(AFTER 8 YEARS)
Inay! Sigaw ni Julio, panganay ni Zandra, mula sa labas.
"Bakit anak anong nangyari at kung makasigaw ka, eh, daig mo pang nagtawag ng bumbero?"
"'Nay si Julia kasi, eh, pinipilit na pumunta kami sa tindahan para bumili nang chichirya na paborito niya, eh, kulang na 'yung baon namin' di na kasya pambili," sagot ni Julio sa ina.
Mayamaya sumunod na si Julia, pumasok sa bahay nang nakasimangot, ang bunso niyang anak. Sa totoo lang kambal sila. Si Julio ang panganay nauna lang ng limang minuto bago sinundan ni Julia.
"'Nay kasi, gusto ko' yung chippy, eh, ayaw ni Kuya bilihin, eh. Paborito ko 'yun. Matagal ko na nga hindi natitikman a'yun, eh," hindi pa man tinatanong sumagot na ang unica hija niya.
"Anak, sabi ng Kuya kulang na ang pera pambili ng chippy. Kaya 'di muna n'ya bibilhin para sa iyo," sagot n'ya sa anak kalmado. Hindi niya puwedeng pagalitan ang mga anak niya dahil madali itong magdamdam.
"Kailan pwede mabili, ni kuya,'yun, 'Nay? Natatakam na kasi ko ulit makakain ng chippy kasi ilang buwan na ako di naka-kakain noon, eh,"
"Hayaan mo anak kapag may sobra sa kinita ni Nanay rito sa mga binebenta kong mga gulay, eh, bibili tayo nang dalawa para tag-isa kayo, ni Kuya," wika ni Zandra.
"Talaga, 'Nay!" masiglang sagot nito.
"Oo anak kaya ngayon pagpasensyahan mo muna at hindi muna natin mabibili 'yun, ah. Kailangan pa natin mag-ipon para pambayad sa upa nang bahay at sa baon n'yo sa school," aniya sa anak.
Walong taon na ang nakakaraan mula nang mangyari ang pinakamalungkot sa buhay niya. At bente kuwatro na siya ngayon. Hindi nga raw halata na may kambal na siya dahil bata pa naman daw ang edad niya. Bata rin kasi siyang nabuntis.
Pinalayas siya ng kanyang mga magulang, naabutan niyang may kasiping ang kanyang kasintahan at walang-wala siya.
Sa mga nagdaang taon, hindi niya lubos akalain na nalagpasan ang pagsubok ng buhay n'ya. Sa tulong ng kambal, bumangon s'yang mag-isa para itaguyod ang kasalukuyang buhay na hinaharap n'ya.
Masyadong masakit ang mga pangyayaring iyon na ayaw n'ya nang balikan muli.
Kahit hirap man siyang itaguyod ang kambal niya, masaya pa rin siya dahil kahit paano may pamilya pa rin siyang maituturing. Iyon ang kambal niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag aaral. Gagraduate na sana siya noon sa high school ngunit nangyari ang trahedya na nagpabago ng buhay n'ya.
Buti na lang nand'yan si Wella na ngayon ay isa nang successful sa business nitong salon. May dalawa na itong branch.
Minsan kahit tumanggi s'ya sa ibinibigay nitong tulong 'di niya rin maiwasan huwag tanggapin dahil kailangan din ng kambal. Hiyang-hiya na siya sa kaibigan pero wala siyang magawa ito na lamang ang mayro'n siyang nagmamalasakit sa kanya.
Tinalikuran din siya ng mga kamag anak niya dahil isa raw s'yang disgrasyadang babae na teenager pa lang, eh, nagpabuntis na.
Typical na mapanghusgang nilalang sa paligid niya.
Matapos ang diskusyon nilang mag-ina. Pinagpalit niya na ang mga ito nang pambahay na damit para malabhan na agad ang nag-iisang uniporme nang mga ito, para bukas muli sa pagpasok sa eskwelahan ay may masusuot sila.
Mabuti na lamang, libre ang pagpapa-aral sa public school kaya kahit paano hindi siya hirap na pag-aralin ang kambal. Matatalino ang mga ito kaya madalas may awards sila.
Habang siya naman ay nagtitinda nang gulay sa tapat ng apartment nila na inuupahan niya. Binigyan siya ng puhunan ni Wella para kahit paano may kinikita siya. Gusto sana s'ya nitong ipasok sa salon kaso wala naman siyang alam na trabaho roon. Pero minsan suma-sideline s'yang janitress kahit taga-linis man lang ay pwede na. At binibigyan siya ni Wella nang pang-gastos after n'ya sumaydlayn.
Konti lang ang alam niyang trabaho dahil nga kasama niya pa ang magulang n'ya Tila isa siyang prinsesa na hindi siya hinayaan gumawa ng gawaing bahay. Pero nung naghirap siya natutunan niya kahit paano ang mga gawain at mag trabaho kahit tagalinis lang.
Dito sila sa may Payatas napadpad mula ng umalis siya sa lugar nila.
Dito n'ya itinataguyod ang kambal.
Ngayon n'ya na-appreciate na kahit simple lang ang buhay basta masaya kayo, okay lang ng. Life must go on, ika nga.
Samanatala....
"Sir you have a meeting this lunch to Mr. Galvez para po sa expansion nan isang branch ninyo sa Quezon city." wika ng secretary niya.
"Okay, thanks for informing me, Jake." sagot ng binata.
Kabilaan ang meetings n'ya this month Kaya very hectic ang schedule.
"Ahm… Sir, one more thing. Miss Charry called, may dinner date raw po kayo mamaya," pahabol na saad ng secretary n'ya.
"Pakisabi cancel ang dinner mamaya. I have lot of things to do," sagot niya. Actually ayaw niya makita ito. Napaka-assuming kasi.
"Okay po, Sir, noted," Sagot nito bago bumalik sa pwesto n'ya sa labas ng opisina ng binata.
Napahilot na lamang sa sentido ang lalaki dahil sa dami nang trabaho niya araw-araw.
Siya ngayon ang nagmamay-ari ng pinaka-malaking mall sa bansa, minana niya pa sa lolo niyang yumao kailan lang. Maliban sa ipinatayo niyang hotel noong nasa America siya. Nagsikap siya noon, nang maghiwalay sila ng kanyang pinakamamahal na babae.
Bente kuwarto anyos na siya ngayon at single pa rin. May mg akaulayaw minsan dahil lalaki lang naman siya pero hindi niya siniseryoso. At nagugulat na lang rin siya hindi niya na nakikita ang mga ito after niyang magkasama ng isang gabi. Minsan nalaman niya na ang isa at pinagbantaan ni Charry na sa saktan kapag hindi siya nilayuan. Kaysa makulit ang nangyari noon sa kasintahan niya. Itinigil niya na muna ang pakikipag ulayaw sa mga babae. Charry is obsessed with him.
Magkaibigan pa rin sila ni Charry kahit na nangyari ang mga hindi inaasahan noon. Bigla siyang napaisip…"It's been eight years, how is she? I never seen her after I broke up with her." Ani ng isip niya.
Yes, it's been eight years pero nasa puso niya pa rin ang babaeng minahal niya noong high school sila. Dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari, kahit labag sa loob niya noon na iwan ang mahal niya.
But even he's far from her, since he started earning money. He started to look for her. But it's been three years, still no trace of information na dumarating sa kanya. He even hired investigator.
"Jake, how is the progress of Squatter land in Payatas? Can we visit there later? I really need to buy that land," tanong niya sa kanyang secretary nang pumasok ito at nagbigay ng kape niya.
"Still in process, Sir. Nakausap ko na pala iyong kapitan nila roon. Pero hindi niya sure kung papayag daw ang mga resident kahit na nagbigay tayo ng assurance na may relocation sila. Kakausapin ko rin po ang Mayor nila roon, kung ano ang magandang gawin," salaysay nito sa kanya.
Tumango na lamang siya.
"In a few minutes let's visit that place," usal niya rito.
Para kasing may humihila sa kanya na dalawin niya ang area. Although hindi niya pa talaga iyon nakita ng buo. Pictures lamang. Sabi kasi ay ibinibenta iyon ng gobyerno para mawala na rin ang dump site. Gusto niya lamang tinignan kung maganda ba ang area kung sakaling magpatayo siya ng hotel roon.
Hindi nagtagal, lumulan na sila sa Payatas. Nakikita niyang maraming nakatira roon at dikit dikit ang mga bahay.
Ngunit may nakaagaw ng atensyon niya. Isang babae na kinakausap ang dalawang bata.
Tinitigan niya ito at napagtanto na kamukha ni Zandra.
Bumaba siya ng kotse at wala siyang pakialam Kung tinatawag na siya ng kanyang secretary, gusto niyang makumpirma kung totoo nga ba ang nakikita niya.
"Zandra?" tawag niya sa babae pagkalapit.
Tumingin naman ito sa gawi niya at nanlalaki ang mga mata nang makita siya. Mabilis itong hinila ang dalawang bata at patakbong lumayo sa kanya. Hahabulin pa sana ng binata ngunit na pigilan na siya ng secretary niya.
"Sir, tumatawag po ang daddy ninyo," Wika nito habang pinipigilan siyang sundan ang babae.