Revelation

2715 Words
Jerralyn's POV "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko sayo?" bulong ko kay Vica. "Yes beshie. pero mukha namang walang kinausap sa cellphone si madam Velasco. wala tayong makukuhang impormasyon" "Hayaan mo na nga lang. i-enjoy nalang natin tong dagat" saka ako nag dive. kalmado lang ang dagat kaya hindi maalon. Maya maya'y nagsisisigaw si kuya Berto "Pushtisho ko!!!" nahulog nya ang pustiso nya sa dagat. tawanan kaming lahat. tinulungan naman sya ni Frank at ni kuya Chito na maghanap. Sa hindi ko alam na dahilan, mukhang galit si madam Velasco. may itinayp sya sa phone nya bago umalis. Nang makasiguradong malayo na si madam Velaso, umahon na ako sa tubig at pumunta sa baybayin. sinundan naman ako ni Vica. iniangat ni Vica mula sa buhangin ang manipis na tela. sa ilalim ng tela ay ang phone nya na hanggang ngayon ay nag re-record parin. In-off nya ang pagrecord at umupo kami sa buhangin. matyaga naming pinakinggan ang pag-uusap ng mag tiya. ["Whats wrong tita? halika join ka sa amin"] boses ni Ali ["I have a plan. we must kill her"] ["A-ano?? no tita. ako ang mag dedesisyon kung papatayin sya o hindi"] tumawa naman si madam Velasco na parang sinasabi kay Ali na 'hindi mo yan kaya' Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? ["Please tita. bigyan mo pa ako ng sapat na oras para mag desisyon at wag na wag kang magdedesisyon nang hindi ko nalalaman. or else—"] ["Or else what?"] ["Or else ikaw ang mananagot sa akin"] seryosong sabi ni Ali bago maglaho ang boses nya. mukhang lumayo na sya. Ilang minuto naman kaming natahimik ni Vica. "Sino naman kaya ang pinag-uusapan nila? sino naman kaya ang papatayin nila?" Kumibit balikat lang sa akin si Vica. "Kung sino man ang papatayin ni madam Velasco, kailangan nating pigilan na mangyari yun" sabi ko pero mukha namang hindi sa akin nakikinig si Vica. nakatitig lang sya sa kawalan na para bang may malalim na iniisip. Tumayo ako para bumalik na sa loob ng hotel pero panandaliang pinigilan ako ni Vica "Beshie, sa tingin ko kailangan mong mag-ingat" tumayo sya mula sa pagkakaupo sa buhangin at seryoso akong tiningnan. "Siguro tama ang suspetsa mo na may koneksyon at posibleng magkaaway nga ang kuya mo at si Ali at alam naman nating hindi maganda ang pakikitungo sayo ni madam Velasco diba? paano kung— paano nalang kung ikaw pala ang balak nilang patayin?" Naalala ko ang mga sinabi ni Ali kay madam Velasco "Ako ang magdedesisyon kung papatayin sya o hindi" natigilan naman ako at biglang kinabahan. Si madam Velasco at si Ali, binabalak nila akong patayin! Kaagad kong tinawag ang tatlo kong bodyguards at kaagad naman silang lumapit sa akin "Bumalk na tayo sa hotel" nagmamadaling sabi ko. sumunod naman sa amin si Vica. Mabuti nalang hindi namin nakita si madam Velasco at si Ali nang pumasok kami sa hotel. "Mag empake na tayo" sabi ko. nagsisimula na akong mag panic. "Ano pong nangyari?" mukha mang nabitin ang tatlo sa swimming, nagmadali parin silang pumunta sa kwarto nila at nag empake. ganun din si Vica. nagbihis muna ako. pagkatapos ay nagmadali akong tanggalin ang mga damit ko sa cabinet at inilagay sa bagahe. sinigurado ko ang phone ko sa loob ng bulsa ng short na isinuot ko. pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakabihis na at nakahanda na ang tatlo kong bodyguards at maging si Vica. Hindi ako makapaniwalang ito pala ang plano sa akin ni Ali pagkatapos ng lahat ng nangyari. papatayin nya pala ako! "Walang dapat na makakita sa atin na aalis tayo ngayong gabi" "Madam, ano po ba talaga ang nangyayari?" hindi na napigilang magtanong ni Frank "Si Ali Johansson ay nandito sa hotel na ito at balak nya akong patayin" sagot ko nang makalabas na kami ng kwarto. Bumalik naman ang pagiging bodyguard ng tatlo. pinagmamasdan nila ang paligid habang nasa bulsa nila ang kamay nila kung saan may tinatago silang tig-iisang baril. mukha namang takot si Vica pero mukha rin naman syang agresibo. "Eh kung tawagan na kaya natin ang kuya mo?" suggest ni Vica nang makababa na kami ng first floor. lakad-takbo kami habang nag-uusap. "Hindi pwede beshie. paano nalang kung mapatay nila ang isat-isa?" Nakalabas na kami ngayon ng hotel. sa likod ng hotel kami dumaan para walang makakita sa amin. Kalmado na ang paligid at mukha namang walang nakasunod sa amin kaya naman medyo bumagal na ang paglalakad namin. "Ito pala ang plano nya sa akin... hindi ako makapaniwala.." hindi ko na napigilan pang umiyak. Kalmado ang paligid nang biglang— "Huli kayo!" si madam Velasco kasama ang limang mga tauhan nya. mabilis na binunot ng tatlo kong bodyguards ang mga baril nila at ganun rin ang ginawa ng mga tauhan ni madam Velasco. sabay naman kaming napalunok ng laway ni Vica. dapat pala nakinig ako kay Vica. dapat kanina palang tinawagan ko na si kuya para humingi ng tulong. Rinig na rinig ko ang mabilis na t***k ng puso kosa kaba. papatayin nila kami! "Kung alam ko lang na magiging sagabal ka paglaki mo sa mga plano ko, dapat pala pinatay na kita noong bata ka palang" nagsalubong ang dalawa kong kilay. ano naman kaya ang ibig nyang sabihin? Tumawa sya na para bang nasisiraan na sya ng bait "Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko. kalahating galit, kalahating takot. "Ah... wala ka pa palang alam. Okay sige. sasabihin ko sayo" Umupo sya sa malaking bato na para bang magkwe-kwento lang ng pampatulog na kwento sa mga paslit. "Ang mga magulang ni Ali at ang mga magulang mo ay dating magkaibigan" marahas syang bumuntong hininga na para bang nakabasa sya ng cheesiest story sa buong kasaysayan. "Humingi ako ng tulong pinansyal sa mga magulang ni Ali because that time ay nag-aagaw buhay na ang una kong anak. nakiusap ako. but they were so ungenerous. hindi manlang nila ako tinulungan. I was so desperate. then nakilala ko si Julio. ang ama mo namang babero. inakit ko sya. I gave everything. i did everything. but in the end? nalaman kong gusto nya akong ipapatay dahil natakot syang magsalita ako sa ina mo. but I'm not stupid. may ginawa akong plano para masira si Julio at ang kapatid kong walang awa na si Alfredo. Pinalabas ko na si Julio ang traydor. naniwala sa akin si kuya Alfredo pero hindi niya pinatay si Julio kaya naman nagalit ako at ako na mismo ang pumatay kay Julio at sinunod ko ang mga magulang ni Ali. Ang alam ni Ali ay si Julio ang pumatay sa mga magulang nya ta ang alam naman ng kuya mo ay si Ali ang pumatay sa ama nyo ni Kazandro." nagawa nya pang ngumiti nang sabihin nya ang mga yan. "Ikaw pala ang demonyo—" sinubukan kong lumapit sa kanya pero tinutukan ako ng baril ng isa sa limang mga tauhan nya. tumawa sya na parang isang tunay na demonyo. "Ako nga! hindi lang yun! dahil nagalit ako kay Julio dahil hindi nya ako binigayn ng sustento sa anak naming si Mico, nagalit ako kung kaya't kinuha kita at ibinigay sa ibang pamilya. dapat lang yun sa mga magulang nyo. dahil, dahil sa kanila, namatay ang anak ko! hindi manlang nila ako tinulungan! kahit nalaman na ng ama mo na anak namin si Mico, hindi parin sya naawa kaya dapat lang na pinatay ko sya!" "Ibig sabihin, kapatid ko sa ama si Mico?? ikaw—! hayup ka talaga!" makalapit lang ako sa kanya papatayin ko talaga sya! "Kung alam ko lang na ikaw ang batang anak ni Julio na ipinamigay ko sa ibang pamilya? hindi na sana kita tinulungan sa career mo bilang isang manunulat!" Tumayo sya at binigyan ako ng pinaka pangit na ngiti na nakita ko sa buong buhay ko. "Bakit hindi mo pa ako pinatay noong bata palang ako? o noong dinala mo ako sa mansyon ni Ali?" "Oo nga nuh? dapat nga pinatay nalang kita. kaya lang naisip kong sobra namang bilis. mas maganda sana kung si Ali mismo ang papatay sayo" "Ang sama mo talaga! At anong plano mo kay Ali? ha? papatayin mo rin ba sya?!" "Exactly my dear! pero hindi pa ngayon hanggat hindi ko pa nakukuha ang kayamanan nya! at pagkatapos, papatayin ko na kayong lahat.. at ikaw, ikaw ang sagabal! sa tingin mo ba hindi ko alam na nagkakaroon ka na ng maliit na pag i-imbistiga? paano nalang kung malaman mo ang buong katotohanan na ako pala ang nasa likod ng lahat ng ito? paano nalang kung sa kadaldalan mo ay malaman ni Ali at ni Kazandro? edi nasira ang lahat ng plano ko!" "Wait— paano mo nalaman? paano mo nalaman na nag i-imbistiga ako?" muli kong narinig ang nakakainis nyang tawa "Bakit hindi mo tanungin dyan sa bakla mong kaibigan?" mabilis akong napalingon kay Vica. Naluluha na ako. hindi ako makapaniwalang magagawa nya ito sa akin. pinagkatiwalaan ko sya! "Ikaw? Ikaw Vica??" Nakayuko lang sya at pinagpapawisan sa kaba. sinampal ko sya ng malakas. "How dare you? How dare you VIca?!" galit na galit ako. "I'm sorry beshie..." umiiyak na sya ngayon "Im sorry? beshie? tumingin ka sa akin Vica. tumingin ka! paano mo ito nagawa sa akin?! all this time tauhan ka pala ng demonyong to?! (itinuro ko ang mukha ni madam Velasco na nakangiti naman na parang isang demonyo) ano bang ginawa kong masama sayo?!" nanginginig na ako ngayon sa galit Maya maya'y bigla namang nagbago ang expression ng mukha nya "Palagi nalang kasing ikaw ang bida! lahat nalang nasayo! atensyon, pamilya, rangya ng buhay, ganda, ang perpekto ng buhay mo! samantalang ako? eto ako na isang bakla, namamalimos ng atensyon at inggit na inggit sayo!" natawa ako. hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. ang swerte swerte ko! "Naiinggit ka? bakit Vica, hindi ko ba ibinabahagi sayo ang mga meron ako? pinatuloy ka namin ni kuya sa mansyon namin! kapag may problema ka dinadamayan kita kahit hindi ko na nareresolbahan ang sarili kong mga problema matulungan kalang! at kahit noong gipit na gipit ka, kahit na wala akong pera, gumagawa ako ng paraan matulungan ka lang! noong namatay ang mga magulang mo, sino ang dumamay sayo? ha? natulungan ka ba ng mga kamag-anak mo? hindi Vica! ako! ako ang dumamay at tumulong sayo! kapag broken hearted ka, sino ang kasabay mong umiyak? kapag may bumu-bully sayo dahil bakla ka, sinong nakikipag suntukan? diba ako?!" Hinang hina ako. I feel so betrayed. Tinuring ko syang parang isang tunay na kapatid. hindi ko na napigilan pang umiyak. "Saka nyo na pag-uspan ang tungkol sa bagay nayan! tawagan nyo na si sir Kazandro at sabihin ang lahat!" sabi ni Frank na mukhang naiinis na sa drama "Sige! subukan nyong magsumbong! papatayin ko kayong lahat pati na si Ali at si Kazandro!" "Paano mo ito nagagawa? napaka sama mo! hayup ka Velasco!" "Ahm... parang mali ang nasabi ko. hindi ko na pala hahayaang makapagsumbong kayo dahil ngayon palang ay papatayin ko na kayo! (sinulyapan nya ang lima nyang mga tauhan) ano pang hinihintay nyo? barilin nyo na sila!" Utos ni madam Velasco sa mga tauhan nya. pero bago paman magpaputok ang mga tauhan nya, isang putok ng baril mula sa likuran ko at ng mga tauhan ko ang tumama sa isa sa mga tauhan nya "Albert??" "Umuwi kana Jerralyn sa mansyon nyo! nakita ko si Kazandro kasama ang dalawa nya pang tauhan. kinuha nila si Ali at sigurado akong papahirapan nila sya!" "A-ano??" Taranta man, kumilos parin ako. tinutukan ako ng baril ng apat pang mga tauhan ni madam Velasco pero kaagad na tinutukan rin sila ng mga baril ng mga bodyguards ko at ni Albert na hindi ko talaga inaakalang tutulungan pala kami. Tumakbo ako palayo sa kanila. desperadong desperadong makauwi kaagad. sa kaliwang kamay ko ay mahigpit kong kapit ang phone ko na hanggang ngayon ay nag re-record parin. sinave ko ang narecord ko. Alam kong hindi ako paniniwalaan ni kuya at ni Ali sa mga sasabihin ko dahil iisipin nilang pareho ko lang silang prinoprotektahan. kung kaya naman ay kailangan ko ng katibayan. Samantala, habang tumatakbo sa direksyon patungong hotel para hanapin ang mga kasamahan namin, marami akong nakakabunggong mga tao. Ang iba ay tumatakbo palapit sa lugar kung saan nanggagaling ang palitan ng mga putok ng mga baril. "Jerralyn, saan ka galing? naririnig mo ba? may mga nagbabarilan!" mahinhin pero kinakabahan at nagmamadaling sabi ni Althea na kasama si George na mukhang handang gawin ang lahat maprotektahan lang sya sa gulo. "Pasensya na Althea. George, marunong ka bang mag maneho ng bus? nasaan na ba yung driver natin?" "Ah... tauhan nga pala yun ni madam Velasco. bakit ano ba ang nangyayari? at anong nangyari sayo?" Tanong ni George na nahalata ang pagiging balisa at ang pagmamadali ko. "Wala akong panahon para sagutin ang lahat ng tanong nyo! marunong ka bang magmaneho??!" *Patuloy na maririnig ang palitan ng mga putok ng mga baril* "Hindi eh." sabi nya na nabunggo ng babaeng tumatakbo palayo. Napasigaw nalang ako sa inis at sa galit. "Kami marunong" biglang singit sa usapan ng kararating na kambal Nagmadali kaming lima na tinakbo ang parking area na malapit sa kalsada kung saan doon ipinarada ang bus pero wala kaming natagpuang bus doon kundi ang isang kotse. "Hmm.. mukhang wala tayong ibang mapagpipilian kundi ang maging magnanakaw ng kotse ngayon" Bago paman matapos na umihi sa kanto ang may-ari ng kotse ay mabilis na kaming nakasakay. Si Jem ang nagmamaneho habang katabi nya naman ang kakambal nyang si Jeremy na paminsan-minsan ay nangingialam sa pagmamaneho. "Ano ba?! mapapahamak tayo sa pangingialam mo!" singhal ni Jem "Eh ang bagal mo kasing mag maneho! mali pa ang nililikuan mo!— bobo! sa kaliwa!" sa pag-aaway ng dalawa, pagewang gewang ang sinasakyan naming kotse at nagdadasal na si Althea na sana ay hindi kami mamatay. Sinusubukan kong tawagan si kuya pero naka off ang phone nya. "Ano bang nangyayari?" tanong ni Althea na para bang naiwan ang lakas sa bakasyon. "Saka nyo na ako tanungin kapag nakarating na tayo sa mansyon— Jem! Jeremy! mabubunggo tayo— oh s**t! muntikan na tayo dun!" muntikan na kaming mabunggo sa barrier dahil sa pagtatalo ng dalawa pero mas inaalala ko ang posibleng nangyayari na ngayon kay Ali sa mansyon. at sigurado akong papatayin ni kuya si Ali nang hindi manlang nalalaman ang katotohanan. Paano kung mapatay nga ni kuya si Ali? paano nalang kung makulong si kuya at kinakailangang ako ang magpatuloy ng pagbebenta ng mga drugs at ng mga baril? paano nalang kung balikan ako ni madam Velasco at ng mga tauhan nya? o kaya naman, paano nalang kung hindi ko mapatakbo ng maayos ang negosyo ni kuya? paano kung mahuli kami kaagad ng mga pulis? edi nakulong din ako kasama ni kuya at ng mga bago nyang mga kaibigan sa loob ng kulungan na mga mukhang r****t! Biglang nagtilapon ang lahat ng nasa isip ko nang biglang lumiko ang sinasakyan naming kotse na dahilan para masubsob ang mukha ko sa bintana ng kotse. "Kapag naligaw tayo, ikaw ang sisisihin ko!" galit na galit si Jeremy sa kakambal na para bang gusto nyang tumalon nalang kesa si Jem ang patuloy na magmaneho. "Kapag namatay tayo, ikaw ang unang una kong mumultuhin!" "Eh paano mo ako mamumulto kung patay narin ako?" "Wait— Tigil! nandito na tayo!" sigaw ko. Kaagad naman nilang hininto ang sasakyan dahilan para magtilapon kami "Shit." nagmadali akong lumabas ng sasakyan. sinundan naman ako ng apat. Tumakbo ako papasok ng mansyon nang biglang makarinig ako ng isang putok ng baril. kaagad akong napahinto sa pagtakbo maging ang mga kasama ko na nababalisa narin sa wakas kagaya ko. "What the hell is happening?!" napamura na si George. Napayakap naman sa kanya sa takot si Althea habang nagkayakapan naman ang magkambal na kanina ay halos ayaw nang makita ang isat-isa at ang mga repleksiyon nila sa salamin. Nanghina naman ang mga tuhod ko. Napaluhod ako at humagulhol ng iyak. sigurado akong ang putok ng baril na iyon ay nanggaling sa baril ni kuya o kaya naman nanggaling sa isa sa mga tauhan nya. Wala na. patay na si Ali. Namatay si Ali na hindi manlang nalaman na ang tita Velasco nya pala ang may kagagawan ng lahat at nakapatay si kuya ng taong mahal ko at wala naman talagang kasalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD