"Umupo ka nga rito. Mukha kang timang!"
ang utos ko sa kanya. Kaagad naman siyang umupo sa tabi ko. Muling nagpaalam si Kuya Louie at nagpunta ng kusina. Tahimik lang kaming dalawa ni Darren. Naaamoy ko ang gamit niyang pabango. Reminds me of Antarctica, the Himalayan and winter. Yung may pagka-icy yung amoy. Cool pero cool na cool. Ang gulo ko,no? Napatikhim ako para makuha ang atensyon niya; napatingin siya sa akin. "Uhh, ha-happy birthday?"
"Sana nga happy"
ang tugon niya. He leaned on the sofa and then closed his eyes. Muli niyang minulat ang kanyang mga mata , tumingin sa akin at ngumiti. "But you're here. Okay na ako na kasama ka. Thanks for coming kahit na mainit ang dugo mo sa akin"
"It's not my fault kung-"
napatigil ako ng ilapat niya ang daliri niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Napatingin ako sa mukha niya; sa mga mata niya. Tinitignan niya ako mata sa mata. Naramdaman kong namula ang mga pisngi ko. Holy Crap! Bakit ako nagblublush?
"I know"
ang sabi niya. Inalis niya ang daliri sa labi ko at kaagad na hinawakan ang pisngi ko. Hindi ako makagalaw; hindi ko alam ang gagawin ko. He traced my lips with his thumb. Napalunok ako. "Thank you for being here. I appreciate it a lot."
"You deserve a special day. Kung alam ko lang-"
kung alam ko lang ano? malamang hindi ko papansinin ang araw na to at sasabihin na "hey he's a flirt; maraming pupunta sa birthday niya kaya, so?"
"I should have given you something"
"No need. You're here naman. But a kiss will do."
kaagad niyang dinampi ang kanyang labi sa akin. He kissed me gently and without a valid reason; I allowed him to kiss me. Hindi dahil sa part yun ng pustahan namin ni Cassie o dahil birthday niya; kundi dahil, dahil, hindi ko alam! It feels good. Bakit? Ang gulo. Kumalas siya sa halikan namin at idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo. All i could see is his eyes, all i could smell is his breathe and all i can feel is the warmth of his skin.
"I'll be good to you only for this day"
ang sabi ko sa kanya habang nakalapat pa rin ang noo niya sa akin. Nakita ko ang lalong pagsingkit ng singkit niyang mga mata; alam kong napangiti siya.
"Thank you"
ang sabi niya sabay nakaw ng halik sa akin. I kissed someone whom I met just thrice but with those kisses, i felt that i have known him for a lifetime. I hate him. I hate his kiss. Why? Because it made me fall for him a little. Sa tingin ko lang ba yun o dahil sa tagal na rin ng panahon nung last na nakipaghalikan ako kaya ganun na lang ang impact ng halik niya? Hinawakan niya ang kamay ko. He palm locked with mine. He turned on the TV and silently we watched THE PROPOSAL. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. He is holding my hand while watching a romantic movie. Masaya ako dahil may dahilan si Darren para maging masaya sa kanyang kaarawan, pero may parte rin ng aking sistema ang nakakaramdam ng pagtataksil para kay Evo. We are not officially together but we feel the same way. Ginawa rin namin ito kani-kanina lang. Ano bang deperensya? Tama, hindi niya naisipang hawakan ang kamay ko; di tulad ng ginagawa ngayon ni Darren. Napatingin ako sa kamay na nakahawak sa akin. Inilipat ko ang tingin sa kanyang maputing braso hanggang sa kanyang mukhang naka-concentrate sa palabas. He looked at me; napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya. Nagtitigan lang kami, waring hinihintay ang isa't-isa kung may sasabihin. "Bakit yan ang pinapanood natin?"
"Bakit? Ayaw mo ba kay Sandra Bullock and Ryan Reynolds? Palitan na lang natin"
ang sunod-sunod niyang pagbalik ng mga tanong sa akin.
"Hindi naman. Curious lang ako"
ang tugon ko. "Ano bang nararamdaman mo sa akin? Seryoso?"
,"a+o]i