Mabuti na lang ay dumating si Kuya Louie at sa kanya ko sunod binaling ang aking atensyon. Pilit kong inaalis si Darren sa isip ko kahit na he's just at least four feet away from me. Naaamoy ko pa ang ginamit niyang sabon. Sabon ba o shampoo? Ewan, basta mabango.
"Oh, Darren. Bakit diyan ka naligo?" ang tanong ni Kuya Louie kay Darren.
"Sira kasi yung faucet sa taas." ang maikling pagpapaliwanag ni Darren. Napatango na lang si Kuya Louie.
"Anyways, I know this is awkward. I'm sorry Stefan; nadatnan mo itong kapatid ko while he's indecent" hello? palagi siyang indecent! kahit na ba nakajacket siya. Mukha pa rin siyang isang perverted alien! Sanay na ako sa mga taong hubad. I saw Evo's body, Red's body, Zia's body and of course, Cassie's body. Ano naman sa akin ang katawan ni Darren na mukhang ang sarap yakapin at ang bisig niyang siguro ay magfi-fit sa balikat ko kung aakbayan niya ako. ERAAAAAASEEEEE!!!!!!!! Bad Stefano! Bad, bad Stefano! "Stefan, this is my brother Darren. Darren, Stefan"
"I know; we're dating" ang deretsahang sabi ni Darren sa kuya niya. Napataas ang isang kilay ni Kuya Louie na wari bang nagsasabing "Weeh? Di nga?" habang napakunot ako ng noo at napatingin ng masama sa kanya.
"Is that so? I should have known" ang nakangiting sabi ni Kuya Louie na para bang walang unusual na nagaganap. Alam niya bang bisexual si Darren? "Stefan, bakit hindi mo kaagad sinabi? Magkakilala pala kayo ni Darren and you're dating pa"
"We are not dating, Kuya Louie" ang matigas na depensa ko sa maling impormasyon na sinabi ng bwisit na si Darren.
"Yes, we are" ang singit ni Darren. Nakangiti siya ng nakakaloko at nakatingin sa akin na para bang nang-aakit. He's now folding his arms.
"Oh, shut the crap out!" ang tugon ko sa kanya habang napaikot ang aking mga mata. "Magbihis ka na nga, baka mapulmunia ka pa sa mga pinagsasabi mo"
"Thanks for the concern, honeybunch" ang huli niyang sabi bago umakyat ng second floor ng bahay nila. Tinabihan ako ni Kuya Louie.
"Hindi ko inaasahan na pareho kayo ni Darren ng pagkatao. Men! Good-looking men like men. That's unnatural yet is natural" two redundant statements pero malalim ang ibig sabihin. "Anyways, I'm good with that. So, kelan pa kayo nagdadate?"
"Hindi kami nagdadate. We just met thrice."
"Sabi ko na nga ba. I know you don't like him. Ganyan talaga yang si Darren kung may gustong tao; papatayin niya sa inis yung taong nagugustuhan niya. But I assure you; Darren is a nice person."
"Wow. I could see that." ang sarcastic kong komento sa pagiging mabait daw ni Darren. Suntok sa buwan yun,noh! Hello? Si Darren? Sensitive? Gentleman? Patient? Sweet? Darren: boyfriend material? Duh? "Kaya ba narito ako? Kasi ilalakad mo siya sa akin?"
"Of course not. It's his birthday today. Wala yung friends niya since kalilipat niya rito. He's from another city you know. Ayaw niya ring magtawag ng ibang kaibigan sa University niyo kasi nga he's a transferee. Kaya naisipan kitang ipakilala sa kanya para naman at least may bisita." ang mahabang pagpapaliwanag ni Kuya Louie. I felt sympathy sa part ni Darren; he's indeed lonely. Me in his special day? Hindi ko alam kung bakit tila ba may gaan sa pakiramdam ko ang thought na yun. Hindi ba dapat nanggagalaiti na ako sa inis dahil siya ang makakasama ko? But today is his birthday; ano man lang yung ilang oras ng kaplastikan para mapasaya ang isang lonely birthday
celebrator? Bumaba si Darren. He's wearing a red and white striped sando and black shorts. Tumayo siya sa tabi ng sofa kahit na ang lawak-lawak ng pwede pang pag-upuan.
h~"