa naman niya ang address ng bahay ko. " Nababahala na wika ko " Mukhang! Nakakatakot nga magalit ang Apo ni Mr Levine. Pero sino ba ang may kasalanan? Ikaw ang guro ng Batang yon. Kaya kasalanan mo kung ano ang naging ugali niya. " Napapangiti na wika ni Mr Alfredo " Bukod sa pagbibigay ko ng Groceries puro kalokohan lang ang ginawa ko sakanila. Kaya nga nabahala ako kay Zyra maikli talaga pasensya nya. Pag nagalit yon susugurin niya ako kahit saan ako magpunta. Pinasabog na kaya niya ang kotse ko mabuti nalang nakatalon ako palabas." Seryoso na Paliwanag ko habang nag-aayos ng jacket " Takot sa sariling multo. Hahaha." Pang-aasar ni Mr Holland " Sige Aalis na ako." Paalam ko * * Zyra * * " Nakahiga ako sa kama habang iniisip ang mga sinabi ni Tito Bray. Mafia organization? Bakit parang ngayon ko pang narinig ang tungkol sakanila? Kaya pala sinasabi ni Tatay na magsanay kami sa pakikipaglaban. Pero ni minsan hindi niya kami tinuroan. Gaano kalawak ang sakop ng Mafia organization? Wala akong idea sa ganon organization. Alam ko lang makipag laban, Dito ko nailalabas ang lahat ng sama ng loob ko. " Hindi namin pala kami dapat nahihirapan. Hindi naman dapat kami tinatago? Wala ba kaming karapatan ipagmalaki bilang anak? Dahil ba sa mahirap lang ang pinanggalingan ni Nanay? Ano ang gagawin ko? Tatanggapin ko ba ang lahat ng pagsubok ng organization Kapalit ng magandang kinabukasan para sa Kapatid ko? Si kuya ang tumayong Ina at Ama ko. Gusto ko makabawi sa lahat ng kabutihan ginawa niya saakin. Siguro kailangan ko alamin ang tungkol sa organization. " Kausap ko sa sarili ko " Dibali na! Mag-iipon nalang ako. Tapos magtatapos ako sa pag-aaral hindi ko na papasukin ang magulong buhay. Sempling buhay lang ang gusto ko. Maghanap ng katulad kung mahirap magpakasal at mabuhay ng masaya, Kahit na walang pera basta kaya akong mahalin ng tapat at buong puso na tatanggapin kahit na Siraulo ako. " Kausap ko sa sarili ko Isang pasya ang nabuo sa isipan ko. Hindi na ako makikialam sa Mafia organization baka ikamatay ko pa. Makakapag ipon naman ako sa ngayon kasambahay ako. Pero darating ang araw magbubukas ako ng Small business. Kinabukasan 5 am palang naglilinis na ako ng bahay. 7am natapos na ako maglinis sa buong bahay, Kwarto nalang ni Sir leo ang lilinisin ko mamaya pagnaka-alis na siya. Nagluto ako ng Baon ni Sir at almusal niya. 9 am kumatok ako sa pinto ng Kwarto ni Sir Leo "Tangna! Dahan-dahanin mo naman. Masakit kaya. Ayan ganyan nga. Bilisan mo ng kaunti." Narinig ko na utos ni Sir Leo Napatakip ako ng bibig nanlaki ang mga Mata ko napapangiti na bumaba ako ng hagdan. Nagluto ako ng sinigang na baboy para may lakas si Sir Leo Naalala ko kasi si kuya nauubosan ng lakas sa Oras na nakikipag talik sa hindi ko kilalang babae. Hindi naman ako magugulat kung lumalabas si kuya sa kwarto niya na may kasamang babae. Natural lang sa lalaki ang ganon bagay. Hindi naman ako bata dalaga na ako kaya alam ko ang ganon bagay. " Zyra Ano niluluto mo? Tanong ni Sir Leo Napalingon ako sa nagsalita hirap siya sa paglalakad Paika-ika siya pawisan din siya nakasuot lang siya ng Jeans walang pang-itaas na kasuotan. Napatakip ako ng bibig ng masilayan ko ang isang lalaki naka half naked din. Nagulat ako ng may nasipat pa akong isang pang lalaki lahat sila gwapo at matipuno ang pangangatawan Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa tatlo Napatingin ako kay Sir Leo Napapangiwi ako. " Naku bakit ka pumayag? Kawawa naman yang tumbong mo. Ang laking tao pa naman yang kasama mo. Naku sayang talaga ang mga taon na pagkagusto ko sakanya. Bakla pala. Naku masakit sigurado pwet nya. Kawawa naman si Sir Leo. Pinatuwad ng dalawang lalaki. Masakit tuloy pwet nya. " Napapailing na sambit ko sa mahinang boses " May sinasabi kaba Zyra?" Tanong ni Sir Leo " Sinigang na baboy po. Para makabawi kayo ng lakas. Kain na po kayo maghahanda lang ako." Napapangiti na wika ko " Bakit parang nasasaktan ka kung makatitig saakin Zyra? Ano naman kalokohan ang iniisip mo? " Pagalit na tanong ni Sir Leo " Po? Naku Sir? Wala naman po. Huwag kayo mag-alala ililihim ko ang lahat ng tungkol sa Sekreto mo. Sa susunod Sir Isa-isa lang para hindi mamaga yan Alam mo. Sige Sir ihahatid ko nalang sa Garden ang Almusal nyo." Nakangiti na wika ko " Tika! Hindi kita maintindihan! Anong isa-isa lang? Ano naman ang Sekreto ko? Itong putanginang kasambahay na to. Hayst kung meron lang talaga akong makukuhang bagong kasambahay pinalitan na kita." Nagpipigil sa galit na wika ni Sir Leo " Hayst iba talaga ang panahon ngayon, Hindi mona masabi kung totoong lalaki ang iba lalaking lalaki Pero lalaki din ang hanap pambihira." Napapailing na kausap ko sa sarili ko " Tika! Hahaha! Parang alam ko na ang iniisip ng kasambahay mo Dude." Natatawa na wika ng kasama ni Sir Leo " Kaya pala sila ang kasama sa probinsya. Jowa pala ni Sir Leo ang kasama niya. Wow dalawa talaga jowa nya, warak lagi tumbong ng gagong to. Pambihira sayang talaga si Leo gwapo pa naman." Napapailing na kausap ko sa sarili ko " Tangna Zyra! Narinig ko ang sinabi mo! Tatalupan talaga kita ng buhay. Hindi ako Bakla. Bumalik ka dito babalatan kita ng buhay." Galit na sigaw niya dahilan para napatakbo ako ng wala sa Oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD