Episode 5

1104 Words
Abala ang binata sa binabasang papeles dahil may bago itong binabalak na project na itatayo kapag nabili na ang lupa ng mga taga-squatter. Dito niya binubuhos sa negosyo ang sarili dahil wala na siyang balak pang pumasok sa pag-ibig. Matapos ng nangyari sa kanila ni... "Teka bakit ko ba naiisip iyon? Makapagbasa na nga," ani sa sarili niya. Pero napapa-isip siya kung si Zandra nga ba ang nakita niya. Hawig na hawig kasi nito ang dati niyang kasintahan. Pero may mga anak na iyon. Malabo kung si Zandra iyon. Pero possible rin dahil baka nakapag-asawa na. Pero nakakapagtaka bakit nasa squatter ito? Tunog ng intercom ang nagpagising sa diwa niyang naglakbay na sa kung saan. "Hello, Jake, bakit?" bungad niyang tanong sa secretary niya. Ito lang naman ang tumatawag sa intercom niya. "Ahm, Sir, nandito po sa labas si Ma'am Charry, gusto raw po kayong makausap?" "Nandito na naman ang babaeng ito. Ang kulit-kulit n'ya. Iniiwasan ko na nga, masyado namang makulit at pinipilit na kausapin ako. Haist!" angil niya sa sarili. "Sige, papasukin mo na lang," At agad niyang ibinaba ang awdatibo. Sinabihan niya na ang secretary niya once na may maghanap sa kanya huwag agad papasukin sa office niya. Kahit sino pa sila maging magulang niya man o mga kaibigan. Gusto niya ng privacy. Biglang bumukas ang pinto nang office niya at bumungad sa kanya ang kababata na si Charry. "What are you doing here?" malamig niyang tanong habang hindi binibigyang pansin ang taong pumasok sa office. "I came here to invite you for lunch, Zap. I brought the foods, para 'di na tayo lumabas dito na lang tayo sa office mo," wika nito. Oo nga pala, tanghali na, hindi niya man lang namalayan. Madalas siyang nalilipasan ng gutom dahil hindi niya na napapansin ang oras, masyado siyang tutok sa trabaho, ayaw kasi niyang may makaligtaan kahit katiting na problema sa kompanya. Gusto niya smooth lamang ang pagpapatakbo sa kompanya. The more focus siya, the more walang aberya sa trabaho at kompanya. "You can eat whenever you want, don't disturb mo. You can leave now," matabang niyang sabi na hindi pa rin tinitingnan ang kausap. Gusto ng binata na ipadama sa rito kung gaano niya ayaw makita ang presensya nito. "Zap, naman bakit ka ba ganyan? It's been years already pero ganyan mo pa rin ako itrato. Hey, magkababata tayo, dapat close tayo. Hindi iyong ganito ang pakikitungo mo sa akin," saad nito na parang naiiyak. Hindi alam ng binata kung totoo ba ang drama nito. Ayaw niya nang maniwala pa rito. "Yeah, we've been close before. Before na hindi mo pa sinisira ang buhay ko. Ano pa ba ang gusto mong mangyari, huh? Ilang beses ko namang sinabi sa'yo wala akong gusto sa iyo kahit kailan. Pero pilit mo pa rin isinisiksik ang sarili mo sa akin. Ganyan ka na ba ka-desperada?" sagot niya sa dalaga. "Yes! Dahil kahit noong mga bata pa lang tayo, ikaw na ang pangarap kong lalaki na makasama habang buhay!" galit nitong sabi na nangingislap ang mga mata sa nagbabadyang mga luha. Yeah, dahil sa ginawa nito noon sa kanila ng babaeng minahal niya, hindi niya kaya itong pinakitunguhan nang maayos. Nagtiwala siya rito but after what she did to his love of his life, nawalan na siya nang ganang kausapin ito. Kahit magkaibigan ang mga magulang nila, wala nang pakialam ang binata. Actually binabalak ng magulang nila na ipakasal si Charry sa kanya pero over his dead body. Ayaw niya sa babaeng pilit ipinagtutulakan ang sarili kahit na hindi naman gusto ng lalaki. She has boyfriends, but I don't know why, na hindi nagtatagal. Siguro kahit sila alam ang ugali ng babaeng ito na nasa harapan ng binata. "You know my answer to what you're saying, Charry. You can leave now kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga security sa baba," nanggigil niyang sambit dito. Ibinato nito ang lunchbox na dala at nagmamadaling umalis. "Yeah she's always like that. A brat woman," bulong niya sa sarili. Samantala... "Sister!" Sigaw ni Wella mula sa labas ng bahay ni Zandra. Sanay na si Zandra sa kaibigan tuwing pupunta ito sa bahay niya. Either may chismis o 'di kaya may bagong jowa. Ganyan siya. "Bakit na naman? Ano namang chismis ang dala mo? Wala ka bang mga customer sa salon at dito ka napadpad" tanong ng dalaga sa kaibigan. Since high school until now, hindi siya iniwan nitong best friend niya. She's I mean he's the best. Ewan naguguluhan na rin siya sa gender nito. "Narinig mo na ba ang balita, tungkol sa gustong bumili ng squatter?" Tanong nito habang papasok sa pintuan nang bahay ni Zandra. "Ano ka ba girl, panis na 'yang chismis mo. Himala nahuli ka ata sa balita?" balik na tanong niya rito. "Ay, gano'n ba, nabalitaan mo na rin pala? Eh ano ngayon ang plano mo, baka magkita kayong dalawa rito sa squatter?" "Anong plano sinasabi mo? Wala akong plano. Eh, ano ngayon kung magkita kami, may mababago ba? At saka nagkita na kami noong isang araw. Pero hindi niya kao hinabol dahil mabilis kaming nakaalis ng mga bata," pagkukuwento niya rito. "Ay, hindi naman masyado bitter ang sounds mo, Ate Girl, ano? At ano'ng Sabi mo, nagkita na kayo, at hindi ka hinabol? So, umaasa ka pa pala na hahabulin ka niya?" may mapang-asar nitong sagot. "Pinagsasabi mo? Tigilan mo ako, ah, hindi uubra sa akin 'yang pang-aasa mo," aniya. Tila nakaramdam naman ito na napipikon ang dalaga at agad in iba ang topic. "Anyway, paano kung makita niya ang kambal? Lalo na kamukhang-kamukha niya ang kambal, baka mamaya bigla na lamang kunin sa'yo?" sabi nito. Bigla siyang kinabahan. "Hindi mangyayari 'yun, Wella. Mag-kamatayan muna kami, bago niya makuha ang mga anak ko," At ipinagpapasalamat niya dahil hindi nakita ng binata ang mukha ng kambal noong magkita sila. Mabuti na lang din at wala rito ang kambal, nasa school sila ngayon kaya ang lang mag-isa sa bahay. Hindi kasi siya nagtinda ngayon sa talipapa dahil medyo sumama ang pakiramdam niya. Tapos ito pa ang ibubungad ng kaibigan niya sa kanya. "Sa totoo lang kinakabahan din ako baka nga kapag magkita kami at bigla niyang kunin ang mga anak ko. Wala akong laban, bilyonaryo siya isa lamang akong hamak na dukha. Hangga't maaari ayoko ng magtagpo ang landas namin," paliwanag niya sa kaibigan. Tila nakakaunawa naman ito sa kalagayan niya. Tumango na lamang ito at niyaya siya sa kusina. May pasalubong raw ito sa mga pamangkin niya. Itinuring na ng kaibigan niya na pamangkin ang mga anak niya. Wala naman kaso sa kanya iyon. Sila na lamang din ni Wella ang nagdadamayan ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD