Start na nang championship para sa Zone Meet nila, kaya busy ng sobra si Zapper. But he made sure na ipaalam iyon kay Zandra. He's being loyal since naging sila. Three months na rin mula nang maging official ang relasyon nila. So far okay naman sila but not his parents and Charry. But he doesn't care, as long as Zandra is with him, he will love her until the end.
Abala naman sa academic ang dalaga, dahil hindi sila kasali sa laro, they have exam, athletes are exempted but after her class she made sure na mapuntahan ang kasintahan sa sports complex. To give her full support.
"Hoy, babaita, bakit ang lalim nang buntonghininga mo r'yan at tila naglalakabay sa kalawakan, huh? Ano iniisip mo?" Biglang sulpot at sabi ng nagiisa niyang kaibigan na si Wella.
"Ano ka ba naman girl, naiinip na ako ang tagal pa ng klase natin matapos. Gusto ko nang pumunta sa sports complex. Kawawa naman 'yung mahal ko, wala ako roon para mag cheer sa kanya," sagot naman ng dalaga kay Wella.
"Ay grabe s'ya, oh, inlove ka talaga girl doon sa jowa mo? Seryoso ka ba talaga roon?"
"Hoy, baklita ka, wag mo masabi-sabi' yan, ah. Natural seryoso ako. Siya kaya ang pangarap kong lalaki sa buong buhay ko. And he's my everything," tila may mga puso sa mga mata niyang sagot rito.
"Naku, ewan ko sa'yo girl. Sana lang talaga seryoso rin siya sa'yo. Huwagag ka lang niyang saktan, naku baka ihambalos ko sa kanya itong makeup kit ko pag-nagkataon," gigil na wika ni Wella.
"Salamat girl, you're really my best friend." Sabay hug ng dalaga sa kaibigan.
Samantala habang nasa games si Zapper, wala namang patid sa pagchi-cheer si Charry sa kanya. Nginingitian n'ya lamang ito. Alam ni Zapper na mahal s'ya nito kaya kahit may klase ay hindi talaga ito pumasok para lang suportahan s'ya sa game niya. Ayaw niya rin bigyan ng false hope ito na mahal niya as a woman, he loves her like a sister. Hanggang doon lang.
MATAPOS ang laro at tagumpay na nasungkit ni Zapper ang medalya para sa championship. Napakasaya niya at kiyra niya mula sa puwesto niya ang kanyang kasintahan na todo ang talon at pagchi-cheer sa kanya. Napansin niya rin na masama na ang tingin ni Charry sa mahal niya. Pero in-ignore niya lamang.
Mabilis siyang lumapit sa kasintahan at Ubod ng higpit niya itong niyakap. At hindi niya rin na pigilan na halika ito S alabi sa harap ng maraming estudyante. Masaya siya at ang tanging inspirasyon niya ay ang dalagang si Zandra.
After sa sports complex, tumungo sila ng mga kasama niyang athlete rin para mag-celebrate dahil sa tagumpay na champion sila in all division. Kahit na magagaling ang ibang schools, kinaya pa rin nilang talunin iyon. S'yempre hindi mawawala ang kasintahan sa tabi niya. Para sa kanya lucky charm niya ito. Hindi rin humihiwalay si Wella at si Charry sa kanila.
Matapos ang selebrasyon, inaya ng binata si Zandra na pumunta sa mansion nila. Wala ang magulang ng binata dahil nasa business trip ang mga ito. Pagkakataon niyang masolo ang dalaga. Kapag nasa labas kasi sila walang tigil ang oagbunto ng dalawang kaibigan nila.
"Love, rito na lang tayo sa room mag-celebrate, hindi kita masolo, eh. Lagi tayong may chaperone." Wika nito at mabilis siyang niyakap. Iginiya siya nito sa kama upang maupo.
"I love you," malambing na turan ng binata sa kanya.
Kabadao man sa maaring mangyari sa kanila dahil sila lamang dalawa sa mansion. Kasalukuyan rin na nasa palengke ang dalawang kasambahay nito. Tanging security guard lamang ang naroon at nasa gate lamang ito nakabantay.
Sa kabilang banda naman nakasimangot si Charry nang makitang hindi sya nilapitan ni Zapper, bagkus iyong girlfriend nito ang nilapitan.
Umuusok ang ilong ang tenga n'ya sa inis. At bigla na lamang nawala ang dalawa sa paningin niya. Ginagawa niya ang lahat mapansin lamang ng kababata na may pagtingin siya rito, pero bale wala lamang sa lalaki iyon.
Kelangan niyang gumawa nang paraan para mapaghiwalay niya ang dalawa. Hindi puwedeng magpatuloy ang pagmamahalan nila tapos s'ya nasasaktan ang damdamin.
Hindi niya talaga matanggap na hindi siya ang niligawan ni Zapper. Alam niya naman na parang kapatid lang ang pagmamahal nito sa kanya pero 'di s'ya papayag na hanggang doon lamang iyon. Dapat maging sila hanggang dulo.
Humanda ka Zandra, pagbabayran mo ang pang-aagaw sa lalaking pinakamamahal ko! Nanggagalaiti n' yang sambit sa sarili. Agad siyang umuwi para mag sumbong sa magulang niya. Kakampi niya ang mga ito sa lahat ng gusto niyang makuha, mga magulang ang umaagapay sa kanya.
Samantala dahil sa kasiyahang nadarama ng magkasintahan. At sa pagmamahal na binibigay nila sa isa't isa. Pinagsaluhan nilang dalawa ang pulot gata sa unang gabi nilang magkasama sa bahay ng lalaki.
Masayang masaya si Zandra nang pauwi na siya sa kanila dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Zapper.
Si Zapper naman hindi mapuknat ang mga ngiti na sa unang pagkakataon, eh, may nangyari sa kanilang dalawa ni Zandra. Pareho nilang first time iyon kaya naman walang pagsidlan ang kasiyahan n'ya.
Lumipas ang isang buwan, nakaka ramdam ang dalaga ng pagkahilo at hindi magandang panlasa. Madalas rin siyang magsuka sa umaga. At hindi niya inaasahan na malalaman ng magulang niya na nagsusuka siya. Pina-check up siya ng mga ito upang masiguradong hindi malala ang sakit niya. Pero ganoon na lamang ang pagkagulantang nila ng sabihin ng doctor na nagdadalantao ang dalaga. Sa edad ng deysi sa is ay Isa na siyang ina. Ilang buwan na lamang sana ay tapos na siya sa high school. Sa galit ng magulang niya at hindi matanggap ng mga ito ang sinapit niya, pjnalayas siya sa bahay nila.
"Lumayas ka rito, Zandra. Wala kaming anak na haliparot! Ilang beses ipinaalala sa iyo, na huwag mong hayaan humantong sa hindi magandang sitwasyon ang pakiipahrelasyon mo. Pero hindi ka nakinig! Lumayas ka!" Agad siyang itinulak ng ama palabas ng bahay nila. Ang kanyang ina naman ay panay lamang ang iyak sa gilid, hindi man lamang siya nilapitan.
Dahil wala na siyang mapuntahan, naisipan niyang pumunta sa bahay nila sa Zapper at ipa alam rito ang sitwasyon niya. Kahit naman sa murang edad niya, hindi niya kayang ipalaglag ang bata. Pagsisikapan nilang dalawa ni Zapper na palakihin ang magiging baby nila. At saka na lamang siya babalik sa mga magulang niya kapag maayos na siya.
Mabilis siyang tumungo sa mansion ng mga Montenegro, pagkarating roon at agad siyang pinatuloy ng guard dahil kilala na siya nito. At sinabihan siya nito na mag-ingat sa loob dahil naroon ang magulang ni Zapper. Wala na siya S ahuwisyo para intindihin pa ang sinabi ng guard. Mabilis siyang pumasok sa mansion.
Kahit kabado at hindi niya alam ang magiging reaction ni Zapper, alam niyang kailangan malaman nito ang kalagayan niya.
Pagkapasok sa mansion, tinungo niya agad ang kuwarto ng binata. Nakasalubong niya pa ang isang katulong.
"Hello po, Ate, gusto ko lamang po makausap si Zapper?" Wika niya rito habang papalapit sa kuwarto ng binata.
Magsasalita pa sana ito pero huli na at nabuksan niya na ang pintuan ng silid. Masyado kasi siyang excited na makausap ang kasintahan. But to her surprise tulog ang binata at may katabi ito, si Charry. Parehong hubo't hubad sa ibabaw ng kama.
Magsasalita pa sana siya pero mabilis siyang hinila ng ina ni Zapper palabas nang mansion ng mga Montenegro.
Gulantang ang reaction niya sa pangyayari.
"You are not allowed here. Since both Charry and my son having an affair, they will get married as soon as possible," Iyon lamang ang sinabi ng ina ni Zapper at iniwan na siya sa labas ng mansion.
Ang sakit ng puso niya. Ang sakit nang nararamdaman niya.