Prologue
Prologue
Hanggang kailan ko paninindigan ang pagiging single ko?
Iyan ang tanong na paulit-ulit na ipinupukol sa akin ng mga kaibigan ko, as if ay may deadline ang pagkakaroon ng ka-relasyon at madaling-madali sila para sa akin.
If I’m being honest, hindi ko alam kung paano iyon sasagutin. Malay ko ba? Wala pa siguro sa plano ko ang pagkakaroon ng love life. Sa edad kong bente-dos, hindi pa sumasagi sa isip ko ‘yon.
Mas nagpo-focus kasi ako ngayon sa pag-aayos ng sarili kong buhay. Lalo pa ngayon at kaga-graduate ko lang ng college kaya abala pa ako sa paghahanap ng trabaho at pagsisimula bilang isang financially independent person. I’m doing this to give back to my parents and at the same time, para sa sarili ko.
Rylan Brix Montevero is my name. I graduated as a Fine Arts student. I love arts and especifically, painting. That’s what I’m being busy with.
May maliit akong shop sa tabi ng bahay ko where I do most of my works.
I have four friends. Sina Renz, Vin, Kate at Luna. They are my go-to-people in life at kasama ko na sila simula noong unang taon pa lang namin sa kolehiyo. They are the best people I’ve ever met.
But the thing is, sa aming magkakaibigan, ako lang itong kaisa-isang inaasar dahil sa pagiging single ko. They always make fun of me being alone kapag may mga gimik kami at kapag kasama nila ang kanilang mga minamahal na ka-relasyon . They always push me to mingle with other people or to hook up some date online pero alam naman nilang hindi ako gano’n.
I know, they are just like that kasi alam kong gusto nila akong makitang masaya sa piling ng taong masasabi kong ‘mahal’ ko. Pero you know what? Naniniwala pa rin akong may tamang panahon at pagkakataon para sa lahat ng bagay.
Sobrang daming possibilities ng mundo at hindi naman ako nagmamadali.
Isa pa, anong malay ko kung parating na pala ‘yong taong para sa akin? What if there might be a stranger that I will meet and will change everything in me? That will make me believe that she’s the one that’s right for me? We’ll never know.
Basta ako? Maghihintay pa rin ako.
To that certain stranger that will make me fall in love.