Episode 4

1103 Words
"Zandra! Zandra!" Tawag ng binata pero hindi na lumingon pa ang babae sa kanya. Napapadyak na lamang siya nang pigilan siya ng kung sino. Mabilis na hinila ni Zandra ang dalawang bata nang makilala niya kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Ang taong matagal niya nang pilit kinakalimutan. Si Zapper. Mabuti na lamang at nakatalikod ang mga anak niya. "Sana huwag na muling magtagpo ang landas natin, Zapper. Kinamumuhian pa rin kita," bulong niya sa sarili. Makalipas ang dalawang araw, naglalakad na siya pauwi, makaubos lamang ng paninda niya. "Narinig n'yo na ba 'yung balita? Bibilhin na raw itong lupa na kinatitirikan ng squatter dahil patatayuan ng resort at amusement park," Sabi ng isang kapitbahay nila nang mapadaan s'ya sa tindahan. Pauwi pa lamang ang dalaga. Sigurado na tulog na ang kambal niya. Naroon naman si Wella at ito ang nagbabantay kapag ginagabi siya. Sa totoo lang, napapaisip rin siya sa nakita niya noong isang araw. Si Zapper narito sa Squatter. Ano kaya ang ginagawa noon rito? Napapaisip din s'ya saan sila titira kung totoo nga 'yung sinabi ng kapitbahay nila? Wala pa siya halos ipon. Hindi naman siya puwedeng makisiksikan kay Wella, nahihiya na siya sa kaibigan. Kinabukasan... "Inay! Inay! May mga tanod po sa labas gusto raw po kayo kausapin," ani ni Julio. Matatas na magsalita ang anak niyang lalaki at advance rin mag-isip ito. Parang hindi bata minsan ang kausap niya. "Bakit daw anak, anong sadya nila?" Abala kasi s'ya sa paghahanda ng almusal ng mga ito dahil papasok pa sa eskwela. Parang kailan lang babies pa ang kambal niya ngayon nag-aaral na. Kaya todo sipag n'ya sa pagtitinda kahit iyon man lang ang hanap-buhay n'ya mapunan man lang ang pangangailangan ng mga anak n'ya masaya na s'ya. "'Di ko po alam, Nay, eh, puntahan n'yo na lang po. Ako na po mag aasikaso kay Julia," Maasahan n' ya na ito sa gawaing bahay. Kahit si Julia marunong na rin ayusin ang sarili. Matatalino ang mga anak n'ya kaya hindi siya hirap na alagaan ang mga ito. Noon lang nang maliliit pa ang mga ito, hirap talaga siya. Bukod sa dalawa sila, eh, kailangan mabilis ang kilos niya dahil nagtitinda rin siya sa talipapa malapit sa tinitirhan nila. "O, sige ikaw muna ang bahala sa kapatid mo, ah. Pakainin mo si Julia ng marami, para hindi magtuturo ng chitchirya sa school n'yo," "Opo, Nay!" Sabay salute ni Julio. Pangarap daw nito maging sundalo pero 'di n' ya papayagan dahil natatakot s'yang baka makipagbakbakan ang anak n'ya sa gyera at mapuruhan ito. Hindi niya kakayanin. Sabagay bata pa naman ang anak niya, tiwala siyang magbabago pa ang pangarap nito. Umalis na siya ng kusina at nagtungo sa labas ng bahay nila. Naroon nga ang mga tanod at hinihintay siya. "Magandang umaga ho sa inyo, ano ho bang maipaglilingkod ko?" magalang niyang bati sa dalawang tanod. "Ah, kasi Misis, may mga petisyon kaming pinapapirmahan sa mga residente rito sa squatter. Para sa hindi pagpayag na bilihin ang lupa rito ng mayamang negosyante. Marami kasing ayaw pumayag dahil mawawalan daw sila ng tirahan. Kaya kung gusto mo, eh, pumirma ka na rin dito sa papel na ito para dagdag bilang na rin sa mga ayaw ibenta ang lupain dito," saad ng isang may kaedaran nang tanod na lalaki. Napapaisip siya kung tutuusin hindi nila pag-aari ang lugar, kasi squatter nga lang sila rito. Nakikitukod lamang sila ng bahay sa lupa ng gobyerno, wala naman silang binabayaran dito. May karapatan ang gobyerno na ibenta ang lupa. Pero bilang isang mamamayan ng Pilipinas karapatan niya rin na ipaglaban ang kinatitirikan ng inuupahang bahay. Ilang taon na rin sila rito at napamahal na sa kanya ang lugar. Magulo man at maingay, wala naman siyang problema sa mga kapitbahay dahil mababait naman ang mga ito sa kanya. Minsan nga binibigyan sila ng pagkain ng mga ito. Kaya walang pag-aatubiling pumirma siya. Agad niyang natanong kung sino ba ang nagbabalak na bumili ng lupa na ito. "Ah, ang sabi ay Mr. Zapper Montenegro raw ang pangalan. Isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng maraming resort at hotel sa bansa," sagot ng may kabataan edad na tanod. Sa narinig na pangalan agad siyang nahintakutan na baka magkita sila. Ayaw niya nang makita ito matapos ang nangyari noon. Itinuring niya na lang isang bangungot ang nangyari noon. Masakit pa rin sa kanya ang ginawa nito at noong kababata nito. Pinagkatiwalaan at minahal niya ang lalaki pero isa lamang pa lang laro ang mga 'yon para rito. Masyadong ni-take advantage ang mura niyang puso na nagmahal dito ng sobra. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang mga luha. "Ay naku, Misis, bakit ka umiiyak? Naiiyak ka ba dahil baka mawala na ang squatter na ito? Huwagag kang mag-alala lalaban tayo. Dahil kapag hindi ay lahat tayo mawawalan ng titirhan," ani ng may katandaang tanod. Agad niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. "Ahm, pasensya na po kayo, oo nga po nakakalungkot na mawala ang lugar nating ito. Dito na tayo lahat nagkakilala, eh. Sana ho manalo tayo," iyon na lamang ang sinabi niya. Ayaw niya naman sabihin dito na kilala niya ang negosyanteng gustong bumili ng buong kalupaan nang squatters. Matapos makipag-usap sa mga yanod, agad siyang pumasok ng kanilang bahay. Para siyang nanlambot sa nalaman. Alam niya naman na mayaman ito, kahit noon pa man. Madalas niyang nakikita sa ibang magazine sa talipapa na binabasa nang ilang tindera roon. Nakikita niyang umasenso nga ito ng husto. Wala na rin naman siyang balak pang magpakita rito. Pero hindi kaya ang papunta niya rito noong isang araw ay ang tinignan ang lugar nila at hindi naman talaga siya ang pakay nito? Kasi Kung siya ang pakay nito, malamang hinabol siya pero hindi naman nangyari. Siguro nga nakalimutan na rin siya ng dating kasintahan na magpa-hanggang ngayon ay mahal niya pa rin. Nabalot lamang ang puso niya ng galit dahil sa mga nangyari noon. Araw-araw niya ba naman nakikita ang kambal na kamukha ng ama, malamang hindi niya pa rin talaga makalimutan. "Ano ba ito, past na 'yon, ayaw ko nang isipin pa. Move on self," pagpapayo niya sa sarili. Mahirap na kasing umasa, kagaya noon. Talaga nga namang lumagapak siya sa dusa. Hindi nga nagkamali si Wella sa pagpapaalala sa kanya. Siya lamang ang matigas ang ulo at minahal ito ng sobra. "Aray!" Agad niyang daing sa may puson niya nang biglang parang pumitik ito. Itong mga nakalipas na araw kasi madalas niyang maramdaman iyon. Gustuhin niya man na magpatingin kaso wala pa siyang sapat na pera. Iisipin niya muna ang pangangailangan ng mga anak niya bago ang sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD