Chapter 18: Mortified

653 Words
Pagkatapos makapagpaalam ni Evo ay sinimulan ko ang pag-aayos para sa pagpunta ko sa bahay nila Kuya Louie. Sa kakaisip tungkol dun ay hindi ko maiwasan ang uminit ang ulo; makikita ko na naman yung unggoy na yun. Kumuha na lang ako ng isang skyblue and white pinstriped polo shirt at beige walking shorts. Tinernohan ko yun ng brown na deck shoes. Para lang akong may ari ng isang yate at maglalayag sa pacific ocean with matching wine sa kamay. Kinunsulta ko na naman si Zomsky tungkol sa pustahan kahit na alam kong hinding-hindi sasagot ang bata sa litrato. "Saan ka na kasi? You just left me. It's been like eleven years or so? Nagsawa ka ba sa akin noon?" Hindi ko namamalayan na dahil sa pag-iisip ay subconsciously kong kinakagat ang kuko ko sa kaliwang hintuturo. "Stefan, itigil mo nga yang pagkagat sa kuko mo!" ang suway ni Mommy na nasa bungad ng kuwarto ko. Napatingin ako sa kanya at kaagad kong binaba ang kamay ko to avoid further nail damage. "Two years mong natiis na hindi gawin yan pagkatapos ngayon ginagawa mo ulit." "Sorry, Ma. Napapaisip lang ako ng malalim kaya hindi ko namalayan" "Mukhang may lakad ka na naman. Ikaw talagang bata ka, hindi ka mapirmi sa loob ng bahay!" "Ma, diyan lang ako sa Narra Street. Pinapapunta ako ni Kuya Louie sa bahay nila" ang pag-eexplain ko at pagpapaalam na rin sa kanya. "Sigurado ka? Eh, bakit parang bihis na bihis ka?" ang pag-uusisa ni Mama. Napatingin ako sa suot ko. Lahat na lang ng isuot ko ay bihis na bihis para kay Mama. Pati siguro kapag sako ang suot ko baka sabihin niya party pupuntahan ko. Napakamot ako ng ulo sa kakulitan ni Mama; kulang na lang ay ipa-surveillance niya ako. "Ma, tawagan mo na lang si Kuya Louie mamaya. As of me, kailangan ko ng umalis" bumeso ako sa kanya at tinahak ang daan papalabas ng bahay. Walking mode na naman ako na para bang model sa isang runway. Buti na lang dala ako ang aking iPod shuffle para to the max ang pagrampa ko sa streets ng aming village. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa harap ng bahay ni Kuya Louie. Nakapark ang sasakyan niya sa usual spot. Hindi ko masabi kung may ibang sasakyan si Darren o ang kotse ng kapatid niya ang ginamit niya para ihatid ako. Patapos na ang kanta ni Keri Hilson na Pretty Girl Rock na pinasok ni Cassie sa ipod ko at nagsisilbing theme song nila ni Zia. Pinatay ko ang aking iPod at tinanggal ang headphones ko. Tumapat ako sa harap ng pintuan at nagdoorbell. Pinapalangin ko na lang na hindi si Darren ang magbukas ng pintuan. Nakita kong umikot ang doorknob at dahan-dahang nagbukas ang pinto. Sinubukan kong isuot ang aking poker face kung sino man ang haharap sa akin. Mabuti na lang si Kuya Louie. "Stefan, buti naman nakapunta ka. I assume that you're not busy, huh?" "Hindi naman po Kuya" ang tugon ko, binawian ko ang pagngiti niya sa akin ng isa pang ngiti. Pinapasok niya ako sa bahay. Hindi ko first time makapasok sa bahay niya. Actually, the interior matches his attitude and profession; napaka-minimalist. Pinaupo niya ako sa sofa at nagpaalam na may kukunin lang sandali. Pinagmamasdan ko ang isang figurine ng elepanteng nagsasayaw sa center table nang nakuha ang atensyon ko ng pagbubukas ng isang pintuan sa kanan malapit sa kusina. Nagulat ako nang lumabas si Darren at tanging twalya lang ang nakapulupot sa baywang niya. He's so damn hot, dumagdag pang basang-basa ang kanyang katawan. Hard pecks, six packed abs. Napanganga ako sa nakita. Rumehistro sa kanyang mukha ang pagtataka nang makita ako sa bahay nila at nakatitig sa katawan niya. Kaagad ko namang binawi ang tingin ko at binalik ang atensyon sa elepanteng sumasayaw ng ballet sa mesa. Nakarinig ako ng isang tikhim mula sa kanya pero hindi ko siya pinansin. Isa pang tikhim pero nagmamatigas pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD