Episode 7

1327 Words
Nang gabi rin 'yun hindi makatulog si Zapper dahil sa tagpo kanina sa dalawang bata. Hindi siya nagkakamali na kamukha niya nga ang batang lalaki. Pero impossible may kamukha siya, samantalang kung may makakaniig man siyang ibang babae, sinisigurado nyang may proteksyon s'ya lagi. Hindi pa siya handa na magkaanak kung hindi man lang ang babaeng mahal n'ya mula high school s'ya. Hinahangad n'ya pa rin na makita itong muli. Nakita niya nga noong nakaraan pero hindi na na ulit iyon. Sadyang mailap ang dalaga sa kanya. Ilang taon na rin ang nakakaraan, pero hindi niya pa rin makalimutan ang dalaga. Masakit din sa kanya ang paghihiwalay nila kaso wala s'yang choice noon kundi saktan ito para hindi madamay sa binabalak ng magulang niya at ni Charry. Kinamumuhian n'ya ang mga ito ngayon, dahil kung hindi nanghimasok ang mga ito sa pagmamahalan nila ng dalaga noon, siguro ngayon isa na silang masayang pamilya. "Ugh!" buntonghininga niya. Bakit ba iniisip niya pa ang nakaraan, eh, matagal nang tapos ang mayroon sa kanila. Hindi niya maiwasan ngayon ang madalas na pagsagi sa isip niya ang nakaraan, lalo at nakita niya ulit ito ng isang beses pero hindi niya rin sigurado kung iyon nga si Zandra. Isinambulat niya na rin iyon sa detective na binabayaran niya para mahanap ang dalaga. Still no positive information na galing rito. Laging negative. Kesyo hindi raw nakita ang dalaga, Kesyo walang ibang record kung saan ito nakatira. Nahihiwagaan siya dahil impossible mangyari na wala itong record. "If he can't find it, I will find by myself. At kapag napatunayan kung niloloko lang ako ng detective na ito, may kalalagyan siya sa 'kin," bulong niya sa sarili. Flashback Tatlong buwan na lang bago matapos ang huling taon nila sa high school. Magkayakap si Zapper at Zandra habang nasa open field nang kanilang paaralan. Nang maghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa, humiga ang binata sa may hita ng dalaga at itinuon ang paningin sa kalangitan. "Love, anong course mo sa college?" pagbasag ng katahimikan ng dalaga. Napakasaya ng puso niya dahil ang matagal nang minamahal na lalaki hanggang ngayon mahal na mahal pa rin n'ya . Araw-araw nadadagdagan ang pagkahulog niya rito. Hindi na nga siguro siya makakaahon pa sa pagmamahal n'ya para sa binata. "Sana ganito na lang sila hanggang forever," piping dasal n'ya sa sarili. "Business Administration 'yung course ko, Love. Alam mo naman may business ang parents ko. Gusto nila ako mag-manage noon pagdating nang araw. Ikaw Love, anong course mo? Sana isang school ulit tayo, ayoko nang mahiwalay sa'yo, eh, gusto ko lagi kitang nakikita. Naiisip ko pa lang na 'di tayo madalas magkita after ng graduation natin, parang' di ko na kaya, Love," sagot ng binata sa dalaga. Kahit naman ang dalaga hindi rin n'ya kayang hindi nakikita sa isang araw ang kasintahan niya. Kung noon pangarap n'ya lang ito na maging sila, hirap na nga siyang mag-move on, ngayon pa kaya na dream come true n'ya na, kasintahan n'ya na ito. "Same tayo, Love, nang course. Gusto rin nila mommy at daddy na 'yun din ang course ko para matulungan ko silang mapalago ang negosyo na' di pa naman kalakihan. Mini business nga lang 'yung sa amin, pero 'yung sa inyo giant. Sa tingin mo, Love, kaya mong pa takbuhin 'yung gano'n kalaking negosyo?" usal ng dalaga. "Love, wala akong hindi kayang gawin lalo kung, para sa future natin ang goal ko. Gusto ko kapag natapos na tayo ng college, magpakasal na tayo agad. I can't wait to build a family with you love," nangangarap na wika ng binata. Sobrang mahal nito ang dalaga kaya naman hindi niya maiwasang mangarap na ito ang magiging asawa at magiging ina ng mga anak nila. Lihim niya na itong tinatangi noon, kaya nang may pagkakataon na pwede niya nang ligawan ang dalaga, hindi na siya nagdalawang isip pa, at 'yun na nga naging sila na ngayon. Masayang-masaya ang puso niya dahil 'yung lagi n'yang kunwari sinusungitan na kaklase n'ya pero lihim niyang gusto, ay kanyang-kanya na ng buo. Naalala n'ya pa noong first time na may mangyari sa kanila.Pareho silang walang karanasan tungkol sa ginagawa ng mag-asawa, pero dahil sa dala ng kapusukan nilang dalawa after mag celebrate ng championship n'ya mula sa sports na kinabibilangan ng binata, inaya n'ya ito sa mansyon nila. Nagkataon na wala ang magulang niya, kaya malaya silang gawin ang gusto nila sa kwarto niya. Dalawang linggo na ang nakakaraan. Sariwa pa rin sa isip niya ang pag-iisa nilang dalawa. Kahit gustuhin niyang maulit 'yun, pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang isipin nito na 'yun lang ang habol n'ya . At saka na ulit kapag graduate na sila nang high school. Hehehe, kidding aside. Isang buwan na lang at matatapos na sila. Busy silang pareho sa pagpapapirma ng clearance nila, isa sa requirements bago sila grumaduate. Pero kapag may oras silang dalawa hindi maiwasan na ma-miss nila nang sobra ang isat isa. Kaya naman muling may nangyari sa kanila. Dahil pareho nilang gusto iyon, wala silang makapang pagsisi at pag-aalinlangan na baka may mabuo sa ginagawa nila. Wala pa naman silang proteksyon. Pero handa ang binata na panagutan ang dalaga kung magkataon man na mabuo 'yun. Sigurado na s'ya sa sarili n'ya na ito ang babaeng mamahalin n'ya habang buhay. Ngunit... "Im telling you Zapper kapag hindi mo hiniwalayan ang babaeng yun, sisiguraduhin kong hindi rin kayo magiging masaya," pagbabanta ni Charry dito. Pero hindi nakinig ang binata sa banta ng kababata hanggang sa nagising na lang siyang may humahalik sa pisngi at labi niya. Nagulat siya na katabi niya si Charry sa higaan at pareho silang walang saplot. Halos panawaan siya ng ulirat sa takot dahil ito ang kaisa-isang iniiwasan n'ya na mangyari. Dahil kapag nalaman ng mga magulang nila na may namamagitan sa kanila ng kababata, agad silang ipapakasal. Lalo na magkaibigan ang pareho nilang pamilya at magkasosyo sa negosyo. Ayaw n'ya sa dalaga dahil kahit kailan, isang kapatid na babae lamang ang turing niya rito at wala nang hihigit pa roon. Pero sa nangyayari ngayon mukhang ginawa nga nito ang pagbabanta niya sa binata noong nakaraan. Akala niya biro lamang ng dalaga iyon, dahil madalas nitong sabihin na kapag hindi sila maghihiwalay ng kasintahan niya, guguluhin ni Charry ang mga buhay nila. Hindi nga pala siya nagbibiro. "Pero bakit niya nagawa ito alam naman niya na hindi ko siya gusto?" piping usal n'ya. Sobrang gulo ng isip niya at hindi namalayan na nasa bungad na pala ng pinto ang kasintahan niya. Namamaga ang mga mata nito, mukhang galing sa pag-iyak. Tatayo na sana s'ya para habulin ito dahil bigla na lang tumakbo, kaso agad s'yang napabalik sa higaan ng makaramdam nang pagkahilo. "Ano ba talaga ang nangyari sa akin?" wala sa sariling sambit niya. Ngiting tagumpay naman si Charry sa nakita nang paglisan ng dalagang si Zandra at kasintahan ng kababata na matagal niya nang mahal. Hinding-hindi siya papayag na hindi magiging kanya ang binata. Gagawin niya ang lahat makuha lamang ito. Walang tigil ang pag-iyak ni Zandra habang tumatakbo sa 'di malamang direksyon. Gulong-gulo s'ya sa nangyayari. Nagpunta siya sa mansyon ng kasintahan dahil ito lang ang alam niyang pwedeng mag-comfort sa kanya dahil pinalayas s'ya ng magulang n'ya nang malamang nagdadalantao s'ya. Masaya s'ya sa nalaman na buntis siya at si Zapper nga ang ama pero hindi niya lubos maisip ang tagpo kanina sa silid nito. "So all this time pinaglalaruan lang nila ako?" nagngangalit na mga ngipin na usal n'ya sa sarili. Galit na galit s'ya sa mga ito. Kung pwede lang manakit ng kapwa ginawa niya na, kaso iniisip niya baka kung anong mangyari sa kanya kapag gumawa siya nang hindi maganda. Habang naglalakad sa maingay na kalsada dahil sa walang tigil na paroo't parito nang mga sasakyan, biglang nag-ring ang selpon niya. Wala sa sariling sinagot n'ya ang tawag dahil lutang pa ang utak niya sa mga pangyayari, ngunit nabitawan n'ya ang telepono ng marinig ang boses sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD