Party!

2106 Words
Dahil nga sa katorpehan ko, hindi ko naamin sa kanya ang gusto kong aminin. damn. sa sobrang torpe ko, nagmukha na akong weirdo. "Pinapapunta ka ni madam Velasco sa party. Hindi raw pwedeng hindi" pagsisinungaling ko matapos nyang sagutin kanina ang tanong ko kung nasaan yung librong kunwaring binabasa ko kagabi. Lintek. 'How to kill rats and cockroaches' pala ang title nun! mas nag mukha tuloy akong weirdo dahil sa librong yun. Sino ba kasing guest ang umiwan ng librong yun dun sa room 317??! "Papunta nanga sana ako dun eh. Kaya lang nakita kita" sabi nya na hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap o kung sino. Kung saan saan kasi sya nakatingin. "A-ayos lang ba itong suot ko?" tanong nya sa akin na halatang nahihiya. She's wearing a black shirt above the knees and a pink V-neck sando top. simple but.. she look so hot. napangiti ako sa naisip pero kaagad ko ring inalis ang ngiti ko sa mukha nang tingnan nya ako "Ayos lang" oh God. God knows how I hate myself. Jerralyn's POV Maraming tao ang nasa beach. marami ring nakisali sa party nina madam Velasco at direk Tikki kahit yung hindi naman talaga mga imbitado. mabuti nalang pinsan ni direk Tikki ang may-ari ng hotel at eksaktong Anniversary ng pagbubukas ng hotel kung kaya't eat all you can. "Akala ko ba beshie hindi ka pupunta?!" "Naboring ako eh!" Halos magsigawan na kami ni Vica para lang marinig ang isat-isa dahil sa lakas ng mga kantang pinapatugtog ng bandang k******e na pinagkakaguluhan ng mga tao. Hindi naman kasinungalingan na naboring ako kaya nasa party ako ngayon. pero ang pinaka dahilan talaga ay para makita ko si Ali. tapos na kasi ang shooting namin at sigurado akong after ng gabing ito ay hindi na ulit kami magkikita pa. pero mali bang maging masaya kahit sa huling pagkakataon? Nasaan nanga ba si Ali? pagkatapos ko kasing itanong sa kanya kanina kung ayos lang ba ang suot ko ay kaagad na syang lumakad palayo at hindi ko na sya nakita. ngayong gabi nanga lang ang pagkakataon nawala pa. Nasaan na ba sya? "May hinahanap ka yata?" tanong ni Vica "Nakita mo ba sya?" kahit hindi ko naman sabihin ang pangalan, alam na ni Vica kung sino ang tinutukoy ko. "Hindi nga rin eh. Alam mo beshie? hindi kita maintindihan. akala ko ba gusto mo na maka move on kay Ali? o bakit ngayon hinahanap mo sya?" Napabuntong hininga ako. hindi ko rin alam kung anong sagot ko sa tanong na yan. "Beshie... paano kung ngayong gabi na ang huli naming pagkikita? paano kung pagkatapos ng gabing 'to ay hindi ko na ulit sya makita?" hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. bakit ba kasi sa kanya pa? bakit ba kasi sa kanya pa?! bakit ba kasi sa kanya pang kahit na kailan ay hinding hindi mapapasaakin? "Mam? and sir?" pang iistorbo sa amin nung waiter na nakapuwesto sa kuhaan ng drinks. sensya na hindi ko alam ang tawag dun eh. "Sinong tinatawag mong sir?" galit na tanong ni Vica na ayaw na ayaw na tinatawag na sir. "Ang kapal kapal nanga ng make-up ko tatawagin mo pa akong sir?!" "Sorry po mam. may drinks po ako dito baka gusto nyo?" Ali's POV Nasaan na kaya sya? Akala ko nasa likuran ko lang sya kanina hindi pala ako sinundan. nasaan na ba sya? Kung kani-kanino ko narin sya itinatanong. kay direk Tikki, tita Velasco, Mico, Althea. hindi raw nila alam. bumalik kaya sya sa kwarto? baka naman kasama yung bakla nyang kaibigan. baka nasa tabi-tabi lang. then an idea suddenly pop into my mind. "Hi everyone. Good evening" panandalian kong hiniram ang mikropono sa banda. "I'm Ali. may gusto lang akong ikwento sa inyo patungkol dun sa taong mahal ko. pwede kayong makinig pero pwede rin namang hindi. pero sa ayaw nyo o sa gusto, maririnig nyo parin kasi naka mic ako" tawanan ang mga audience. "Once upon a time, naks parang bed time stories lang ah (tawanan ulit ang mga audience) I know mukha na akong weirdo but I just want to share this with you at nag babakasakali naring nakikinig sya ngayon. It was three years ago nang makilala namin ang isat-isa. I've been so coward. napaka duwag ko dahil hinayaan ko syang masaktan and worse, iniwan ko pa sya. Ang torpe ko. at inaamin ko naman yun sa sarili ko. nasobrahan ako sa pagiging torpe eh. inamin nya na gusto nya ako. pero naduwag ako. maraming naganap sa buhay ko na naging dahilan para mapalayo ako sa kanya. ngayon, muli kaming nagtagpo pero hindi ko parin masasabing handa na ako na sabihin ang totoo kong nararamdaman. basta ang alam ko lang, mahal na mahal ko sya noon paman at hindi iyon nagbago at hinding hindi magbabago. Kung nasaan kaman, sana marinig mo 'to" nagpalakpakan ang mga audience kasabay ng pagtugtog ng banda. Author's POV Samantala, may magkaibigan namang lasing na lasing "Hanoh daw sabe nung nag shalita?" tanong ni Vica kay Jerralyn "Habay malay koh! Wala nga akong naintindihan he! ang panget ng boshes. may lakash pa ng loob na kumanta!" iritang sabi ni Jerralyn na tinatakpan ang tainga. Jerralyn's POV 10:37 na ako nagising kinabukasan. sobrang sakit ng ulo ko. papikit-pikit ako ng mata nang bumangon ako sa kama "Gising ka na pala" lahat ng sakit ng ulo na nararamdaman ko ay biglang nawala at para bang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. "Bakit ka ba naglasing kagabi?! alam mo bang muntik ka na ma rape ng mga siraulo kagabi?! wala ka bang isip?!" sigaw nya na ikinagulat ko "Ano bang pakialam mo?!" sigaw ko rin sa kanya. Kung makapagsigaw sya sa akin para namang may pakialam sya. "Yan pa ang sasabihin mo sa akin? pasalamat ka nga dahil—" natahimik sya sa pagsasalita na para bang may biglang pumasok sa isipan nya "Dahil?" tanong ko na hindi nya naman sinagot "Dahil ano? curious tuloy ako. Bakit nga ba ako naglasing kagabi?... Ah... oo nga pala.. nagkayayaan kami ni Vica kagabi na uminom... tapos nag kwentuhan lang kami tungkol kay Ali... tapos pinagtawanan namin yung nagsalita at kumanta sa stage... tapos... ano na bang sunod na nangyari? tapos... may mga dumating na kalalakihan.. niyaya akong sumayaw.. hindi ako pumayag kaya nagalit... pinuwersa nila ako na sumama nalang sa kanila sa sinasabi nilang langit... hinang hina ako kaya hindi ako makalaban saka dumating si Ali.. Ah. si Ali. oo tama. Dumating si Ali... niligtas nya ako... nakipagsuntukan sya kasama ni... Mico... "Ah. naalala ko na" nakangiti ko pang sabi "Lahat??" tanong nya na para bang may iba pang nangyari. "Oo. nakipagsuntukan ka.. tapos may mga umawat... diba? tapos... dinala mo ako dito sa kwarto.. tapos... tapos... ano na ba nangyari? tapos... OH. MY. GOD!" nanlaki ang mga mata ko sa naalala *Flashback* Ali's POV Nagpalakpakan ang mga audience matapos kong kumanta ng more than words by extreme. Sana lang napakinggan nya. Kung akala nya man ay wala akong pakialam sa kanya kapag kasama ko sya, lahat ng sinabi ko kanina ay totoo. higit pa sa inaakala nya. Nasaan nanga ba sya ngayon? may part sa akin na sana ay napakinggan nya at may part rin sa akin na sana hindi. Ewan ko ba. hindi ko rin maintindihan ang sarili ko "Nakita mo na ba sya?" tanong ko kay Mico pagkababa ko ng stage. "Hindi pa insan eh. baka naman bumalik sa kwarto" "Yan nga rin ang iniisip ko eh." "Edi nasayang yung speech at pagkanta mo kanina" pang-aasar na sabi nya. "Ang baduy ko ba?" papunta kami ngayon sa bartender. "Yung totoo? insan, para kang teenage girl kanina!" humalakhak pa sya ng tawa "Gago!" kahit ako nabaduyan sa sarili ko. "Teka insan— si Jerralyn ba yun?" sinundan ko ng tingin ang itinuturo ni Mico. pinapalibutan si Jerralyn ng limang lalaki. pero, sya ang lasing. "Hoy! Hoyyy!" kaagad akong lumapit "Layuan nyo nga sya!" "Sino ka ba?" tanong sa akin ng isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. "Boyfriend nya ako baket?!" maangas na pagkakasabi ko pero pinagtawanan lang ako ng limang mga gago. "Boyfriend palang naman pala eh! edi ipatikim mo muna sa amin!" "Abay gago to—" sinuntok ko sa panga ang nagsalita kaya nagkagulo na. kaagad naman akong niresbakan ni Mico na palagi namang nasasangkot sa kaguluhan. may sumuntok sa likod ko kaya sinipa ko. may sumuntok rin sa gwapo kong mukha kaya medyo na out balance ako. may umiiyak naman. yung baklang kaibigan ni Jerralyn na nakahandusay naman sa buhangin "Bakit ba kashi sha maling pagkatao pa ako pinanganak? Shana naging babae nalang ako! bakit ba kashe mahaba to?..." tapos may kumakanta. si Jerralyn. "Paaaaaataaaawariiin kayoooo ng diyossss" bigla tuloy akong na konsensya na nakikipag-away ako. Sinuntok ko yung nanuntok ng mukha ko. Isa sa kanang pisnge at isa naman sa kaliwa sabay sipa sa tiyan. "Siggggeee laban!" sigaw ni Mico na bugbog sarado nanga nanghahamon pa. May mga ilang umawat kung kaya't natigil ang away. wala namang nagawa yung limang lalaki kundi ang umalis. kaagad kong nilapitan si Jerralyn na katabi na ng kaibigan nya sa buhangin. kumakanta parin sya habang nagdadrama naman ang kaibigan nya. "Tanggapiiiiin sannaaaa kayo sa langiiiit" syempre, wala sa tonong birit nya. ang sakit sa tainga! kung hindi ko lang sya mahal, pinabayaan ko na sya dun sa limang lalaki. "Bakit ka ba naglasing?!" galit na tanong ko sa kanya kahit alam ko namang wala sya ngayon sa katinuan. "Mabuti pa Ali, dalhin mo na yan sa kwarto nyo" suggest ni Mico "Oh? magkasama kayo sa kwarto? akala ko ba si Jerralyn at si Althea ang magkasama?" tanong sa akin ni direk Tikki "Pasensya na direk. gusto akong makasama ni Jerralyn sa kwarto eh. nakiusap" biro ko na walang pakialam kung ano man ang papasok sa mga isipan nila. "Palit nga tayo. akin yang hiwa mo, sayo 'tong lawit ko" huling rinig kong sabi nung baklang kaibigan ni Jerralyn bago ako umalis bitbit si Jerralyn. Pagewang gewang akong lumakad habang inaalalayan si Jerralyn bukod kasi sa medyo nabugbog ako, magalaw pa itong inaalalayan ko at ang bigat nya pa "Oh! hikaw pala! baket ka handito? hiniwan mo'ko diba?" ang daldal nya pa. "Halam mo? Kung hindi moko hinuwan, hokay sana hako ngayon heh! hedi sana, hedi sana, hedi sana prends pa tayo! baket ka ba kasi humales? tapos ngayon, babalek balek ka sa buhay ko? nakainom ka ba?" Nang nasa tapat na kami ng room 317, inalalayan ko sya sa kaliwang kamay ko habang ina-unlock ko naman ng kanang kamay ko ang pinto. "Wag kangang magalaw" mahinahong sabi ko sa kanya "Sino ka para hutusan hako?" lasing na sabi nya. nahirapan tuloy akong buksan ang pinto Nang mabuksan ko ang pinto, inilalayan ko ulit sya papasok. inihiga ko sya sa kama. Oh s**t. she's so beautiful. nakatingin lang sya sa akin kahit pumipikit na ang mga mata nya. "Matulog kana" Sabi ko sa kanya kahit na hindi naman talaga yun ang gusto kong gawin nya. Inilayo ko ang paningin ko sa kanya para maiwasan ang kung ano mang naglalaro sa isipan ko. bakit ba kasi ang ikli ng suot nya?! "Hayaw ko!" Pagewang gewang syang tumayo sa kama natumba sya. Aalalayan ko sana syang tumayo pero nanghihina nyang tinulak palayo ang mga kamay ko. muli syang pagewang gewang na tumayo at pilit na ibinabalanse ang katawan. matutumba ulit sana sya kung hindi ko lang sya nakapitan sa baywang. Nakatingin lang sya sa akin habang nasa posisyon kami na sobrang lapit namin sa isat-isa. nakakapit ang kanan at kaliwang kamay ko sa magkabilang baywang nya habang nakapatong naman ang kanang kamay at kaliwang kamay nya sa magkabilang balikat ko. Tumingki sya at hindi ko inaasahang hahalikan nya ako. her soft lips and her deep kisses is driving me crazy. tinugon ko ang mga halik nya. I kissed her deeply with lots of passion and love. nalalasahan ko ang alak na ininom nya kanina. her kisses taste so good na para bang ayaw ko na bumitaw sa mga halik nya. I was about to kiss her neck but my phone rang. maingat ko syang inihiga sa kama bago sinagot ang tawag. *End of Flashback* Jerralyn's POV Hiyang hiya ako sa mga naalala ko. Kung may kapangyarihan lang akong maglaho, kanina ko pa ginawa. nakakahiya. ako pa talaga ang naunang humalik. "Sorry. hindi ko naman sinasadyang halikan ka. lasing lang talaga ako..." hindi sya sa akin makatingin ng diretso Ali's POV Hindi sinasadya. lasing lang talaga ako. okay. ibig sabihin, hindi nya ginusto. Kung hindi sya lasing, hindi nya yun gagawin. nagsisisi ba sya? kasi ako, hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD