Lahat kami ay nakaupo na sa buhangin habang patuloy pa rin sa pagke-kwentuhan. 15 minutes na simula nung magsimula kaming mag-inuman pero this time, beer ang iniinom namin. Mas komportable kasing inumin 'to kesa sa ibang alak na ininom namin noong isang linggo. Kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Ayokong magsalita dahil busy ako sa pagkain ng chichiryang pulutan namin. Ang sarap, eh.
"Uy, Rylan. Bakit ang tahimik mo yata ngayon? Nakakapanibago, ha?" sambit ni Luna na katabi ko.
"Ha? Hindi naman, eh. Ganito lang talaga ako " maikling sagot ko.
"Huwag nga kami pare, hindi ka umiimik dyan kanina pa eh." sabi naman ni Vin habang hawak ang beer niya.
"Oo nga, pare. Ano bang problema?" tanong pa ni Renz.
Wala naman akong problema, eh. Sadyang trip ko lang talagang hindi magsalita. Nasira na rin kasi ang gabi ko dahil sa pagtawag sa'kin ni Faith kanina.
"Wala naman. Na-badtrip lang siguro ako kanina. Tumawag kasi si Faith." walang ganang tugon ko sa kanila.
"What?! Really? Si Faith?! As in Faith Arellano?! That b***h?!" eksaheradang sambit ni Kate na napatayo pa sa pagkakaupo niya.
"Sobra ka. Yeah, siya nga." sagot ko.
"Ano daw sabi?" tanong ni Vin.
"Wala naman. Ibinalita lang na nakauwe na siya dito sa Pilipinas. Alam niyo naman 'yon, gusto lang mangulit sa'kin. Hayaan niyo na." tugon ko.
"I'm not convince, 'yon lang yung sinabi niya? Come on, Rylan. What is it all about?" pamimilit pa ni Luna.
"Pupunta daw siya dito bukas para dalawin tayo." sagot ko.
"What?! That flirty-dirty b***h?! Oh my God, hindi na talaga siya nagbago." inis na sambit ni Kate.
"Hayaan niyo nalang. Huwag niyo nang patulan. Kung pupunta siya dito bukas, edi pumunta siya." dagdag ko pa bago nilagok ang beer na hawak ko.
"Teka, sino si Faith?" tanong ni Enzo na katabi nila Renz at Vin.
"Huwag mo nang tanungin Enzo. Mahabang kwento." sagot ni Luna sa kanya.
"Basta, she's from the past na hindi na dapat balikan pa." dagdag pa ni Kate.
Sabi ko na nga ba at ganun na naman yung magiging reaksyon nila, eh. Magkakaklase kasi kami ng high school at lahat ng mga nangyare noon, alam nila.
"So, anong plano mo pare?" tanong sa'kin ni Renz. Plano?
"Anong ibig mong sabihin?" tugon ko.
"Anong plano mo ngayong bumalik na si Faith sa buhay mo? Sigurado ako, hindi titigil 'yon hangga't hindi nagiging kayo." sambit ni Renz at lumagok ng isang inom sa boteng hawak niya.
"Anong planong sinasabi mo? Wala noh. Hindi ko naman papatusin 'yon, kilala niyo naman ako." matigas na sagot ko sa kanya.
"Tama 'yan, Rylan!" masiglang sabi ni Kate.
"I agree, too." pagsang-ayon pa ni Luna.
"Bakit hindi mo nalang kasi patulan, pre? Maganda naman si Kate, mayaman at malakas ang dating. Saan ka pa?!" nakangiting sambit ni Vin.
"Ano bang sinasabi mo, pare? No way, noh. Matapos yung mga ginawa niya noon? Tss." inis na sagot ko kay Vin.
"Ikaw bahala. Suggestion ko lang naman 'yon. Hehe." natatawang tugon ni Vin.
Matapos 'yon ay nanahimik na ang lahat. Ako nama'y binuhos nalang ang inis sa beer na hawak ko.
Yes. Maganda si Faith, sa katunayan lagi siyang muse sa school eh. Mayaman rin ang pamilya niya dahil governor ang daddy niya at ang mommy niya naman ay isang abogado. Maraming nagkakagusto sa kanyang mga lalake sa campus noon, maliban sa'kin. Ibahin niyo ko, simula't sapul palang kasi kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Siya lang itong mapilit at gustong maging kami. Kaya dahil sa sobrang kadesperada niya, kung ano-ano na yung mga pinaggagawa niya. I hate her attidude. Ayoko sa mga taong katulad niya.
"Inom pa tayo! Sayang ang gabi! Hahaha!" pag-iingay ni Renz na bumasag ng katahimikan naming lahat.
"Okay! Drink all you want guys! Yahoooo!!!!!" dagdag pa ni Vin kung kaya't lahat kami ay kumuha pa ng tig-iisang bote ng beer!
"CHEEEEEEERSSSSS!!!!!!!" sigaw ni Kate habang iwinawagayway yung boteng hawak niya.
Naki-cheers nalang din ako kahit wala ako sa mood. Inuman lang kami ng inuman hanggang sa maubos yung dalawang case ng beer na kompleto pa kanina. Palagay ko ay naka-anim na bote ako habang sila nama'y hindi ko alam kung ilan ang itungga, mga lasing na eh.
Pasado 11pm na yata iyon ng gabi at nagpasya na kaming bumalik sa hotel. Mga hilong-hilo na ang mga 'to, eh. Konti nalang siguro at babagsak na 'tong si Vin at Renz dahil sa kalasingan. Si Kate at Luna nama'y magkaakbay na naglakad na papunta sa hotel, animo'y zombie dahil sa sobrang bagal at magalaw. Sumunod na rin naman yung dalawa sa kanila. Habang ako nama'y hindi na masyadong makontrol ang aking paningin dahil sa hilo kung kaya't tumayo na ako para maglakad na rin sana.
Nang makatayo ako ay bigla kong narinig na nagsalita si Enzo, hindi ko napansing nandun pa pala siya nakayuko sa kinauupuan niya.
"R-rylan.." sambit niya na mahahalata mo sa boses na lasing na talaga siya.
Ako nama'y lumapit sa kanya para itayo siya at alalayan pabalik sa hotel. Ang hirap niyang itayo dahil hindi nakikisama yung katawan niya. Ang bigat niya, grabe. Ugh.
"Uy, Enzo. Tumayo ka na nga dyan, babalik na tayo sa hotel." utos ko sa kanya.
"A-ayoko pa, pare. Di pa ako lasing, noh. Tara, inom pa tayo!" tugon niya sa pa-utal na boses. Aba? Loko 'to, ah?!
"Tapos na pare, wala na tayong beer. Halika na, hatid na kita sa kwarto mo dun sa hotel. Huwag ka nang makulit, ako yung mas nahihilo sa'yo eh." sambit ko pa at hinila siya patayo.
Hindi naman siya nagsalita pa at tumayo na rin. Inakay ko na siya at nagsimula nang maglakad patungo sa hotel. Pasalamat siya, hindi ako ganun kadali malasing. Kasi kung hindi, matutulog siya sa buhangin. Sa sobrang bigat niya ay hindi ko masyadong nako-kontrol yung paglalakad ko kaya medyo magalaw yung paglalakad namin. Mukha tuloy kaming zombie dahil doon.
"Ilang bote ba ng beer ang ininom mo, ha? Talo mo pa 'ko, eh. Lasing na lasing ka e, noh?" inis na sambit ko sa kanya ngunit hindi naman siya sumagot. Nakatulog na yata.
Pagdating namin sa kwarto niya ay agad ko siyang ibinaba sa kama. Ako nama'y hinahabol ang paghinga dahil sa pagod ng pag-akay sa kanya. Asar.
"Alam mo? Kung hindi ka lang mahalaga sa'kin, pinabayaan na kita." sambit ko sa nakahigang si Enzo.
Nakita kong sobrang pawisan na siya sa suot niyang longsleeves polo kaya lumapit ako para hubarin iyon. Tatanggalin ko palang sana ang unang butones ng damit niya ngunit agad siyang nagsalita na ikinagulat ko.
"M-mhalaga ako sa'yo? Mahalaga ka rin sa'kin, Rylan." mahinang sambit niya at hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.
Unti-unti niyang inilapit sa'kin ang kanyang mukha at dahan-dahang dinampi ang kanyang labi sa labi ko. Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi namin sa isa't-isa hanggang sa idiniin niya iyon na mas nagpabilis ng t***k ng puso ko. Nagkakapalitan na rin kami ng laway at amoy na amoy ko ang amoy ng beer na ininom niya kanina, maging ang amoy mint ng hininga niya. Mabango iyon at hindi ko maintindihan kung bakit lumaban ako ng kusa sa halik niya. Tila nagustuhan ko 'yon at tumagal ng sampung segundo bago ako natauhan sa sarili ko.
Agad kong inilayo ang labi ko sa labi ni Enzo na ikinagulat niya. Pinunasan ko naman ang laway na dumikit sa gilid ng labi ko bago nagsalita.
"Lasing ka lang, Enzo. Alis na ako." sambit ko at lumabas na ng tuluyan sa kwarto niya.
Nang makalabas ako doon ay tumigil ako sandali at hinawakan ang labi ko. Totoo ba yung nangyari kanina? Hinalikan niya ako? Iyon ang pinakaunang halik na natikman ko at mula pa sa isang lalake. Pakiramdam ko bumibilis na naman ang t***k ng puso ko at this time, mas mabilis pa siya sa inaakala ko.
"Bakit parang nagustuhan ko yung halik niya?" bulong ko sa sarili ko at hinawakan muli ang labi kong ramdam pa rin yung halik niya.