Rylan's point of view.
Dala ang painting na ginawa ko, inilabas ko iyon mula sa loob ng shop para mainitan ng araw at matuyo. Pinunasan ko ang pawis na dumadaloy sa aking mukha dahil sa pagod. Katatapos ko lang kasing gawin ang bago kong ipinintang landscape ng Mayon Volcano, may nag-order kasi sakin at kailangan na bukas kaya nagmadali akong tapusin 'to.
3pm na at hindi pa ako nakakapag-lunch dahil tinapos ko pa iyon. Nakapamewang kong pinagmasdan ang malaking painting na pinaghirapan ko. Napa-proud talaga ako sa tuwing nakakatapos ako ng isang obra. Pakiramdam ko mas nagiging motivated ako kapag nakakagawa ako ng mga paintings para sa iba. Wala lang, fulfillment kung baga.
Masyado na akong madumi dahil sa mga pinturang nakadikit sa jumper na suot ko. Mukhang kailangan ko na talagang maligo. Sobrang pawisan na kasi ako at nanglalagkit na ako sa sobrang init. Itatabi ko na sana ang mga hawak kong painting materials ng may marinig akong malakas na busina ng sasakyan. Nakita ko ang kulay asul na kotseng pumapasok sa gate ng bahay ko. Sigurado ako, sila na 'to. Ang mga kaibigan kong walang alam kung 'di ang gumimik ng gumimik. Ano na naman kayang meron?
Huminto iyon at bumaba isa-isa mula sa doon.
"Pare! Kamusta? Busy na naman?" bati sa'kin ni Renz, ang may ari ng asul na kotse.
Lumapit siya sa'kin para bigyan ako ng isang apir. Ano ba' yan, wrong timing. Hindi pa 'ko nakakaligo, eh.
"Hi Rylan, bagong painting? May um-order ulit?" tanong ni Luna habang kinakalikot ang naka-braid niyang buhok.
"Oo, eh. Wala naman akong ginagawa kaya tinanggap ko." tugon ko habang inaayos ang medyo gulo kong buhok.
"Eh, bakit naman kasi buong araw ka nalang nandito bahay mo. Lagi kang nandito sa shop. Why don't you go out somewhere?" pagsingit ni Kate habang kinikilatis yung painting na gawa ko.
"Oo nga naman, pare. Sayang naman yung pagiging fresh graduate natin, oh? Kailangan matuto ka rin magsaya paminsan-minsan. Sige ka, hindi mo na magagawa 'yan kapag naging busy ka na talaga sa pagta-trabaho." dagdag ni Vin na tinatapik ang balikat ko.
I knew it. Sabi ko na nga ba at 'yon na naman ang sasabihin nila, eh. Kukumbinsihin na naman nila ako na lumabas para daw ma-enjoy ang buhay ko. Nag-e enjoy naman ako sa pagpinta, ah?
"Wala ako oras sa mga paglabas-labas ng mall o kung saan pa 'yan. Masaya naman ako sa ginagawa ko, eh. Hobby ko ang painting di'ba?" sagot habang ipinapasok sa shop yung mga ginamit ko sa pagpinta.
"Hay nako, Rylan. Hindi lang naman pagpi-paint ang pwede mong gawin. Sumama ka kasi sa nga gimik namin para naman kumpleto ang barkada. Simula noong grumaduate kasi tayo 7 months ago, hindi ka na sumasama sa'min. We're missing you na talaga." naka-pout na sambit ni Luna na kunwari'y iiyak.
"She's right, Rylan. Sometimes, you need to go out and breath back to life." pagsang-ayon ni Renz.
Wait. Ma? Pa? Kayo ba 'yan? Hanep mag-advice, ah? Sigurado ako, may binabalak na naman ang mga 'to. Ano na naman kayang sadya nila?
"Teka nga muna," huminga ako ng malalim bago itinuloy ang pagsasalita ko. "Ano ba talagang sadya niyo dito?" tanong ko.
"Ang totoo niyan, kaya kami pumunta dito ay may sasabihin kami sa'yo." pabiting sabi ni Luna.
Ugh. Sabi ko na nga ba, eh.
"Ano 'yon?" walang ganang tugon ko.
"I won a contest, tanda mo yung naghulog ako ng pangalan dun sa Raffle-To-Win? Nakuha yung pangalan ko sa tatlong maswerteng nanalo!" galak na kwento ni Kate na may pagtalon pang nalalaman.
"And?"
"Nanalo ako ng Trip for 5 sa El Nido Palawan Resort! Oh, di'ba? Ang saya?!" dugtong nito.
"Kate, diretsuhin niyo nalang ako. Pwede?" sabi ko.
"Okay, pare. Ganito kasi 'yan. Since trip for 5 yung napanalunan nitong si Kate, eksakto sa ating lima. So, ano? Game?" paliwanag ni Vin na a-apir sana sa'kin pero di ko pinansin.
"Nako, pasensya na guys. Hindi ako pwede, eh. Alam niyo namang masyado akong maraming pinagkakaabalahan, di'ba? Yung para sa'kin, sa iba niyo nalang ibigay o kaya dun sa pinsan mo Kate." sagot ko habang nililipat ng pwesto yung painting na ginawa ko.
"Alam naming sasabihin mo 'yan at tatanggi ka na naman. Rylan naman? Sa Monday na 'yon. 2 weeks lang 'yon at wala tayong babayaran kahit sinco. Kaya please pumayag ka na?" pakiusap nitong si Luna na halos lumuhod na sa harapan ko.
Ano na naman ba 'to? Alam naman nilang busy akong tao, eh. Friday ngayon at marami pang mga costumers ang nag-aabang ng mga gawa ko sa susunod na mga araw. Kaya hindi ako pwedeng basta nalang umalis.
"Marami akong costumers this coming days, guys. Hindi ako pwedeng umalis." maikling sagot ko habang naglalakad patungo sa loob ng bahay ko.
Sumunod naman sila sa'kin at pinipilit pa rin ang pag-oo ko sa gusto nila. Ang kulit lang?
"Pare, ang kj mo! Sige na naman, oh?" pamimilit pa ni Renz.
"Please Rylan, please? 2 weeks lang 'yon. Mabilis lang at siguradong mag-e enjoy ka talaga." sambit ni Kate habang inaalog ang braso ko.
The trip sounds good pero hindi pa rin sapat iyon para um-oo ako at iwanan ang shop for 2 weeks. Kapag umalis ako, 2 weeks rin yung mawawalang pera sa shop.
"Hay, ang kulit? Sinabi na ngang hindi nga pe-pwede, eh. Kapag iniwan ko yung painting shop ko, maraming costumers ang mawawala at ayoko namang mangyari 'yon. Iba nalang yung isama niyo, yung iba niyong kaibigan." sabi ko habang hinuhubad ang jumper na suot ko.
"Ano pa bang kailangan naming sabihin para lang pumayag ka?" desperadong tanong ni Kate na parang iiyak na ano mang oras.
"Wala." sagot ko na nagpalungkot sa mga mukha nilang lahat.
Sakto namang dumating si mama at tumungo sa kusina kung nasaan kami. Every friday kasi siyang dumadalaw dito sa bahay ko para dalhan ako ng grocery. Sabi ko naman huwag na pero mapilit siya.
"Hi, ma." bati ko sa kanya habang kini-kiss siya.
"Hi, mukhang pagod na pagod ka anak ah?" tanong nito sa'kin ng makitang pawisan ako.
"Katatapos ko lang pong magpaint. May order po kasi." sagot ko.
"Hi, Tita Alice." bati nung apat sa gilid.
"Oh? Andito pala 'tong mga kaibigan mo? Kamusta na kayo? " tanong ni mama sa kanila.
"We're good, tita." nakangiting sagot ni Renz.
"We're good except to Rylan." seryosong sabi ni Vin.
"Oo nga po, tita." nakabusangot na pagsang-ayon ni Kate.
"Oh, bakit naman?" takang tanong ni mama na inikot ang paningin sa aming lima.
Ano na naman kayang problema ng mga 'to? Don't tell me sasabihin nila? Ugh.
"Hay nako, tita. Puro nalang kasi painting ang ginagawa ng anak niyong 'yan. Eh, sabi nga namin magrelax din paminsan-minsan. Ayaw naman niya." inis na tugon ni Luna na akala mo'y pinagkaitan ng kung ano.
Ugh. I told yah. Sabi ko na, eh.
"Totoo ba 'yon, anak? Bakit ka naman nagpapaka-pagod ng ganun? Tama sila, kailangan mo ring mag-aliw aliw minsan." pag-sang ayon naman ni mama na expected ko nang sasabihin niya.
"Niyayaya nga po namin siya sa isang 2 weeks vacation sa isang resort na napanalunan ko sa raffle. Ayaw naman niya, busy daw kasi siya." sambit ni Kate na parang nang-aasar.
"Nako, anak dapat sumama ka na sa kanila. Para naman ma-refresh 'yang utak mo at hindi lang puro trabaho 'yong alam mo. You need some break anak," sambit pa ni mama na ikinatuwa ng mga walangya kong kaibigan.
"Ma, gustuhin ko man ay hindi pwede. Masyado po akong abala dito sa shop." sagot ko.
"Sige na, anak. Pumayag ka na, do it for yourself. Marami pa namang pagkakataon para magtrabaho at itong trip na sinasabi nila, minsan lang. Besides, 2 weeks lang 'yon. You need to refresh." sabi ni mama habang hinahaplos ang likod ko.
Ma, pati ba naman ikaw? Dadagdag pa sa mga pamimilit ng mga 'to? Ugh. Okay, fine! Wala naman na akong magagawa pa. Ako laban sa lima? Syempre dehado ako. Tutal may punto naman sila kaya, sige!
"Fine! Oo na!" sagot ko na nakapagpasigla ulit sa kanila.
"Really?!!" tanong ng tuwang-tuwang sabay na sabi nila Kate at Luna.
"Talaga pare? Yes!" sigaw ni Vin.
"Yan ang Rylan na kilala ko! Salamat pare!" dagdag pa nitong si Renz na tinapik-tapik pa ang balikat ko.
"Ano pa ba'ng magagawa ko? Ang lakas niyo sa'kin, eh. Ang lakas niyong mamilit." sarkastikong sambit ko na ikinatawa nilang lahat.
"HAHAHAHA!!!"
"So, when will it be?" tanong ni mama.
"Monday po tita." sagot ni Luna.
"So, sana mag-enjoy kayo! Pero bago 'yan, ipagluluto ko muna kayo ng late lunch. Dito na rin kayo kumain ng hapunan, ha?" sabi ni mama at dumiretso na sa may lababo para ihanda ang mga kailangan niyang pangluto.
Ako nama'y nakatingin lang sa mga kaibigan kong gusto kong kutusan ng isa-isa. Ang kulit nila grabe. Pumayag ako dahil siguro tama sila na kailangan ko rin 'to. Madalas kasi akong ma-stress sa trabaho ko dito sa shop at baka nga masyado na akong lulong sa pagpe-paint. Kaya siguro, tama sila. I need some break.