CHAPTER III [Pain to Endure]

1821 Words
SANTILLIAN SERIES "Unseen Love" [Gabrielle Santillian]       HINDI na sya nakagalaw sa kinatatayuan nya, para syang tinuklaw ng ahas, hindi ahas mas malaki pa doon, mas masakit ang sakit, tila bumabaon sa kanyang dibdib. Bakit ba sya nasasaktan? Ang tanga naman nya bakit ba kase umasa syang mangyayari ang pangako ng kanyang kababata.   "Baka naman kaibigan lang ni Gabrielle? Teka baka nga kaibigan. Teka normal ba sa isang magkaibigan ang maghahalikan sa labi?" Nakatanaw pa rin sya sa malaking pintuan ng kompanya, habang nakikita ang sweetness ng dalawa.   Babalik nalang sya sa loob iyon ang kanyang pasya, kaya naman nagmamadali syang pumasok muli, ngunit isang hakbang nalang bago sya lumiko at di makita ni Gabrielle, tinawag pa sya nito. Dahan-dahan syang umiikot na tila isang robot papaharap kung saan nakatayo sina Gabrielle at ang babaeng maganda na animoy isang modelo, napaka daring naman ng damit nito halos wala na atang nakatago, at ang buhok naghuhumiyaw sa kulay dilaw. Pero maganda ang kabuuan nito, pang display nga.   "Yes Arielle!" Wika nya dito, na pilit na pinapangiti ang sarili.   "Lets go, come here I just want you to meet my girl.." Wika nito na nadidinig naman tiyak ng gwardiya ng building ng Santillian Company.   "Sige mauna na kayo, may iniutos kase ang Papa mo eto oh kausap ko sya kaya dina ako makakasama, anyway enjoy your lunch."Pagdadahilan nya. Sabay talikod na rin ni Brice.   Sa kakamadali ng dalaga para lumayo, tila pinagtataguan pa nitu ang isang multo dahil nagmamadali, nakabangga nya si Arthur.   "Oh bat bumabalik ka, kanina lang nakita kitang kasama mo ang kababata mo ah." Nakangiting wika ni Arthur. Naupo si Brice sa isang upuan doon sa hallway.   "Sa akin ka nalang sumabay magtanghalian, hay sabi ko na sayo wag kang umasa, nakita ko kaya ang kasama nyang babae. Ang ganda ah." Pang-aasar pa nitu.   "Sige na ikaw nalang ang maglunch, tatapusin ko lang yong pinapagawa ni Ninong." Gusto mang samahan ni Arthur ang kaibigan, di na kaya ng kanyang tyan naghuhumiyaw na eto sa gutom at nagwawala na ang mga alaga nito sa tiyan.   "Oh sya babalikan nalang kita mamaya. Gutom ako Brice gusto man kita damayan baka mauna pang kumulaps ang mata ko." Wika ni Arthur dito.   "Okay." Malungkot na wika ni Brice.   Agad syang pumasok sa kanyang cubicle. Sa loob ng kanyang bag kinuha nya ang isang maliit na regalo, nakabalot pa rin iyon, at naluma nalang ang wrapper palagi nya kaseng dinadala iyon. Bigay ni Gabrielle yon ng umalis eto kabilin bilinan ng lalaki na wag bubuksan eto hanggang sa makabalik sya. Kahit na gustong-gusto na nya buksan iyon ng bata sya pinigil nya ang sarili dahil umasa sya sa pnagako ng binata na sabay nilang bubuksan iyon. May butil ng luha na pumatak sa hawak nyang regalo. Umiiyak ba sya? Pinahid nya ang luha sa mata nya.   "Kasalanan mo naman yan Brice, bakit ba kase umasa ka na pakakasalan ka nga ni Bagrielle at gagawa kayo ng baby doll at spiderman ang pangalan? Ayan tuloy ngayon nakakulong ka sa isang pangako. Nasasaktan ka dahil sa katangahan mo? Ang dami mong pinalampas na manliligaw dahil sa kakahintay sa taong nakalimutan ka naman pala." She was talking to her self at sinisi din nya ang sarili kaya eto sya ngayon luhaan nalang.     Eto siguro ang tinatawag na friendzone? Masyado naman atang maaga, ngayon palang sila nagsisimula at dudugtungan sanang muli ang kanilang naudlot na kwento, nawala na sya agad sa linya ni Gabrielle. Pinahid nya ang luhang iyon at ibinalik ang maliit na kahon sa kanyang bag. May narinig kase syang papalapit sa pintuan, di nga sya nagkamali bumukas iyon at iniluwal noon si Gabrielle.   "I forget my own key. Are you sure na dika sasama, alam mo mabait si Waverly at magkakasundo kayong dalawa noon." Si Gabrielle na pilit pa ring kinukumbinsi sya.   "Kailangan ko kaseng tapusin tong pinapagawa ni Ninong, kayo nalang oorder nalang ako, isa pa marami pa namang nextime." Pilit na ngumingiti si Brice.   "Okay I need to go now. Bye!" Paalam muli ni Gabrielle. Napihit na nitu ang doorknob ng muli naman etong bumalik ng tingin kay Brice.   "Ahhmm Brice are you married already?" Tanong nitu na walang kagatol-gatol.   "Paano ako ikakasal eh yong taong nangakong pakakasalan ako nakalimutan na ang ipinangako, ng bumalik may girlfriend na." Bulong naman ni Brice.   "What? Anyway never mind that's your personal life. Ingat and enjoy to your love life, babalik agad ako para makapagkwentuhan naman tayo." Wika pa ni Gabrielle at tuluyan na nitong isinara ang pintuan.   Nakaharap nga sya sa computer, mga papeles nga ang nasa harapan nya, ang isip naman nya lumilipad sa nakaraan. Binalikan ang masasayang alaala nila ni Gabrielle kung paano nya eto ipagtanggol noon. Kung paano nya pinapasaya ang kalaro para lang hindi eto magburo at makulong sa bahay at hindi malungkot at kahit na anong sabihin ng mga nakapaligid sa kanya she doesn't care about them ang mahalaga sa kanya silang dalawa ni Gabrielle. Pero wala na ngayon kinalimutan na ng kanyang kaibigan ang kanilang nakaraan.     ***   Malapit na ang office hours kaya inayos na ni Brice ang kanyang sarili, pinagmasdan nyang maigi ang kanyang kabuuan sa malaking salamin ng opisina nila ni Gabrielle. Maganda sya, nakuha nya ang height nya sa kanyang Daddy matangos ang ilong at dahil payat ang daddy nya, medyo payat din sya not totally payat sexy pa nga sya kung tutuusin, katamtaman naman ang laki ng dibdib nya hindi maliit at hindi naman sobrang laki. Marami din syang manliligaw, kaya lang basted lahat, ang akala ng ilan tomboy sya. Pero sumumpa na kase sya na kay Gabrielle lang sya at tutuparin nya ang pangakong iyon. Maganda si Brice, matalino, edukada at higit sa lahat may disiplina sa sarili, nawawala nga lang kapag si Gabrielle na ang nakakasalubong nya at naiisip. Naglagay sya ng manipin na make-up kailangan pa rin nyang maging presintable kahit na tila broken hearted sya ngayong araw. Nang makita nyang maayos na ang lahat at handa na muli syang harapin ang mundo lumabas sya ng banyo at nagtungo sa kanyang mesa.   "Hi Brice!" Masayang bungad sa kanya ni Gabrielle.   "Hi, nandyan ka na pala pwede na tayong magsimula ng trabaho." Pormal namang tugon ni Brice sa kababata.   "Masyadong workcholic naman. Kumusta ka na nga pala, simula ng nawala ako ng Pilipinas wala na rin akong narinig na balita sayo ah." Wika naman ni Gabrielle.   "Hindi mo naman ako naalalang tawagan noon, kaya paano ka makakabalita sa akin." May himig na tampo ni Brice sa kababata.   "Sus mukang nagtatampo ka ah. Wag ka ng magtampo. Namis din kita, ikaw lang ang kaibigan ko noon. Ang ganda mo pala Brice mulang nagkaroon ako ng paningin uli ngayon lang kita nakita." Si Gabrielle na pinamulahan naman ang dalaga sa sinabi nitong maganda sya.   "Alam ko na yan, no need to mention." Seryoso naman si Brice ng itugon iyon.   "Wow ang lakas ng confidence ha. So anyway do you have a boyfriend now.?" Tanong naman ni Gabrielle dito.   "Wala nga ang kulit mo. Teka nga pala may ibibigay ako sayo, matagal ko ng hawak to sabi mo kase pagnagkita tayo saka ko bubuksan eto, saka natin bubuksan ng sabay." Sabay kinuha ni Brice ang maliit na box na nasa bag nya.   Natawa naman si Gabrielle ng ilabas iyon ni Brice. He remember this thing pinabili nya iyon sa kanyang Mama para kay Brice.   "Amazing you didn't open it?" Nakangiting tanong ni Gabrielle.   "Sabi mo kase wag kung bubuksan kaya ayan naka box pa din. Pwede ko na ba etong buksan?" Tanong naman ni Brice.   "Yes ofcourse" Gabrielle na natatawa naman.   Brice open it sa totoo lang wala naman talaga syang idea kung ano ang laman noon. At ng mabuksan ng dalaga iyon, isang singsing ang bumungad sa kanya, may dyamante iyon at kulay silver. Kung hindi sya nagkakamali isang engagement ring iyon. Eto pala ang sinasabi ni Gabrielle na isusuot sa kanya at hihingin ang kanyang kamay.   "Brice mga bata pa tayo noon, at siguro nadala lang ako dahil ikaw ang mas malapit sa akin. Hindi ko akalain na di mo talaga binuksan yan. Akin na nga yan! I'm sure di kasya eto sayo. Kalimutan mo na eto ha." Natatawa pa rin si Gabrielle sa sitwasyon ngayon.   "Nagagawa mo akong pagtawanan? Matapos mo akong paasahin? Nagagawa mong sabihin ngayon na mga bata pa tayo noon, kaya ganito lang. Nagagawa mong sabihing itapon ang lahat dahil hindi ikaw ang umasa, hindi ikaw ang naghintay at mas lalong hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko." Di napigil ni Brice na isumbat ang lahat sa kababata. Napatulala nalang si Gabrielle sa kanyang nakita, umiiyak si Brice.   Mabilis na kinuha ni Brice ang kanyang bag at umalis sa harapan ni Gabrielle. Hindi nya kayang makita sya ng kababata na umiiyak at naapektuhan ng ganoon. Nakasalubong din nya si Arthur at tinatawag sya nitu pero di nya pinansin, sa kanyang sasakyan syang nagtuloy. Doon nya ibinuhos ang nararamdaman, pinaandar nya ang makina at lumayo muna sa lugar na iyon. Minabuti nyang tumuloy sa condo nya, ang mga paper works nya ipapakuha nalang nya kay Arthur. Kailangan nya muna makapag sarili kahit ngayong maghapon at magdamag lang. Walang kasalanan si Gabrielle, sya etong umasa at nasasaktan ngayon ng husto. Matapos na magmukmuk ng ilang oras tinawagan nya si Arthur para ipakuha dito ang mga papeles na nasa kanyang opisina din. Ipaggagayak nalang nya ang kaibigan ng pulutan at kaunteng maiinom, para makabawi naman dito. Kailangan nyang maging abala din para di kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip. Inabala nya ang sarili sa pagluto kung ano ang nasa ref nya iniluto nya, sinindihan din nya ang kanyang sterio ng malakas, na halos dumadagong dong na sa ingay sa kanyang unit.     Matapos ang office hour agad namang nagtungo si Arthur sa opisina ni Brice may susi sya na tumutugon sa dalawang pintuan nasa kabila lang din kase ang opisina ng CEO, sa kabila sya dumaan para kunin ang mga papeles na kailangan ng kanyang kaibigan, hawak na nya ang mga papeles ng mabukas naman ang isang pintuan mula sa opisina ng kanilang boss,   "What are doing here?!" Agad na tumaas ang boses ni Gabrielle paano naman kase hawak nitu ang mahahalagang files.   "Sir wag kayong mag-isip ng masama napag-utusan lang ako, dakilang alalay ako ni Brice kailangan nya etong mga papel sa bahay nalang daw nya gagawin." Agad namang paliwanag ni Arthur sa amo.   "Pwede mo bang ibigay nalang sa akin yan ako nalang ang magdadala, medyo may di kase kami pagkakaunawaan, kailangan ko syang makausap. At pakibigay na rin ang kanyang address." Isang pakiusap yon mula kay Gabrielle.   "Sige sir, kayo ang masusunod." Sabay inabot ni Arthur dito ang mga hawak na papeles at isinulat din ang address ng kaibigan.   Matapos na magpasalamat ni Gabrielle, iniwan na rin eto ni Arthur at lumabas ng opisina, habang si Gabrielle gumayak na rin para lumabas hawak ang papeles na kailangan ni Brice.   ¤¤¤¤    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD