(TPLM. 01)
"Can I call baby?" chat niya na biglang nag pakaba sa'kin.
"pasensya na pero hindi pwede ehh, baka magising sina mama at Lisa" type ko sa aking keyboard sabay send sa kanya
"baby' it's just 3 in the morning, come on, i want to hear your voice please, only you, can ease my stress, baby please" balik niyang sagot sabay send ng picture niya na naka-upo sa office chair niya kaharap ang mga papel at monitor habang naka-pout
"hayss, Sige na nga" agad naman siyang tumawag at sinagot ko ito ng nakakunot na noo, maaga pa naman at walang pasok si LIsa kaya siguradong tulog pa sila
"thank you po" sabi niya sa malalim at kalmang boses
"tskkk, palibhasa alam mo kung paano ako mapapayag ehh noh? you're taking advantage of it" i said while frowning, tumawa naman siya na nag palambot ng puso ko
"sobrang saya at swerte ko sayo, Hindi ko na alam kung paano ako kapag nawala ka dahil sa araw araw na buhay ko rito sa aming bahay ay malungkot at masakit, pero lahat ng iyon pinapagaan mo at lagi mo'kong napapasaya kahit na sa online lang" Sabi ko sa utak ko habang nakagiting pinagmamasdan ang boyfriend ko sa aking basag at maliit na cellphone. Regalo pa'to ni tatay noong nag debut ako no'ng nag 7 years old ako
Nag usap lang kami nang nag usap hanggang sa hindi ko namalayan na maliwanag na pala ang kalangitan, nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng basement, ang kwarto ko at iniluwa no'n si nanay na galit na galit, lumapit ito ng nakapameywang
"bakit Hindi ka pa bumabangon ha?" tanong nito, hindi niya napansin ang pasimpleng pag tago ko ng aking cellphone sa ilalim ng unan
"ahh 'nay, masama po yung pakiramdam ko ehh, baka po pwedeng si Lisa muna yung utusan niyo sa ngayon" Sabi ko sa mahinang boses habang nilalaro ang aking mga daliri na nakapatong sa'king hita
bigla namang lumanding ang kanyang kamay sa aking pisngi ng sobrang lakas na nag pa-ikot ng aking paningin, agad kong hinawakan ang aking pisngi at kagat labing tumingin kay nanay para pigilan ang luha ko
"ohh? anong tinitingin-tingin mo diyan?" sigaw niya "Hindi pwedeng gumawa ng gawaing bahay si LIsa dahil nagpapahinga yun at dalawang araw lang ang pahinga niya sa ilang linggo dahil sa school. Tatawagin kita mamaya kapag may ipapagawa ako sayo ha? umayos ka diyan" sabi niya saka umalis na parang walang nangyari Hindi na ako makapag salita , tulala sa pangyayari hanggang sa Hindi ko na napigilan ang aking luha at kusa na lang itong umagos
pag tapos ng ilang minutong pag-iyak, dun ko lang naalala na tignan ang aking cellphone kaya agad ko itong kinuha sa ilalim ng aking unan at nagulat ako ng mag flash sa screen ang nag a-alalang mukha ni Harris. hindi ko pala ito napatay dahil sa pagmamadali kong itago ang cellphone
"bab-" tawag niya pero pinatay ko na agad ang tawag dahil sobrang nahihiya ako na narinig niya pa ang nangyari
HARRIS:
"baby, what happened?, why is there a blood on your lip? did your mother did that?"
ME:
"Wala 'to, Sige na, mamaya na tayo mag usap, marami ka pa yatang trabaho ehh"
HARRIS:
"no baby, talk to me, did they hurt you?........again?"
ME:
"pasensya na, narinig mo pala, akala ko kasi napatay ko na yung tawag ehh, atsaka nasa ilalim yun ng unan ko ehh, narinig mo pa'rin pala"
HARRIS:
"don't change the topic baby, answer me, or they really did, that"s why you can't answer"
"bakit kasi ayaw mong pumayag na itakas kita diyan, please naman ohh"
ME:
pero kasi
HARRIS:
"CHOOSE, live with me or stay with them"
ano ba naman 'to, ang hirap hirap na nga ng sitwasyon ko tapos papa-piliin pa'ko. sabi ko sa utak ko sabay agos muli ng aking luha. Ang hirap, sobrang hirap mag desisyon, mahal ko sina mama at Lisa, at syempre mahal ko 'rin si Harris pero alam ko na mas sasaya ako kay Harris
ME:
hindi ko alam lung paano tumakas atsaka natatakot 'din ako na baka mahuli nila ako
HARRIS:
"wait, are you finally agreeing? ohh s**t, don't worry baby i'll take care of everything, just ready yourself, we will go there at 12am sharp"