Naging weirdo ngayong araw si Ali.
Hindi ko alam kung bakit ba sya galit.
Ano bang problema nya?
sa tuwing nilalapitan ako ni Albert (bumalik sya makalipas ang isang oras)
para bigyan ng tubig at punasan ang pawis ko, palagi kong nahuhuli si Ali na na nakatingin sa amin ng masama.
May sapi ba sya? o regla?
Minsan naman kapag papalapit na sa akin si Albert ay gumagawa sya ng paraan para mailayo ako.
katulad na lamang ng paghila sa kamay ko at sasabihing "Sorry akala ko si Mico"
kamukha ko ba ang pinsan nya?
mukha ba akong lalaki??
Minsan nga napipikon na si Albert
gusto nya na patulan si Ali pero sa tuwing magkakainitan na yung dalawa eh nagsisimula naman ang shooting.
Halata namang minamadali na ni madam Velasco at ni direk Tikki ang shooting dahil stress na stress na ang dalawa sa kasisigaw.
pumapasaway pa ang magkambal na si Jem at si Jeremy na walang ibang ginawa kundi ang kumain at mag ingay.
Ang arte pa ni Trixie.
kanina pa raw sya nasa initan. baka raw magka sunburn na sya.
samantalang gusto namang payungan ni George si Althea na mamumula na ang balat sa init pero baka may maghinala pa sa kanila.
Si Vica naman ay panay ang pa cute dun sa camera man na halatang naiinis na sa kanya.
Panay naman ang pang-aasar ni Mico kay Trixie na mukha naraw tortang kalapati at inaasar nya rin na mali-mali raw ang pinag gagagawa ni Trixie sa shooting.
"Ikaw ang mali! sabi ni madam Velasco, halikan mo daw ako sa pisngi Hindi l sa labi!"
sigaw ni Mico
"Ang kapal ng mukha mo! ang swerte mo nanga eh! isa pa, ikaw kaya ang humalik sa akin!"
"Silence!"
sigaw ni madam Velasco.
"Last scene nalang to! ayusin nyo naman!"
sumigaw na si direk Tikki na kanina pa naiinis.
"Okay. eksena nyo na Ali at Jerralyn! dapat may feelings ang kissing scene nyo okay?!"
sigaw ni madam Velasco na medyo malayo sa direksyon namin.
Namula naman ako at hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan.
Wala namang ekspresyon ang mukha ni Ali dahil sa malamang, nandidiri pa sya.
Habang halos itakbo naman ako palayo ni Albert 'wag lang matuloy ang kissing scene.
Ano na bang nangyayari sa buhay ko?
hindi ko alam kung swerte ba ito o kamalasan.
"Action!"
naatalon naman ako sa gulat nang sumigaw si madam Velasco.
Halos lumuwa na ang mga mata ko sa katititig kay Ali habang palapit sya sa akin.
hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nya dahil wala akong mabasa sa mga mata nya.
mukha lang syang nanunuod ng pinaka boring na palabas dahil wala manlang syang reaksyon.
Palapit lang sya ng palapit hanggang sa maramdaman ko ang mga labi nya sa mga labi ko.
marahang nakipaglaro.
nanghihikayat na bigyan ko ng tugon.
marahan nyang kinagat ang labi ko.
he's kissing me deeply...
"cut!"
"Great job! we're done!"
sigaw ni madam Velasco na sinundan naman ng hiyawan.
samantalang ilang segundo pa kaming nakatitig ni Ali sa isat-isa.
Bakit parang may kakaiba?
Ramdam ko parin hanggang ngayon ang malalambot nyang mga labi sa mga labi ko.
"Ehem... cut na daw po"
pang-iistorbo ni Vica na biglang sumulpot.
para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.
kaagad akong lumayo kay Ali na sya namang paglapit sa amin ni Albert.
"Oh. tissue. punas mo sa labi mo!"
iritang sabi ni Albert.
Pagkatapos ng lunch, nagpaalam na sa akin si Albert dahil marami pa raw syang gagawin at huwag ko na daw kakausapin at lalapitan manlang si Ali.
Ang hindi nya alam ay magkasama kami ni Ali sa iisang kwarto.
Hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina kahit na isang oras na ang nakakalipas.
para makalimutan ko, pumunta nalang ako sa beach at pinagmasdan ang mga magkakasamang magpapamilya na naliligo.
bumili ako ng milktea sa 'Rupert's Milktea Shop' na nakapuwesto sa baybayin.
katabi nito ang 'Angela's Burger and Shakes' at 'Cuties Souvenirs' na sinundan namna ng 'Tasty Grilled Seafoods' at iba pang mga tindahan.
"Bakit nag-iisa ka ineng? nasaan naman ang boyprend mo?"
tanong ng tindero na may katandaan na
natawa ako
"Wala po akong boyfriend"
"Sa ganda mong yan wala kang boyprend?"
"Hindi po ako maganda. Yung Asawa nya po ang maganda"
sabi ko na may ibang iniisip
"Anong sabi mo ineng?"
"Este— sabi ko po, mas maganda po ang asawa mo.."
"Ah.. Yun ba ang sinabi mo ineng? hehe nawawalan narin ako ng pandineg.
oh ineng milktea mo"
sabi ng tindero na iniabot sa akin ang chocolate milktea.
"Wag mo na bayaran yan ineng. libre ko na sayo"
"Po? naku nakakahiya naman po"
pero deep inside...
"Ayos lang"
"Salamat po"
nginitian ko ang tindero bago umalis at muling naglakad lakad.
Muli namang pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina.
Ang lambot ng mga labi nya..
ang marahang paghalik nya...
it's all perfect
"Masarap ba?"
may biglang bumulong sa akin
"Medyo— Vica??! ano ba?! basta basta ka nalang sumusulpot!"
muntikan ko na mabitawan ang iniinom kong milktea.
"Kung masarap ba?"
sinabayan nya ako sa paglalakad
"Masarap na ano? Ang bastos nito!"
humalakhak ng tawa ang gaga.
"Ikaw ang bastos beshie. yang milktea ang tinutukoy ko"
palusot pa ni Vica na halata namang yung halik talaga ang tinutukoy dahil may nakakairitang ngiti sa mukha nya.
"Oo. m—masarap"
"Yung halik?"
humalakhak ulit sya ng tawa na para bang hanggang ngayong araw nalang pwedeng tumawa
"Yung milktea!"
"Wait— si Ali ba yun?"
"Nasaan? nasan?"
nag panic kaagad ako
humalakhak nanaman sya ng tawa.
kainis.
"Alam mo? ang sarap sarap mong sampalin!"
"Hi guys"
sabay kaming napalingon ni Vica sa nagsalita sa likuran namin kasabay ng malakas na pagtibo ng dibdib ko.
"A— Ali??" sabay na nasabi namin ni Vica
"kilala mo ako?"
tanong ni Ali kay Vica
"A— oo naman! pamangkin ka ni madam Velasco diba?"
nataranta na tuloy kami ni Vica
"Yeah... syanga pala, may party mamayang gabi dito sa beach. punta kayo?"
tanong ni Ali
"Sure" kaagad namang tugon ni Vica na gustong gusto ang panties. I mean, parties.
"Ikaw Jerralyn?"
"H–ha? anong ako?"
bwisit. bakit ba parati nalang akong absent minded kapag kinakausap nya?
"Kung sasama ka sa party mamayang gabi"
"Ahm.. (umiiwas ako ng tingin) hindi nalang siguro. magpapahinga nalang ako"
"Okay"
ngumiti sya saka umalis.
"Mamamiya! ang gwapo nya pala sa malapitan beshie!"
tili ni Vica
"Agree"
"So, bakit ka naman hindi pupunta?"
"Alam mo namang hindi ako mahilig sa party"
"Minsan lang naman eh! punta ka na! pupunta rin si Ali kaya hindi mo rin sya masosolo sa kwarto nyo!"
"Sira!"
The more na nakikita ko at nakakausap si Ali, the more na naiinis ako sa sarili ko.
bakit ba kasi affected parin ako hanggang ngayon sa kanya kahit alam ko namang hindi sya mapasasa akin. bakit ba kasi umaasa parin ako?
Aaminin ko, galit parin ako sa kanya. galit na galit.
Paano nya nagagawang makipag-usap sa akin na parang normal lang ang lahat?
na parang hindi nya ako sinaktan?
na parang ngayon lang kami nagkakilala?
sa bagay. ano pa bang inaasahan ko?
kahit kailan naman hindi ako naging mahalaga sa kanya.
Sana pala hindi nalang sya bumalik.
Kanina pa ako dito sa kwarto. nililibang ang sarili.
bakit ba hindi pa dumating si Ali?
andoon na ba sya sa party?
bwisit.
ano bang pakialam ko sa kanya? at ano rin bang pakialam nya sa akin?
matutulog nalang ako.
Muli akong humiga sa kama at ipinikit ang mga mata.
Muli akong napamulat.
Bwisit.
kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa night table katabi ng maliit na libro na binasa ni Ali kagabi.
6:30 pm palang naman pala.
Ano kayang magandang gawin?
pumunta nalang kaya ako sa party?
No. I'm busy.
Oo tama. busy ako.
babasahin ko rin yung librong binasa ni Ali kagabi.
Kinuha ko ang maliit na libro.
tiningnan ko yung title
'How to Kill Rats and Cockroaches'
what?
Ali's POV
Seryoso ba syang hindi sya pupunta? hayyy... mabuti pang hindi nalang rin ako pumunta.
sasamahan ko nalang sya.
"Oh insan! saan ka pupunta? ten minutes nalang magsisimula na ang party!"
tawag sa akin ni Mico na pinsan ko.
"Pupuntahan ko lang si—".
"Ali! patulong naman ako sa pag a-arrange nitong mga pagkain oh"
tawag naman sa akin ni madam Tikki
"Opo! parating na!"
haaayyy...
"Sino bang pupuntahan mo?"
tanong ni Mico na nasa tabi ko
"Si Jerralyn sana insan"
"Hindi sya pupunta?"
"Hindi raw eh. gusto ko sanang masolo sya"
"Gogo... diba kasama mo naman sya sa isang kwarto? make a move!"
"Loko ka talaga insan. sana pala hindi ko nalang sinabi ang tungkol sa kanya"
pabiro ko syang sinuntok sa braso
"Nagtataka nga sya kung bakit kakilala ko sya. pero, bakit nga ba hindi ka mag first move? you love her"
"Insan, hindi naman yan madali. nasaktan ko sya ng sobra tapos bigla bigla nalang akong magpaparamdam na gusto ko talaga sya?"
bumuntong hininga ako.
I have a point. paano nalang kung magalit sya sa akin?
"Wag kana kasing magpaka astig insan. you love her? prove it!"
"Sana nga ganun lang yun kadali"
"Ako na ang tutulong kay madam Tikki. puntahan mo na sya"
"Talaga? salamat insan"
masaya kong pagkakasabi saka ko sya tinapik sa braso at nagmadaling umalis bago paman may muling tumawag sa akin.
Malapit na ako sa room 300 nang muling pumasok sa isipan ko ang magiging reaksyon nya kapag umamin ako.
Ano nga ba ang magiging reaksyon nya?
matutuwa ba sya? magagalit? mabibigla?
Ano bang sasabihin ko?
paano ko ba sisimulan?
dapat bang umamin na ako?
aamin na nga ba ako?
Habang palapit ako ng palapit sa room 300 pabagal naman ng pabagal ang lakad ko at parami naman ng parami ang mga iniisip ko.
Hindi kaya masyado pang maaga kung aamin ako?
Pumasok sa isipan ko yung lalaking kasama nya kaninang umaga.
Paano nalang kung maunahan ako nun?
Oo. kailangan ko nangang umamin.
nagmadali ako sa paglalakad.
Pero anong sasabihin ko?
paano ko sasabihin ang dahilan kung bakit ko sya nilayuan noong umamin sya ng nararamdaman nya para sa akin?
handa ba akong sagutin ang mga itatanong nya sa akin?
Sa kaiisip ko, namalayan ko nalang na nasa tapat na ako ng room 317.
Nanginginig ang kamay kong kinapitan ang doorknob.
Ano kayang ginagawa nya ngayon?
bubuksan ko na ba? o kakatok pa ako?
tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa doorknob.
sigurado ba ako sa gagawin ko?
muli kong hinawakan yung doorknob.
siguro naman ay maiintindihan nya ang dahilan.
Bubuksan ko na sana ang pinto pero nagdalawang isip nanaman ako.
paano kung wala na syang nararamdaman para sa akin?
paano kung umamin ako tapos sabihin nyang "Wala na akong gusto sayo"?
"Anong ginagawa mo?"
bumalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa likuran ko.
"Akala ko ba nasa party ka?"
lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Ngayong nasa harapan ko na sya, ano na ang sasabihin ko?
"Anong— anong ginagawa mo?"
ang tanong na unang lumabas sa bibig ko.
"Nauna akong magtanong Kaya mauna kang sumagot"
malditang pagkakasabi nya kahit na hindi naman makalaban ng titigan.
Ako naman 'tong akala mo ay matapang eh duwag naman.
"May... may sasabihin kadi ako sayo"
direktang sabi ko na hindi na nag paligoy-ligoy pa.
Paano nalang kung totoo yung sabi nya sa akin kagabi na may boyfriend nanga sya? paano kung yung lalaki na Ambert ang pangalan?
Ambert ba? ang bantot.
Tumahimik lang sya.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isipan nya pero sinasabi ng katahimikan nya na makikinig sya.
Kaya eto na. aaminin ko na.
"Jerralyn, kasi... gusto kong sabihin na—"
Pinanghinaan nanaman ako ng loob.
bakit ba kasi biglaan ang pag-amin ko?
dapat apla nag practice ako!
hindi pala ito madali.
"Ano bang sasabihin mo?"
"Ahm.. kasi Jerralyn... nakita mo ba yung maliit na libro na binabasa ko kagabi?"
"Ah. yung ang title ay 'How to kill rats and cockroaches?"
"Ah— y—yun ba title nun???—"