Episode 6

1345 Words
Nag-uunahan tumakbo ang magkapatid na Julio at Julia pauwi sa kanilang tirahan. Galing ang mga ito sa eskwelahan kung kaya't nag-uunahan na itong makauwi dahil miss na miss na nila ang kanilang ina. Sigurado silang nasa bahay na 'yon nang ganitong oras, kasi hindi nagpapagabi ang nanay nila sa talipapa para mag tinda. Puwera na lamang kapag kailangan niyang ipaubos ang paninda. Kailangan bago makauwi ang kambal ay nasa bahay na ang nanay nila. Habang tumatakbo si Julia at nauna ng konti sa kuya niyang si Julio, namataan niya ang napakaganda at nangingintab na sasakyan sa tabi ng daan na madadaanan din nila. "Wow!" ani ni Julia na manghang-mangha sa nakikita ng kotse. Nanlalaki pa ang mga mata nito nang makita ang magandang sasakyan. First time nyang nakakita noon. Agad naman siyang naabutan ni Julio at nahinto rin ito sa pagtakbo ng makita rin ang sasakyang nakaparada. "Wow, Kuya, ang ganda ng kotse. Kanino kaya 'yan?" agad tanong ni Julia nang makalapit na si Julio sa kanya. "Hindi ko alam, Julia. Kita mo nang sabay tayong pauwi, tatanungin mo ako nang ganyan?" mataray na wika ng batang lalaki. Ang lugar na pinagparadahan ng kotse ay hindi na masyado malayo sa kanilang tinitirhan kung kaya't puwede na silang magdahan-dahan sa paglakad. Pinagmamasdan ng kambal ang sasakyan, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita rin sila ng ganito kagandang kotse. "Ay! Oo nga pala!" natatawang sagot di ni Julia. "Tsk! Ikaw talaga, alam mo na ang abvious pero tinatanong mo pa," masungit na turan nito sa kapatid. Ganito minsan si Julio sa kapatid, masungit pero mahal niya naman ang naka-babatang kapatid na babae. Limang minuto lang ang tanda niya kay Julia, kaya naman siya ang kuya sa kanilang dalawa. Masyado siyang protective sa kapatid na babae dahil ang goal niya ay siya ang lalaki sa pamilya nila, kaya kailangan siya ang tumayong matapang sa kanilang magkapatid. "Halika na, Julia, uwi na tayo, baka mamaya kidnapper 'yan, eh,makidnap pa tayo." Sabi ni Julio sabay hula sa kapatid palayo sa kotse. Dahan-dahan naglalakad si Julia at palingon-lingon sa kotseng maganda. "Kuya, pag laki natin at may trabaho ka na, bili ka rin n'yan, ah? Tapos joyride tayo nila nanay?" turan ni Julia na tila nangangarap. "Oo naman! Yayaman tayo paglaki natin. Kaya mag-aral tayo nang mabuti para hindi na magtinda ang nanay sa talipapa," sagot naman ni Julio na confident yumaman pagdating ng araw. Ganito sila madalas, lalo kapag may bago silang nakikitang maganda sa paligid. Agad silang mangangarap at mag-uusap tungkol sa hinaharap. Walang araw ata na hindi sila nangangarap na magkapatid. Kaya nga masyado nilang ginagalingan sa eskwela para kapag nagtapos sila ng elementarya puwede silang makakuha nang scholarship para nag-hayskul. Kasi may ibang private school na kumukuha ng scholar. Nagpapaligsahan ang kambal sa klase para na rin may maipagmalaki sila sa nanay nila na nag-aaral silang mabuti at 'yung hirap ng ina nila ay may napupuntahan. "Magiipon na rin ako, Kuya, para kapag lumaki na tayo malaki-laki na 'yong pera naipon ko. Para hati tayo sa pagbili ng magandang sasakyan." Tumatango-tango pang sabi ni Julia. "Ako rin may naipon na nga akong konti, eh," sagot ni Julio. Oo nagiipon siya kapag may sukli o sobra sa baon niyang bente pesos, hinuhulog niya 'yun sa bote ng polbo na walang laman. Binutasan n'ya iyon nang sakto at puwedeng mailusot 'yung barya sa alkansya niya. "Kaya ikaw, kapag may sobra sa baon mo, Julia, ilagay mo na lang sa alkansya mo. Gagawan kitang alkansya. Malapit nang maubos iyong isang bote polbo natin. Iyon ang gawin mong alkansya katulad ng sa akin," wika ni Julio. "Talaga, Kuya! Gagawan mo akong alkansya? Sige gusto ko 'yan, Kuya. Hindi na ako bibili nang chippy, boy bawang na lang. Iyong tag piso para tipid. Ang mahal nang chippy, eh, kahit peyborit ko iyon, 'di ko na lang muna bibilihin. At saka na lang kapag may malaki na akong ipon," sagot naman ni Julia. Patuloy sila sa paglalakad hindi nila alintana na may nakakarinig ng kanilang paguusap. Naiiling na natatawa na lang ang isang lalaki nang marinig ang dalawang bata. Ngunit biglang lumingon ang batang babae sa taong nakikinig sa kanilang usapan kaya napalaki ang mata nito ng makita ang isang mama. Huminto si Julia maglakad at bumalik sa nilagpasang sasakyan at tumingala sa lalaking kakababa lang ng sasakyan. "Manong, sa inyo po 'yang sasakyan? tanong niya. "Yes. Why?" sagot naman ng lalaking may ari ng sasakyan. Dahil likas na matalinong bata si Julia, naintindihan niya ang sinagot ng lalaki. "Ah, ganun po ba. Mahal po ba' yang sasakyan ninyo? Masyado po kasing maganda, eh, siguro mahal ang presyo niyan," sagot nito. Animo'y matanda na nakikipagusap sa lalaki. "Well, if you can afford, yeah it's cheap, but if it's not, they will say it's too expensive," sagot ng lalaki na natutuwang makipag-usap sa batang babae. Agad naman kinalabit ni Julio ang kakambal. Inaaya na itong umuwi na dahil hindi nila kilala ang estranghero na kausap nito. Pero palipat-lipat ng tingin si Julia sa kuya n'ya at sa lalaking kausap. Nagtataka sa nakikita. "Teka, bakit mukhang magkahawig kayo, Kuya, ni Manong Pogi?" wala sa sariling sambit ni Julia. Nakuha naman agad ang atensyon ng lalaki sa narinig mula sa sinabi ng batang babae. Napatingin siya sa batang lalaki na katabi nito at nanlaki ang mata sa nakita. "Oo nga bakit parang mini version nya 'yung batang lalaki?" ani ng isip ng lalaki. "Bakit mo siya kamukha, Kuya, at ako hindi? Kambal naman tayo, ah?" muling sambit ng batang babae. "Hindi ko alam, Julia. Siguro dahil pareho kaming lalaki kaya, gano'n, magkamukha kami. Huwag ka na magtaka, Julia, kasi ang mga tao ngayon magka-kamukha na kahit hindi magkadugo," sagot ni Julio sa kapatid. Nahihiwagaan man ang batang babae pero dahil sinabi ng kuya n'ya naniwala na lamang siya. "Tara na, Julia, baka hinihintay na tayo ng nanay sa bahay. Kailangan pa natin siya tulungan maghanda nang hapunan natin mamaya. Magsasaing pa ako," pag-aayai ni Julio sa nakababatang kapatid. Sa murang edad sinisikap ng magkapatid na matuto sa gawain bahay, lalo na si Julio. Dahil gusto nito na pag-umuwi ang nanay nila, magpapahinga na lamang ito at sila na ang mag-aasikaso sa bahay nila. "Sige po, Manong Pogi, uwi na po kami. Pahimas po ng konti sa kotse n'yo, ah." Ani Julia sabay himas sa sasakyan. Matapos haplusin nang bahagya ang sasakyan ay kumaripas na nang takbo ang kambal. Naiwan namang napapatanong sa sarili ang lalaki habang hinahatid ng tanaw ang dalawang bata na kani-kanina lang ay kausap niya. Hindi na nga siya nakakasagot sa mga ito dahil nakatuon lamang ang mga mata niya sa batang lalaki. Mas kamukha niya ito kaysa sa babaeng kambal, umano nito. "Kuya, 'di ba iyon 'yung sports car na tinatawag katulad ng kotse nakita natin kanina?" Hindi pa rin mawala sa isip ni Julia ang sasakyan nakita kanina. Masyado siyang namangha rito kaya naman kahit matutulog na sila ng kuya niya, ay 'di pa rin nito maiwasan tanungin kung 'yun nga ba ay sports car. "Hindi sports car 'yon, Julia, Lamborghini tawag doon. Nakita ko minsan sa TV doon kila tita Wella," sagot ni Julio. "Ah, bamborghini," sambit ni Julia. "Hindi bamborghini, Lam-bor-ghi-ni," dahan-dahang bigkas ni Julio sa kapatid. "Lam-bhor-ghi-ni," paguulit ni Julia. "Tama, Lamborghini," sagot agad ni Julio. "Bambhorghini!" Palatak na sigaw ni Julia pero agad nagtakip ng bibig, mapansing napalakas ang boses n'ya. Alam nitong tulog na ang nanay nila, at hindi dapat sila maingay dahil maagang nagigising ang ina nila papunta sa talipapa para magtinda. "Tss! Ewan sa'yo, minsan talaga bulol ka, Julia. Matulog na nga lang tayo. Maaga pa natin tutulungan ang nanay para maghanda ng almusal dahil maaga siya sa talipapa bukas," "Sige po, Kuya. Tulog na tayo. Goodnight, Kuya. I love you," Ani ni Julia na malambing ang pagkabigkas. "Goodnight din, little sis. I love you too," usal naman ni Julio. Natulog na si Julio, pero si Julia panay pa rin ang isip sa kotseng nakita. "Paglaki ko, bibili rin ako nang ganoong kotse," piping usal niya sa sarili at tuluyan na ngang ginapo nang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD